Chapter 30
"Tumigil na kayo!"
Sabay napahinto sa pagsusuntukan ang magkapatid dahil sa napakalakas na sigaw ni Angela
Unti unti kasing timitino sa isip niya ang kanyang mga nalaman. Ngunit naalala niya rin naman noon na ang pamilya ng nakabungo sa kanyang ina ay hindi pinabayaan ang pamilya nila. Natatandaan niyang nakakuha ng ayuda mula roon ang tatay niya,
Malaking pera ang binigay ng pamilyang iyon sa kanilang pamilya, sapat na upang makapagtapos siya ng pag-aaral ngunit naipangsugal lamang ng tatay niya ang sampung milyong pisong natangap nito.
Hindi kasi nito matangap ang pagkamatay ng kanilang ina noon kaya nagpakalulong ito sa bisyo at sa sugal. Matagal na nilang napatawad ang kanilang tatay dahil nagsumikap naman itong magbago at maging mabuting ama sakanilang magkakapatid kahit pa nag-asawa na itong muli
"Angela sumama kana sakin. I will forgive you--"
"Sino ka para patawarin ako? Hinihingi ko ba ang kapatawaran mo Rowan?" Nanunutyang tanong niya kay Rowan dahil tila sumosobra na ito
Natigilan ito sa kanyang sinabi at kitang kita nito ang galit sa kanyang mukha
"Ano pa bang ginagawa mo dito Rowan? Bakit mo pa kami ginugulo ni Rohan? Hindi pa ba malinaw sayo na lumayo ako dahil ayoko na talaga sayo? Nakikipaghiwalay ako ng maayos sayo ngunit anong ginawa mo? Sinusubukan mo akong paikutin sa kamay mo! At ngayon talagang ang kapal ng mukha mong mangulo pa samin?! Akala mo ba hindi ko alam ang mga pangbababae mo?! Nagbubulag-bulagan lang ako noon! Alam ko lahat ng mga pangbababae mo Rowan! Alam ko lahat!" Halos pasigaw niyang pag-iyak dahil ngayon lamang niya nailabas ang sama ng kanyang loob sa binata
Sa lalakeng minahal niya noon.
Sa lalakeng paulit ulit naman siyang ginagag*.
"An-Angela" Napapalunok ito at di malaman ang sasabihin sakanya samantalang tahimik lamang si Rohan na nakikinig sa mga sinasabi niya
"Bago ka pa man makipaghiwalay kuno sakin noon, Alam kong matagal ng walang patutunguhan ang relasyon natin. Alam kong katawan ko lang ang habol mo. Napakasama mo Rowan. At ikaw pa talaga ang magpapatawad sakin? Pwes sinasabi ko saiyo, You deserve it. Deserve mong matikman ang sakit na paulit ulit mo sakin pinaparanas noon!"
"I-Im so sorry Angela.." Natatauhan itong napayuko at tahimik na napapaiyak.
Sa tingin niya ay tunay na luha ang ipinapakita nito at hindi lamang nag-papaawa
"Tigilan mo na kami Rowan. Parang awa mo na. Mahal namin ang isat-isa. Mahal ko si Rohan at sakanya lang ako magpapakasal. Sana maging malinaw iyon saiyo"
"P-Patawarin mo ko Angela. This is not me. Hindi ako ganito. Patawarin niyo ko" Tumingin ito sa kakambal nito bago ito tahimik na lumabas ng mansiyon. Kitang kita niya ang pagsisisi sa mga mata ni Rowan bago ito tuluyang umalis.
Sakto naman dumating ang tanod. Tumawag pala sila aling cora ng mga tanod dahil sa pang-gugulo ni Rowan. Ngunit nag-kaayos ayos rin ang lahat.
Hindi nagsasalita si Rohan hangang sa nakaalis na ang mga tanod. Kasalukuyan na niyang ginagamot ang mga sugat nito sa mukha.
Talagang nagkapuruhan ang magkapatid. Awang awa tuloy siya kay Rohan dahil may malaking pasa ito sa gilid ng bibig at bahagya pang pumutok ang ibabang labi nito
"We need to talk" Seryosong sambit ni Rohan habang nililinis niya ang sugat nito
Napaangat siya ng tingin mula sa bulak na nasa kamay niya habang dinadampian ang sugat sa labi nito patungo sa seryosong mga mata nito
Napalunok siya dahil kakaiba ang emosyong nababasa niya sa mga mata ni Rohan sa mga sandaling iyon
"T-Tungkol saan?"
