Chapter 14
"Bayad po"
Iniabot ni Angela ang kanyang bayad na one hundred peso sa taxi driver na kanyang nasakyan pabalik sa bakeshop ng tanghaling iyon.
"Sukli mo ineng.." Ibinalik naman sakanya ng matandang driver ang kanyang sukli na bente pesos kaya naman umiling siya. Hindi man siya mayaman ngunit sadyang mapagbigay siya. Hindi na niya kinukuha ang mga sukli kung kaunti lang naman upang maidagdag na rin ng driver sa kikitain nito sa araw na iyon
"Huwag na po. Salamat po manong" Simpleng pasasalamat niya bago siya bumaba ng taxi
Narinig niya pang nagpasalamat rin sakanya ang driver at mukhang nasayahan na ito sa bente pesos na tip niya
Kung mayaman nga lang siya ay baka mas nilakihan niya pa ang tip sa driver na iyon dahil mabait ito at hindi na siya dinaan sa mga kalyeng may mabagal na usad ng trapiko
Nang makababa siya sa taxi ay tila naestatwa siya sa kanyang kinatatayuan
Hindi niya akalain na makikita niya pang muli ang lalakeng naghihintay sakanya ngayon sa tapat mismo ng bakeshop na pinagtatrabahuhan niya
Para siyang nakakita ng multo dahil sa panlalaki ng kanyang mga mata at kusang napa-nganga sa gulat ang kanyang bibig
"Angela baby" Sambit ni Rowan sa kanyang pangalan ng magkatinginan silang dalawa
Napalunok siya at naitikom niya ang kanyang bibig. Ito parin ang Rowan Hoffman na nakilala niya noon. Long hair and he still got his badboy style. Mukha parin itong gangster ngunit gwapong gwapo rin talaga ito katulad ni Rohan. Mas napapatibok lang ni Rohan ang puso niya dahil mas nagustuhan niya ang clean style nito kaysa sa gangster style ni Rowan
Nilapitan agad siya ni Rowan at agad siyang niyakap ng mahigpit. Nakakapagtaka lang dahil hindi man lang niya naramdaman ang kakaibang pagtibok ng puso niya noon para kay Rowan katulad ng nagagawa ni Rohan sa puso niya.
Para bang balewala lang sakanya ang mahigpit na pagkakayakap nito ngayon sakanya katawan
"I missed you so much. Can we talk?" Pagsusumamo ni Rowan sakanya
Wala siyang nagawa kundi ang tumango lamang.
Dinala siya ni Rowan sa park malapit sa bakeshop na pinagtatrabahuhan niya. Limang minuto lamang ang paglakad papunta sa park na iyon
Madalas ay doon lang sila nito nag uusap sa tuwing nagkikita sila noon
Umupo si Rowan sa isang duyan kaya naman umupo rin siya sa isang duyan na katabi nito
"Alam mo na palang nagpapangap lang ang kapatid ko bilang ako?" Seryosong tanong nito sakanya bago nito hinawakan ang isang kamay niya at pinagkatitigan siya sa kanyang mga mata
"Galit na galit sakin ang pinsan mo dahil niloko daw kita. I'm so sorry for everything Angela. Binabawi ko na ang break up natin dahil hindi ko pala kayang mawala ka sa buhay ko"
Saglit siyang napakurapkurap sa mga sinabi ni Rowan sa kanya habang nagpapa-awa pa ito sakanya
Tama ba ang rinig niya? Binabawi na raw nito ang breakup nila?
"Aaminin ko sayo Angela, Kinausap ko ang kakambal ko na magpangap bilang ako upang makipaghiwalay sayo. Hindi ko kasi kayang makipaghiwalay sayo. Akala ko napapagod nako sa relasyon natin. Akala ko ayoko na ng ganito. Mali pala ako Angela, Nang mawala ka sa buhay ko narealize kong ikaw lang ang babaeng makakapagpasaya sakin"
Hindi parin siya makapagsalita sa mga sinasabi nito
"Let's be together again Angela. Ipapangako ko sayo na hinding hindi na ako makikipaghiwalay pang muli sayo"
Napanganga siya sa mga sinasabi ni Rowan. Lalo na ng lumuhod pa ito sa harapan niya at may inilabas itong isang maliit na kahon na kulay asul mula sa bulsa nito
Napalunok siya ng makita niyang isang singsing iyon
"Will you marry me Angela?"
Lalo siyang nagulat sa itinanong nito. Hindi niya maunawaan ang kanyang sarili kung bakit wala siyang makapa na kaligayahan sa dibdib niya
"P-Pakasal? T-Teka muna Rowan--"
"Eto lang ang paraan para mapatunayan ko sayong nagsisisi nako sa nagawa kong kasalanan sayo. Mahal na mahal kita Angela. Ikaw lang ang babaeng pangarap kong makasama habang buhay"
Napalunok siyang muli. Bakit parang hindi niya maramdaman ang senseridad sa mga salitang binibitawan ni Rowan? Bakit parang walang katotohanan ang pagmamahal na ipinapangako nito sakanya?
"N-Nang babae ka ba nitong mga nakaraang araw?" Tanong niya imbis na sagutin ang alok nitong kasal sakanya
"Y-Yes. P-Pero, Pero.. Isang beses lang iyon pero hindi na natuloy dahil narealize ko agad na ikaw lang talaga ang babaeng mamahalin ko habang buhay."
