Chapter 2

2K 152 12
                                    

Chapter 2

"Oy nakabusangot ka diyan?"

Isang malalim na butong hininga ang naisagot ni Angela sa kanyang katrabahong si Maylene. Dalawa lamang silang empleyado ng isang maliit na bakeshop na iyon sa sampaloc manila. Walking distant lamang ang bakeshop nila papunta sa kanilang boarding house. Pinsan niya ito sa side ng kanyang ama kaya naman pareho ang kanilang apilyedo.

She is Angela Rodrigez, Twenty five years old. Isang simpleng probinsyana na napadpad sa maynila dalawang taon na ang nakakalipas.

Dinala siya ni Maylene sa maynila upang alokin siya nito ng magandang trabaho kahit pa hindi siya nakatapos ng pag-aaral ay nasa minimum wage ang sahod nila kaya naman tinangap na niya iyon kaysa naman sa kanyang trabaho noon sa kanilang probinsya bilang labandera.

Marami siyang kapatid na mga musmos pa lamang dahil kung sino sino ang naging asawa ng kanyang ama simula ng pumanaw ang kanyang ina noong bata pa lamang siya

"Malungkot ka nanaman dahil diyan sa walang kwenta mong nobyo no?" Tanong pa ni Maylene sakanya dahil nahahalata nito ang lungkot sa kanyang mga mata

Ngumiti lamang siya ng isang malungkot na ngiti

"N-Nag i love you kasi ako sakanya hindi man lang sumagot. Pakiramdam ko malapit na siyang makipaghiwalay sakin--"

"Aba mabuti nga kung ganoon! Para makalaya ka na diyan sa nobyo mong yan. Ikaw lang naman ang nagtitiwala sa lalakeng yan eh."

Mainit ang dugo ni Maylene sa kanyang nobyo na si Rowan mula noon pa man. Nararamdaman daw kasi ng pinsan niya na may kakaibang ugali ang binata. Idagdag pa raw na ubod ito ng kagwapuhan kaya't paniguradong milyon milyong babae ang kinakasama nito sa tuwing hindi niya ito kasama

"Mabait naman si Rowan--"

"Mabait ba yon? Isang beses sa isang buwan ka lang ideyt?--"

"Sinusundo naman niya ako araw araw dito sa trabaho natin" Depensa niya sa kanyang nobyo

"Aysus. Oo nga sinusundo ka niya dahil tatlong kanto lang naman ang layo ng boarding house natin mula dito sa bakeshop hindi ba? At pagkatapos araw araw ka rin niya pinipilit makipaghalikan o makipag sex sakanya--"

"Shhhh. Maylene huwag mong lakasan ang boses mo" Namula siya ng husto sa sinabi ni Maylene

"Mabuti na nga lang at dalagang pilipina ka kaya't hindi nakakascore sayo ang bwisit na yun"

"Huwag ka naman ganyan kay Rowan. Nauunawaan ko naman siya dahil dalawang taon na ang relasyon namin ngunit kahit halik sa pisngi ko ay hindi ko pa maibigay sakanya" Nalulungkot niyang sambit

"Aba natural lang iyon dahil deserve niyang mag-hintay saiyo. Dahil siya ang kauna-unahang nobyo mo no kaya dapat lang siyang maghintay sayo kung mahal ka talaga niya edi sana ayain ka niyang magpakasal"

Napabuntong hininga siya. Pareho kasi sila ng patakaran ni Maylene. They want to get married first before they give in.

Bago nila ibigay ang kanilang pagkabirhen ay nararapat lamang maging asawa muna nila ang kanilang mga nobyo. Naniniwala kasi sila sa ganoong paniniwala.

Ngunit sa tingin ni Angela ay mawawala ang nobyo niyang si Rowan kung magpapatuloy siya sa kaniyang paninindigan. Natatakot siyang sumuko ang binata at iwanan siya.

"Teka nga muna Angela, Bakit parang nararamdaman kong binabalak mo ng magpahalik at magpa-gamit sa lalakeng iyon? Aba mag isip ka muna dahil sa panahon ngayon napakaraming mga lalake ang manloloko! Gusto lang nila maka-score sa ating mga babae"

Napalunok siya

Kilalang kilala talaga siya ng pinsan niya. Alam nito kung ano ang kanyang iniisip kahit pa wala siyang sinasabi kahit isang salita.

My Twin Brother's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon