Chapter 35
Abot langit ang kabang nararamdaman ni Rohan sa mga sandaling iyon habang hinihintay niya si Angela at ang kanilang anak.
He parked his old toyota vios car away from Angela's house. Katulad ng instruction nito sakanya kahapon na doon daw siya sa may kanto mag hintay. Sinadya niyang gamitin ang pinakaluma niyang kotse na ibinigay na niya noon sa driver nila. Hiniram niya ang kotse nito pansamantala upang hindi kapansin pansin ang kotseng dadalhin niya
Kahapon kasi ay pinagtitinginan ng mga kapitbahay ni Angela ang kanyang red ferrari car kaya naman naisipan niyang huwag iyon gamitin ngayon
Natatakot siyang mapurnada pa ang pagkikita nila ng kanyang anak. Baka kasi may makapagsabi sa ama ni Angela na naroon siya.
Hangang ngayon ay hindi parin tumitino sa kanyang isipan na mayroon na silang anak ni Angela. It was the most unrealistic feeling that he ever felt. Hindi pa man niya nakikita ang anak nila ay alam niyang minamahal na niya ito bilang ama nito.
Kung alam lang sana niyang nabuntis niya si Angelo noon ay hinding hindi niya ito iiwananNakaramdam siya ng panlalamig ng kanyang mga palad at pinagpapawisan na rin siya kahit malakas naman ang aircon sa loob ng lumang kotseng iyon
Hindi niya kasi maiwasan matakot na makita ang tatay ni Angela. Lalo na't tandang tanda pa niya ang sinabi nito noon sakanya.
Unti-unting bumalik sakanyang ala-ala ang mga pangyayari ng araw na iyon. Ang rason kung bakit nagdesisyon siyang iwanan ang dalaga
3years ago..Habang kinakausap ng mga barangay officials sila aling Cora at Angela ay nakatangap siya ng isang tawag mula sa isang unknown number
Masakit pa ang kanyang mukha dahil sa pagsusuntukan nilang dalawa ni Rowan. Bigla nalang kasi itong sumugod sa bahay bakasyunan na kinaroroonan nila ng dalaga. Nais nitong bawiin sakanya si Angela. He will never allow that to happen dahil mahal na mahal niya ito. Ngunit isang rebelasiyon ang parang bombang isiniwalat ni Rowan sakanila.
Ang babaeng naaksidente noong mga bata pa lamang sila at ang nanay ni Angela ay iisa lamang.
Lumayo siya ng kaunti sa mga tao upang sagutin ang tawag ng unknown number na iyon
Hindi pa man siya nakakapagsalita ay narinig niya na ang malulutong na pagmumura ng tatay ni Angela sa kabilang linya
"Hayup ka! Tinanan mo pa ang anak ko! Wala kang karapatan sa anak ko dahil ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang nanay niya! Ikaw pala yung batang tinutukoy ng driver niyo noon. Hayup ka may gana ka pang magpakita sa pamilya namin?!"
Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa tindi ng galit ng tatay ni Angela sakanya
"T-Tay nagkakamali po kayo. Wala po akong kasalanan. Hindi ko po iyon sinasadya tay--"
"Tumahimik ka! Iuwi mo dito ang anak ko! Huwag na huwag kana magpapakita sa pamilya ko dahil mapapatay kita! Mamamatay tao ka! Hindi ka nababagay sa anak ko! Mahiya ka naman sa nanay niya na binawian ng buhay dahil sayo!"
"T-Tay.." Halos hindi na iyon makalabas sa bibig niya ng sambitin niya iyon
Bigla kasing nanlamig ang buong katawan niya at parang nagdidilim ang kanyang paligid.
Nangyari na iyon sakanya noon. Noong araw ng aksidente. Naaalala niya pa ang pagtatawanan ng mga pulis noon sa harap niya at sinasabihan siya na isa siyang mamamatay tao. Dahil daw sakanya kaya namatay ang babaeng iyon. Sa mura niyang edad ay labis siyang natrauma sa pangyayaring iyon.