Bigla niyang naalala ang eksena nilang dalawa ni Rohan sa loob ng penthouse nito kanina. She is also cheating on him! Niloko niya rin si Rowan dahil nagpahalik at nagpasuso pa siya kay Rohan kanina lamang!
Bigla siyang sinundot ng konsensya niya.
Sino siya para husgahan si Rowan kung siya nga mismo ay nakikipaglampungan rin sa kakambal nito?
Sino siya upang hindi ito patawarin? Mabuti pa nga si Rowan ay aminadong nangbabae ngunit siya ay hindi.
"Baby? Answer me... Will you marry me?" kinakabahang tanong ni Rowan sakanya
Ipinikit niya ng mariin ang kanyang mata at humugot siya ng malalim na paghinga bago niya sinagot ang tanong nito
"S-Sige magpakasal tayo" Labas sa ilong na sagot niya sa binata
Agad itong napangiti ng husto dahil sa sinabi niya. Napatalon pa sa tuwa si Rowan.
"Yes! Yes! Thank you baby!" Masayang bulalas ni Rowan bago siya nito niyakap ng mahigpit
Ngumiti lamang siya ng simpleng ngiti dahil hindi niya mapantayan ang kaligayahan nito
Marahil kung inaya siya nitong magpakasal bago niya nakilala ang kakambal nito ay baka nagtatatalon rin siya sa tuwa. Ngunit mukhang nasa kakambal na nito ang isang bahagi ng puso niya. Hindi niya kasi masyadong maramdaman ang kaligayahan na nararamdaman dapat niya.
Nakayuko ito habang yakap yakap siya. Wala siyang nagawa kundi yumakap rin sa bewang nito
"I love you so much Angela. Promise aalagaan kita"
Tumingala siya upang tignan ang mukha ni Rowan. Nais niya lang makita ang mukha nito dahil naaalala niya si Rohan sa gwapong mukha nito
Magkamukhang magkamukha kasi ang mga ito. Pinagkaiba lamang ay ang paraan ng pananamit ng mga ito at ang hairstyle ng mga ito
Wrong move yata ang ginawa niyang pagtingala dahil agad na sinalubong ng mga labi ni Rowan ang mga labi niya!
Sinakop ng labi nito ang kanyang labi na para bang sabik na sabik na itong makahalik sakanya
Nanlaki ang kanyang mga mata sa ginawa ni Rowan. Nais niya itong itulak dahil hindi niya gustong makahalikan ito. Ngunit naisip niyang ito ang nobyo niya at ang lalakeng papakasalan na niya sa mga susunod na araw kaya't bakit niya ito itutulak?
Naiinis siya sa kanyang sarili dahil hinahanap hanap niya ang halik ni Rohan sakanya. Masarap rin naman humalik si Rowan ngunit may ibang elemento ang halik ng kakambal nito na hindi niya maramdaman ngayon sa halik ng binata
"Uhmm Angela.." Ungol ni Rowan habang nilalasap nito ang kanyang labi
Wala siyang nagawa kundi tumugon sa halik ng kanyang nobyo.
Saglit itong natigilan sa pagtugon niya at humiwalay sa pakikipaghalikan sakanya
"Marunong ka palang humalik?" Medyo nagtatakang tanong nito sakanya dahil inaasahan nitong hindi pa siya marunong humalik
Napalunok siya at nag-iwas ng tingin
"N-Nag search ako kung paano humalik pabalik"
Agad naman nawala ang pagtataka nito at mas lalo pa itong napangisi.
"I like that. Ang sarap mong halikan wifey" Muli nanaman sinakop ni Rowan ang kanyang bibig ng sabik nitong paglaplap sakanyang labi
Nagpaubaya siyang magpahalik kay Rowan ngunit sa tuwing pipikit siya ay ang mukha ni Rohan ang naiisip niyang kahalikan niya
"Ohhh.. Baby tanghaling tapat nag iinit ako" Ungol ni Rowan kaya naitulak niya ito ng kaunti
Heto nanaman kasi ito sa mga medyo bastos nitong salita sakanya. Madalas kasi ay nagsasabi ito sakanya na naiinitan ito o dikaya ay tinitigasan
Hindi niya gusto ang mga ganoong biro nito
"B-Buti pinaalala mong tanghaling tapat baka may makakita satin" Tumayo na siya at inayos ang kanyang nagulong buhok. Grabe palang makipaghalikan ang kambal na ito sa isip isip ni Angela dahil talagang nilalaplap ng mga ito ang bibig niya
Lalo na si Rohan.
Ipinilig niya ang kanyang ulo upang alisin nalang si Rohan sa kanyang isipan at ituring nalang niyang walang namagitan sakanila ng binata kahit isang halik dahil nais nalang niyang mag focus sa relasyon nilang dalawa ni Rowan.
Forget about Rohan! Sigaw niya sa kanyang sarili kinagabihan dahil hindi siya makatulog dahil kay Rohan. Panay ang missed calls ni Rohan sakanya ng gabing iyon. Mukhang galit na galit ito sakanya dahil nabalitaan siguro nitong ikakasal na sila ng kakambal nito
BINABASA MO ANG
My Twin Brother's Girlfriend
RomanceMy Twin Brother's Girlfriend Nagsimulang magbago ang ikot ng mundo ni Rohan nang araw na paki-usapan siya ng kanyang kakambal na magpangap na nobyo sa girlfriend nito. Kararating palang niya sa Pilipinas upang panghawakan ang kanilang mga negosyo ay...