Chapter 39

2.2K 160 17
                                    

Chapter 39

Unti-unti ng nadadala si Angela sa mga mapupusok na halik na ipinagkakaloob ni Rohan sakanya na kanya namang buong pusong tinutugon

Sa wakas ay nagkausap na rin sila at nagkaayos na kaya naman wala na siyang iisipin pang iba. Masaya rin siya dahil nalaman niyang mahal na mahal parin pala siya ni Rohan at sobra rin itong nangulila sakanya

Nagtaka siya ng putulin ni Rohan ang pakikipaghalikan nito sakanya

"I should stop now. Ayokong isipin mong sa ganito lang ako magaling" Hinihingal pang sabi nito

"Ha?" Napapangangang tanong niya

Pinunasan ni Rohan ang ilalim ng kanyang labi dahil medyo nabasa iyon bago ito napangiti ng pilyong ngiti

"Kakabalikan pa lang natin. Baka maglaban agad tayo sa kama ko kung hindi pa natin ititigil ang ginagawa natin. Ayokong isipin mong iyon lang ang habol ko parati sayo--"

Umiling siya ng sunod sunod

"N-Nako hindi ah! Kailan man ay hindi ko yan inisip sayo!" Nais niyang kutusan ang kanyang sarili dahil napaghahalataan ang pagiging tigang niya

Sobrang miss na miss na kasi niyang makatalik si Rohan dahil ilang taon rin silang hindi nagkasama ng ganito

Napapangiti ito bago siya halikan muli. Ngunit saglit lang ang halik na iyon bago nito pinutol uli ang halikan

"This time hihintayin ko talaga muna na maiharap kita sa altar bago mo ulit ipagkatiwala sakin ang sarili mo baby."

"H-Ha?" Naguguluhang tanong niya dahil para siyang lutang sa mga sandaling iyon. Ikaw ba naman makahalikan ng isang Rohan Hoffman ay ewan nalang niya kung maging maayos pa ang takbo ng utak mo.

Hinawakan ni Rohan ang magkabilang balikat niya bago siya nito ginaya papunta sa kusina ng kwarto nito

"Mag-breakfast muna tayo baby ko. Bubusugin kita dahil pumapayat kana oh" Pinisil pa ni Rohan ng kaunti ang braso niya

Gusto niyang mapanguso dahil nabitin siya sa halik na pinagsaluhan nila. Ang buong akala pa naman niya ay babagyuhin nito ng malala ang tilapya niya ngunit hindi pala

Napawi naman ang pagkabitin niya ng makita niya ang breakfast table na halatang pinag-effortan nito ng husto. Lahat ng paborito niyang almusal ay nakahain sa lamesa at may isang red roses boquet pa ang nakapatong sa isang upuan doon

"W-Wow. Ikaw lahat ang nagluto niyan?" Tukoy niya sa mga hotdogs, tocino, longanisa, pritong bangus, pritong tilapya, bacon, Itlog at fried rice. Mayroon rin ibat-ibang mga prutas at pancakes

Kumbaga ay complete breakfast iyon!

"Not really. Inorder ko lang yung iba diyan dahil natatandaan ko parin ang mga paborito mong breakfast. Yung hotdogs lang at itlog ang niluto ko diyan" Napapangiting pag-amin ni Rohan sakanya na parang nahihiya pa ito

Napangiti rin tuloy siya dahil nakakahawa ang pagngiti nito. Para bang ang saya saya rin nito katulad niya

"Oh.. Alam mo talagang paborito ko ang hotdogs ah?" Pilya niyang biro kay Rohan na ikinapula ng pisngi nito habang nakangiti

"Iyan ka nanaman baby. Umiral nanaman ang pagiging pilya mo purkit alam mong marupok ako"

Sabay silang tumawa ni Rohan dahil sa sinabi nito. Natumbok nanaman nito ang plano niya

Masaya silang nag-almusal ng sabay na para bang first date nila iyon. Magaan na rin nilang napag-usapan ang mga nangyari noon na para bang hindi nila iyon pinoblema ng husto

"Really? Umatras ka nung paalis kana?"