Nanlamig siya at nagdilim ang paligid niya sa mga sandaling paulit ulit niyang naririnig ang mga boses at tawanan ng mga pulis. Mabuti nalang at dumating na ang pamilya niya. Umiyak nalang siya sa labis na takot at pagsisisi sa kanyang sarili. Ngunit dahil mabait ang kanyang kakambal na kapatid ay inako nito ang kasalanan niya. Sinabi ni Rowan sa magulang nila na ito daw talaga ang nangungulit sa driver at hindi siya
Para bang bigla nalang iyon bumalik sa isipan ni Rowan sa mga sandaling kausap niya ang tatay ni Angela
"Mamamatay tao ka! Ibalik mo sakin ang anak ko! Hinding hindi kita matatangap sa pamilya namin!"
Doon na niya nabitawan ang cellphone niya. Hindi na kasi niya kinakaya ang mga sinasabi ng tatay ni Angela
Napansin naman siya ni Angela at agad siya nitong nilapitan
"Baby ayos ka lang ba? gagamutin ko ang mga sugat mo halika sa kwarto natin.." Nag-aalala siya nitong inalalayan.
Akala siguro nito ay nanghihina siya dahil sa pagbubugbugan nila ni Rowan. Ngunit hindi nito alam na kakatapos lamang siyang kausapin ng ama nito
End of Flashback
Nagpabalik sa kasalukuyan niyang isip si Rohan dahil sa sunod sunod na pagkatok ni Angela sa bintana ng kanyang kotse
Napahilamos siya sa kanyang mukha gamit ang kanyang palad. Hangang ngayon ay para parin siyang binabangungot sa tuwing naaalala niya ang nangyari noon
Agad niya binuksan ang pinto ng kanyang kotse
"Natutulog ka ba? Kanina pa ako katok ng katok sa pinto ng kotse mo akala ko kung ano ng nangyari sayo" Kunot nuong bati sakanya ni Angela ng makapasok ito sa kanyang kotse
hindi na niya pinansin ang pagpapagalit nito sakanya dahil napatulala na siya sa batang karga karga nito.
Napakacute at medyo mataba ang batang karga nito. Unang tingin palang niya sa bata ay tumalon na agad sa saya ang kanyang puso. Kamukhang kamukha ito ni Angela. Ngunit alam niyang ang hugis ng labi nito ay sakanya iyon namana.
Halos hindi siya kumukurap habang nakatingin sa batang karga karga ni Angela ng umupo ito sa kanyang tabi
Tinted naman ang lumang kotse na iyon kaya wala naman sigurong makakakita sakanila
"W-What is her name?" Nanginginig pa ang boses na tanong niya
"Hanna. Pasalamat ka isinunod ko sa huling letra ng pangalan mo" Nakasimangot na sambit ni Angela sakanya ngunit kinataba iyon ng puso niya
"Oh. God she's so beautiful. C-Can i hug her?" Tumutulo na pala ang luha niya. This past few days ay palagi nalang siyang napapaluha. Hindi naman siya yung tipo ng taong iyakin dahil mabibilang lang sa palad niya ang mga oras na umiyak siya ng ganito
Nag-iwas ng tingin si Angela sakanyang mata marahil nakikita nito ang tunay na pagmamahal niya para sakanyang anak
"S-Sige." Ibinigay nito sakanya ang natutulog na batang babae
Pagkakarga palang niya sa bata ay napaiyak nanaman siya. Mahigpit niya itong niyakap at pinaghahalikan ang ulo nito
"Thank you Angela. Thank you.." Mahinang pasasalamat niya sa dalaga. Napapaiyak rin ito habang nakatingin sakanila. Ngunit pinipigilan nito iyon dahil ayaw nitong makita niya ang pag iyak nito
"Tumakas lang kami kay tatay. Kaya sulitin mo na ang pagkikita niyo ng anak natin--"
"What do you mean? I thought lalabas tayo"
Tumaas ang kilay nito. Doon palang niya napansin na nakasuot lamang ito ng pangbahay na damit. Mukhang tumakas nga lang ito sa tatay nito.