"About us" Walang pikit matang sagot nito sakanya
Tila kanina pa malalim ang iniisip nito. Kaya naman hindi niya maiwasan kabahan sa nais nitong sabihin sakanya.
"K-Kung iniisip mo ang tungkol sa nanay ko, Alam kong hindi mo kasalanan iyon--"
"No. It's my fault. Buong buhay kong kinakalimutan ang pangyayaring iyon. Hindi kakayanin ng konsensya kong maging girlfriend ang anak ng babaeng namatay dahil sakin" Seryoso nitong sambit habang pulang pula na ang mga mata nito
Hinaplos niya agad ang pisngi ni Rohan
"N-No no.. Huwag mong isipin iyan Rohan. Namatay si nanay noon dahil siya ang tumawid sa di tamang tawiran, Isa pa may pinagdaraanang problema ang nanay ko noon kaya nga hindi na nagsampa ng kaso ang tatay ko dahil alam niyang wala kayong kasalanan--"
"You're not there. Nakita ko kung paano nabundol yung nanay mo dahil sakin. I cannot forgive myself. Tapusin na natin kung anong meron tayo"
Para siyang pinag-bagsakan ng langit at lupa dahil sa sinabi nito! Ano raw?! Tapusin na raw ang kung anong mayroon sila?!
Ibig ba nitong sabihin ay nakikipaghiwalay na ito sakanya?!
Tumayo ito bago sunod sunod nagpatakan ang luha mula sa mga mata nito.
Agad siyang yumakap sa likod ni Rohan dahil sa takot na kanyang nararamdaman
"No please! No Rohan. Huwag naman oh!" Napapahagulgol na niyang pagmamakaawa kay Rohan
"I can't Angela. I'm so sorry" Garalgal na rin ang boses nito habang hinahayaan lang siya nitong yumakap sa likuran nito
"Paano na ako? Paano na tayo! Ganoon lang ba iyon Rohan? Dahil nakokonsensya ka lang?! Rohan naman! Paano na yung sinabi mong hindi pinlano pero perpektong relasyon?! Paano na yun Rohan?!"
"Sa tingin ko hindi lahat ng pinaplano natutuloy.. I'm sorry Angela pero hindi kaya ng konsensya ko"
Siya na mismo ang napabitaw sa pagyakap kay Rohan at unti unti siyang napaluhod dahil parang nilapirot nito ang kanyang munting puso
Maybe it's her Karma.
Karma na niya ito.
Kinarma siya dahil pumatol siya sa kapatid ng nobyo niya.
Napakasakit sakanya ang nangyaring iyon. Dahil pagkatapos siyang ipahatid ni Rohan ng mismong araw na iyon sa kanilang probinsya mula sa Palawan ay hindi na niya ito muling nakita!
Nabalitaan nalang niyang bumalik na ito sa Europe. Ngunit isang buwan mula ng umalis ito ay nalaman niyang buntis siya! Panay pa naman ang pag-iyak niya araw araw kaya muntikan pang malaglag ang bata sa sinapupunan niya. Mabuti nalang at naagapan iyon ng mga doctor.
Hindi na niya sinabi pa kay Rohan ang kalagayan niya. Kung iniwan siya nito ng ganoon lamang ay wala na itong karapatan pa para sakanilang anak.
Sinubukan niyang kalimutan ang binata kahit pa araw araw ay ito lamang ang laman ng kanyang isipan.
Ngunit mapaglaro talaga ang tadhana.
Dahil pagkalipas ng tatlong taon, Nakatakda magpakasal ang pinsan niyang si Maylene kay Rowan! Nagkatuluyan ang pinsan niya at si Rowan kahit pa aso't pusa ang mga ito.
Paminsan minsan ay nakakasama niya tuloy si Rowan at Maylene. Dahil sinasama siya ng mga ito paminsan sa mga date ng mga ito.
Napatawad na niya si Rowan dahil nagbago na ito. Lalo na ng mainlove ito sakanyang pinsan ay tuluyan na itong naging mabuting tao.
Alam rin nito ang sikreto niya. Ang kanilang anak ng kakambal nito. Ngunit nangako itong hindi manghihimasok sa kanilang buhay at desisyon kaya naman nananatiling sekreto ang kanyang anak mula sa pamilya nito lalong lalo na kay Rohan
Balita niya ay nakasubsob lamang raw sa trabaho ang binata sa Europa at wala parin daw itong asawa. Iyon ang sinabi ng kakambal nito.
"Oh basta sa kasal ko Angela huwag kang mawawala ha?" Pangungulit pa ni Maylene sa kabilang linya habang kausap niya ito sa telephono
"H-Hindi ako sigurado. Alam mo namang baka magkita kami ni Rohan sa kasal niyo ni Rowan--"
"And so? It's been three years naman na eh! Move on na kasi girl! Tska magtatampo talaga ako saiyo kapag hindi ka dumalo sa kasal ko. Hinding hindi na kita kakausapin pa"
Napabuntong hininga lamang si Angela. Pinadala na nga sakanya ni Maylene noong isang buwan pa ang royal blue silk gown na isusuot niya sa kasal nito sa darating na sabado. Nais pa nga siyang gawin brides maid nito ngunit tumangi siya.
"Huwag mo nalang pansinin ang Rohan na iyon. Ang mahalaga makapunta ka sa kasal ko."
Napabuntong hininga siyang muli
"N-Natatakot akong makita siya ulit eh. B-Baka kasi masakit pa" Pag-amin niya
"Gaga. Tatagan mo loob mo. Nakaya mo na nga ng tatlong taon eh! Lalo lamang mag-tataka yun si Rohan kung hindi ka niya makikita sa kasal namin. For sure iisipin nun hindi ka pa rin nakakamove on sakanya!"
Muli siyang napabuntong hininga
Sino ba naman kasing hindi makakamove on eh pinabaunan siya nito ng isang sangol bago pa man ito nakipaghiwalay sakanya?
Tatlong linggo ba naman kasi nitong ibinabad ang ari nito sa loob ng pagkababae niya kaya impossibleng walang maging laman ang bahay bata niya!
Naiinis lamang siya sa tuwing naaalala niya kung paano ito nagpakasarap sa pakikipagtalik sakanya noon tapos ay bigla nalang siya nitong iniwanan!
Ang buwisit na Rohan na iyon!
"Angela are you still there? Hay naku! Basta pumunta ka sa kasal ko ha! Forever na talaga akong magagalit sayo kung dahil lamang sa lalakeng iyon ay hindi mo ko sasamahan sa pinaka-importanteng araw sa buhay ko!"
Saglit siyang napatingin sa batang babaeng anak nila ni Rohan na mahimbing ng natutulog sa kanyang tabi. Dalawang taon mahigit na ang anak niya at napakaganda nito dahil kamukhang kamukha niya ito. Mabuti nalang nga at hindi nito naging kamukha ang tatay nitong mang-iiwan!
"O-Oo na sige na pupunta ako pero hindi ko isasama si Hanna"
"Alright. See you on my wedding day my pretty cousin!"
"Fine pero sa reception nalang ako pupunta at sasaglit lang ako ha?"
Narinig niyang nagbuntong hininga si Maylene sa kabilang linya
"Hay naku! Oo na ganyan ka naman eh" Nagtatampo pang wika ng pinsan niya bago siya nito binabaan ng telephono
Napa-iling nalamang siya.
Hindi talaga niya maaring palagpasin ang kasal ng pinsan niya dahil magagalit ito sakanya.
Bigla tuloy siyang kinabahan dahil panigurado makikita niyang muli si Rohan sa araw na iyon.
Handa na ba siyang makita ang lalakeng nang-iwan sakanya?
BINABASA MO ANG
My Twin Brother's Girlfriend
RomanceMy Twin Brother's Girlfriend Nagsimulang magbago ang ikot ng mundo ni Rohan nang araw na paki-usapan siya ng kanyang kakambal na magpangap na nobyo sa girlfriend nito. Kararating palang niya sa Pilipinas upang panghawakan ang kanilang mga negosyo ay...