"Yeah. Nasa airplane nako papuntang Europe pero bumaba pa ako. Hindi ko kasi kayang mawala ka sakin para akong nasasakal. Pero ng makakita ako ng magnanay sa airport naalala ko kung bakit nga ba ako aalis." Pag-kwento pa ni Rohan habang nag-aalmusal sila

Napabuntong hininga siya

"Sorry Rohan ah? Dahil sa tatay ko este hindi ko pala siya tatay. Dahil sakanya sinisi mo ang sarili mo sa pagkawala ng nanay ko. Kaya pala takot na takot siyang magkatuluyan tayo dahil baka maungkat ang lihim niya. Anyway wag mo ng iisipin iyon Rohan ha? Huwag mo na ulit sisisihin ang sarili mo. Kahit kailan naman hindi kita sinisi dahil ang bata bata mo pa noon."

Ngumiti ito sakanya na isang tunay na ngiti

"Yeah. Parang nabunutan nga ako ng malaking tinik sa dibdib ko ng mabasa ko yung letter ng nanay mo baby. Parang pinalaya rin ako ng letter na iyon sa guilt feeling ko. Sorry ha naduwag ako. Hindi ko kasi mapigilan sisihin sarili ko"

Hinawakan niya ang kamay ni Rohan

"Basta huwag mo na kami ulit iiwanan ni hanna ha?"

Tumango ito bago hinalikan ang kanyang kamay

"I promise"

"I love you.." Nakangiting sabi niya

"I love you too" Nakangiting sagot naman ni Rohan habang nakahalik parin ito sa kanyang kamay

"Teka bakit ganito amoy ng kamay mo? Hmm amoy tilapya" Biro ni Rohan sakanya kaya naman agad niyang binawi ang kanyang kamay

"Eh ikaw kasi halik ka ng halik sa kamay ko alam mo namang kinakamay ko ang tilapya" Napapangusong sabi niya bago niya ipinagpatuloy ang pagkain niya ng tilapya at sinasawsaw niya pa iyon sa toyo mansi

Tumawa si Rohan sa itsura niya dahil nagkanda haba ang nguso niya

"Don't worry alam mo namang gustong gusto ko yung amoy ng tilapya" Berdeng biro nito sakanya kaya naman napatingin siya dito

Aba't naka-kagat labi pa ang mokong bago ito nagpatuloy sa pagkain nito

Naalala niya kasing tawag nila sa kanyang pagkababae noon ay isang sariwang tilapya na madalas nitong mukbangin noon

Natawa tuloy siya ng maalala niya ang pagkain nito sa sariwang tilapya niya noon

Akmang kukuha ito ng isang pritong tilapya ng tapikin niya ang kamay nito. Napatingin naman ito sakanya

"Huwag ka ng kumain ng tilapyang bilasa na iyan dahil mamaya papakainin kita ng sariwang tilapya" Pilyang biro niya kay Rohan na ikinatawa nito

"Ayan ka nanaman Angela.." Napapa-iling na sabi ni Rohan habang natatawa ito sa kanyang biro

Kagat labi siyang kumindat pa kay Rohan dahil nakatingin parin ito sakanya

"Malaki na si Hanna panahon na siguro para bigyan natin siya ng kalaro"

Napakagat labi rin ang mokong dahil tila nasabik ito sa sinabi niya pagkatapos ay napainom pa ito ng kape
 
"Oh huwag kang uminom ng kape baka lalo kang kabahan sa gagawin natin"

Napalakas ang tawa ni Rohan dahil sa kapilyahan niya.

"Kapag ikaw hindi nakalakad mamaya huwag mo akong sisihin Angela.." Natatawang sabi ni Rohan bago ito nagpatuloy kumain muli

Ito na yata ang pinakamasayang almusal niya sa buong buhay niya

"Sanay naman akong gumapang" Dagdag biro pa niya

My Twin Brother's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon