Chapter 37
Apat na paper bag na malalaki ang bitbit ni Rohan pagbalik nito sa sasakyan. Sinabi kasi ni Angela na ayaw niyang mamasyal sa shopping mall na nakapangbahay lamang silang dalawa ng anak niya, lalo na't basang basa pa naman ang damit ni Hanna
Kaya naman si Rohan nalang ang pumunta sa loob ng shopping mall habang hinihintay nila ito sa loob ng lumang kotse nito
"Mama wers papa?" Tanong ng bata at hindi pa yata nito napapansin ang papalapit na binata
Napakurap kurap pa siya dahil ngayon lang niya narinig magsalita ng isang buong sentence ang anak niya
"H-Hanna you know how to ask question na anak?" Di makapaniwalang tanong niya sa batang babae habang panay ang tingin nito sa labas ng bintana
Dalawang taong gulang palang ito kaya naman kabigla bigla iyon para sakanya. Paminsan minsan kasi ay kaunting words palang ang kaya nitong sabihin
"Yes" Taas kilay pang sagot ng anak niya
Lalo siyang napangiti at natuwa dahil tila nakakaintindi na ito sa murang edad palang nito
"Oh God anak ang talitalino mo manang mana ka sakin--"
"Wers papa?" Tanong ni Hanna habang yakap niya ito
Hindi niya mawari kung matutuwa ba siya o hindi sa tanong ni Hanna. Baka kasi itanong nito iyon mamaya sakanya kapag umuwi na sila sa bahay nila paniguradong malilintikan siya sa kaniyang tatay
"Anak your papa buys you clothes. Hintayin lang natin siya dito. But promise me don't tell lolo about your papa muna ha? Secret lang natin anak ha?"
Kinakabahang paliwanag niya sakanyang anak. Di niya kasi akalain na sa murang edad nito ay tatanim agad sa isip nito ang tungkol sa papa nito
"Papa!" Masayang bulalas ni Hanna ng matanaw nito sa labas ng bintana ng kotse ang papa nitong ubod ng kagwapuhan
Napalunok nalang tuloy si Angela dahil hindi parin siya nasasanay sa taglay na kagwapuhan ni Rohan mas dumoble pa nga yata iyon sa pagdaan ng ilang taon
Inilagay muna nito ang mga hawak nitong paper bags sa likuran ng kotse nito
"Yehey papa!" Sabi ni Hanna pagkapasok ni Rohan sa loob ng kotse nito
Halatang natuwa ito dahil iyon ang unang beses na tinawag itong papa ni Hanna
"Hello baby.. Binili kita ng clothes and toys anak" Masayang pagkwento pa ni Rohan. May bitbit itong isang ternong damit pangbata bago iyon iabot sakanya
"Tenkyu papa!"
"Naku baka makahalata ang tatay ko niyan. Bakit ang dami mong binili?"
"Sabihin mo nalang bigay ng nobyo mo" Sabi nito habang karga karga na nito ang anak nila
Tuwang tuwa naman si Hanna pisilin ang pisngi ni Rohan at tila ba namiss agad nito ang papa nito
Napabuntong hininga siya. Magtataka parin ang papa niya dahil never naman nagbigay ng regalo si Buknoy kay Hanna
"Palitan ko muna ng damit si Hanna baka sipunin" Kinarga niya ang bata para palitan ito ng damit habang nasa loob sila ng sasakyan
Bagay na bagay kay Hanna ang mukhang mamahalin na damit na iyon
"Wow ganda naman ng baby ko" Di mapigilang sabi ni Angela habang tuwang tuwa siya sa itsura ng kanyang anak
Nagmukha na kasi itong anak mayaman
"Mana sa mommy niya" Wala sa loob namang sabi ni Rohan kaya pareho silang nahiya sa isat-isa
"Tenyu mana en papa!" Sabay pa silang niyakap ni Hanna na ikinagulat nila
Napalunok nalang si Angela dahil nagkatinginan nanaman sila ni Rohan. Bakit ba kasi ganon ito makatingin sakanya? Para bang nais siyang halikan nito palagi sa tuwing titingin ito ng ganoon sakanya
Naputol lamang ang sweet moment ng kanilang munting pamilya ng kumatok sa bintana ng kotse ni Rohan si Buknoy
"Noynoy pangit!" Sabi agad ng anak niya pagkakita nito kay Buknoy
"Shh that's bad anak" Saway niya kay Hanna
At ang mokong nitong papa ay tila natuwa pa sa sinabi ng anak nito kaya sinimangutan tuloy niya si Rohan
"What? Di nagsisinungaling ang bata" Natatawang sabi pa ni Rohan kaya inirapan nalang niya ito dahil natatawa rin siya sa kalokohan ng mag-ama
Binuksan na niya ang pinto ng kotse
"Tara na Gela kanina pa kayo hinihintay ng tatay mo" Medyo kunot nuong sabi ni Tyron sakanya
"Ako na maghahatid sakanila salubungin mo nalang sila sa kanto"
Sabay silang napatingin kay Rohan
"Hindi pwede Rohan baka makahalata si tatay" Nakakunot nuong sabi niya bago siya lumabas ng kotse nito habang karga niya si Hanna
Napabuntong hininga nalang si Rohan dahil wala naman itong magagawa sa desisyon niya. Lumabas na rin ito ng kotse nito bago ito pumunta sa likuran upang kunin ang apat na paper bags na pinamili nito
Ibinigay ni Rohan kay Buknoy ang mga iyon
"Ano iyan?" Parang galit pang tanong ni Buknoy
"This is for my daughter. Sabihin mo nalang sa tatay ni Angela na galing yan sayo" Seryoso namang sabi ni Rohan na may halong inis dahil hindi nito nagugustuhan ang pagkunot kunot ng nuo ni Buknoy
Tinangap nalang nito ang apat na paper bags upang huwag na humaba pa ang kanilang pag-uusap
Napakuyom nalang ng kamao si Rohan ng makita niyang inalalayan ni Buknoy ang bewang ni Angela
Wala naman itong magawa dahil pagmamay-ari na ito ng iba. Parang gusto niyang bawiin ang kanyang mag-ina sa mga oras na iyon ngunit alam niyang wala na siyang karapatan at ayaw naman niyang magalit pa si Angela sakanya
Kumaway pa ang anak niyang si Hanna bago tuluyan mawala ang mga ito sa paningin niya. Samantalang di man lang lumilingon sakanya si Angela. Nais pa naman sana niyang mag paalam man lang sana ito sakanya dahil selos na selos siya sa mga oras na iyon
Pagdating naman nila Angela sa kanilang bahay ay katakot takot na sermon ang inabot niya.