"Sabi ko ipapakilala ko lang sayo ang anak natin. Wala akong sinabing lalabas tayo." Pagtataray ni Angela sakanya
"Can we atleast have a lunch together? Gusto ko pang makasama ang anak natin. Mag-lunch time na rin naman"
"Hindi pwede dahil nakapangbahay lang ako--"
"M-May condo unit akong binili malapit dito sa bahay niyo. Mag order nalang tayo para makasama ko pa kayo i mean makasama ko pa ang anak natin kahit konting oras lang"
Tumaas ang kilay nito
"A-Anong food ba? Paborito kasi ni Hanna yung jolibee" Sambit nito na hindi tumitingin sakanya
Bigla siyang napangiti dahil samakatuwid ay pumapayag na ito!
"Thank you. Oo bibili tayo ng lahat ng gusto niyo i mean lahat ng gusto ni Hanna" Muntik nanaman siyang madulas. Ayaw niya kasing mailang si Angela sakanya baka isipin nitong mang gugulo pa siya sa relasyon nito
"Oo na sige na tara na para makauwi rin agad kami.." Binawi nito sakanya ang batang babae ng magising ito at biglang umiyak
Nakaramdam siya ng pananabik
"Yes ma'am. Mabilis lang. Seat belt please" Nakangiting sambit niya
Nag sealbelt naman ito bago niya pinaandar ang kotse papunta sa condo unit na kakabili pa lamang niya kagabi.
Ngunit habang nasa daan sila ay iyak parin ng iyak ang bata. Parang musika iyon sa kanyang pandinig. Kung para sa iba ay nakakainis ang tono ng iyak ng mga bata ibahin nila ang pananaw ni Rohan sa mga oras na iyon
Masaya siyang marinig ang boses ng anak niya dahil ito ang unang beses niyang marinig ang pag-iyak nito
"Mama dodo mama" Sambit ng bata habang umiiyak ito
Nagkatinginan naman silang dalawa ni Angela
Tila alam niya kung ano ang nais ng kanyang anak.
"Shhhh. Mamaya anak nasa biyahe pa tayo" Pagpapakalma ni Angela sa anak nila
"Mama dodo mama!" Lalo pang lumakas ang pag iyak ni Hanna
Napalunok siya dahil mukhang nagugutom na ang anak niya
"Y-You can breastfeed her. Hindi naman ako titingin" Napapalunok na sambit niya habang sinusubukan niyang mag focus nalang sa kanyang pagmamaneho
"H-Huwag kang titingin ha!"
"Y-Yeah" Sagot nalang niya
Maya maya pa ay natigil na sa pagiyak ang kanyang anak. Naririnig na niya ang pagsipsip nito sa gatas ni Angela.
Parang nauhaw rin tuloy siya at nakaramdam ng pag-iinit ng kanyang katawan. Natutukso siyang lumingon sa itsura ng kanyang mag-ina
Nang di na siya makatiis ay saglit siyang lumingon diretso agad sa dibdib ng dalaga ang tingin niya. Mabuti nalang at hindi nito iyon napansin dahil nakatingin ito sa anak nila
Napalunok siya dahil eksaktong natangal sa pagsipsip ang batang babae kaya nakita niya ang utong ni Angela
Oh how he missed that! Mas lumaki pa iyon at tila nais rin niyang matikman ang gatas nito
Nag-iwas agad siya ng tingin bago pa man siya mahuli ni Angela. Pasimple niyang pinagalitan ang sarili niya
Damn
BINABASA MO ANG
My Twin Brother's Girlfriend
RomanceMy Twin Brother's Girlfriend Nagsimulang magbago ang ikot ng mundo ni Rohan nang araw na paki-usapan siya ng kanyang kakambal na magpangap na nobyo sa girlfriend nito. Kararating palang niya sa Pilipinas upang panghawakan ang kanilang mga negosyo ay...