Nagsinungaling si Buknoy sakanya. Ibinuking pala siya nito na kasama niya si Rohan bago pa man sila umuwi sa kanilang bahay kaya naman galit na galit ang tatay niya nais pa nitong ihagis ang mga paper bags na bitbit niya
"Napakatanga mo! Sumama ka nanaman sa lalakeng iyon tapos magpapabuntis ka nanaman ha?!"
Nabigla siya ng sabunutan siya ng kanyang ama. Ngayon lamang siya sinaktan ng tatay niya sa buong buhay niya. Mukhang naka-inom kasi ito ng alak
Ang lakas ng iyak ni Hanna dahil sa takot nito sa lolo nito
"Mama! Mama!"
"Tay nasasaktan ako!" Sigaw niya dahil masakit sa anit ang pagsabunot sakanya ng tatay niya
"Tama na iyan!" Pumagitna naman ang asawa ng tatay niya upang awatin ito ngunit pati ito ay sinampal ng kanyang ama
"Tay!" Sigaw naman ng mga kapatid niya at takot na takot ang mga ito
"Walang makiki-alam sakin! Papatayin kita Angela. Napakatigas ng ulo mo! Bakit ka nakipagrelasyon sa taong pumatay sa nanay mo?!"
"Tay! Tama na ho!" Sigaw niya
Samantalang nasa pintuan lamang si Buknoy habang nakatingin ito sakanya. Labis ang galit niya kay buknoy sa mga oras na iyon dahil isa pala itong sumbungero at di man lang nito awatin ang tatay niya
"Sila ang pumatay sa nanay mo! Tanga ka ba?!--"
"Tama na iyan! Ikaw ang pumatay sa asawa mo!" Sigaw ng asawa ng tatay niya sa sobrang galit na nito. Minamahal kasi sila ng step mother nila bilang mga anak kaya hindi nito nagugustuhan ang pananakit ng tatay niya
"Tumahimik ka!" Nanlilisik ang matang sigaw ng tatay niya sa asawa nito
"Ikaw ang tumahimik! Tama na ang pagsisinungaling mo sa mga anak mo! Nagpakamatay ang nanay ni Angela ng araw na iyon dahil saiyo!"
Natigalgal siya sa kanyang nalaman
Lalo pang humigpit ang pagsabunot nito sakanya
"Wala akong kasalanan! Ang nobyo nito ang pumatay sa asawa ko!" Galit na galit na pinagsasampal siya ng kanyang tatay
"Mama' Mama!" Hagulgol ni Angela ngunit niyakap na ito ni Buching upang huwag masaksihan ang kalupitan ng kanyang ama
"Palibhasa nakadroga ka nanaman! Hayup ka tigilan mo si Angela! Wala kang kwentang ama! Ikaw ang dahilan kung bakit nagpakamatay noon ang asawa mo dahil saiyong kataksilan iyon!"
Naging malinaw na kay Angela ang nangyari noon. Kaya pala may balibalitang nagpakamatay talaga noon ang nanay niya dahil daw sa kanyang tatay ngunit di naman niya iyon pinaniwalaan
"Ikaw na ang nangbabae noon ikaw pa ang may ganang mangbugbog sa asawa mo noon!"
"Sinabi ng tumahimik ka!--"
Ngunit sabay sabay silang nagulat ng biglang bumulagta ang tatay niya sa sahig dahil sa isang malakas na pagsuntok
Agad na nakatulog ang tatay niya sa lakas ba naman ng pwersa ng sumuntok dito
Ang akala niya si Buknoy ang sumuntok dito ngunit nakita na rin niyang duguan ang bibig ni Buknoy habang nasa sahig na rin ito
Nakasubsob kasi siya sa sahig kaya kitang kita niya si Buknoy na nakahandusay na rin sa sahig. Kung kanina ay pangiti ngiti pa ito habang sinasabunutan siya ng kanyang ama
"Baby are you okay? Damn!"
Napatingala siya kahit nahihilo na siya sa sobrang sakit ng pananampal at pagsabunot sakanya ng kanyang ama
"Damn it!"
Naramdaman nalang niyang binuhat siya nito
Kahit nahihilo siya ay malinaw sakanya na si Rohan ang lalakeng bumuhat sakanya palabas ng kanilang bahay habang unti unti na siyang nawawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
My Twin Brother's Girlfriend
RomanceMy Twin Brother's Girlfriend Nagsimulang magbago ang ikot ng mundo ni Rohan nang araw na paki-usapan siya ng kanyang kakambal na magpangap na nobyo sa girlfriend nito. Kararating palang niya sa Pilipinas upang panghawakan ang kanilang mga negosyo ay...