Chapter 9
Maaga palang ay nagising na si Angela sa ingay ng mga boardmates niya na nang-gagaling sa unang palapag ng kanilang boarding house.
Napakamot pa siya sa kanyang magulong buhok dahil naingayan siya sa mga ito.
"Pambihira naman oh. Kakatulog ko palang eh" Reklamo niya bago nagtalukbong siya ng kumot sa kanyang ulo.
Antok na antok pa siya dahil napuyat siya kakaisip kay Rowan kagabi. O mas magandang sabihin kakaisip sa impostor na Rowan.
Labis kasi ang dismayang nararamdaman niya. Ang buong akala niya pa naman ay tuluyan ng nagbago ang kanyang nobyo, iyon pala ay mali siya. Pinaglololoko lang pala siya ng magkapatid na iyon.
Hindi niya parin maiwasan makaramdam ng galit sa impostor niyang nobyo. Paano ba naman hindi niya makalimutan na ito ang umagaw ng first and second kiss niya! Naaalala niya pa kung paano nito sipsipin ang inosente niyang mga labi.
"Ano ba yan ang ingay naman.." Napilitan siyang bumangon upang tignan kung ano bang pinagtatawanan ng mga boardmates niya sa ibaba ng kanilang boarding house
Kahit wala pa siyang sipilyo at hilamos ay dali-dali siyang lumabas ng kanyang kwarto. Mas malakas ang tawanan ng mga ito sa bandang kusina. Lalo tuloy napakunot ang kanyang nuo
"May birthday ba?" Kunot nuong tanong niya habang siya ay bumababa ng hagdanan.
Sa gilid ng hagdanan ay mayroon isang pintuan. Iyon ang kusina at komedor ng kanilang boarding house.
Nakabusangot niyang binuksan ang pintuan dahil hindi niya maitago ang kanyang inis sa naudlot niyang masarap na pagtulog
"Pwede paki hinaan po ang boses niyo mga ate--" Paki-usap sana niya sa mga ka-boarding mates niya. Ngunit sabay sabay napalingon ang mga ito sakanya at isa na doon si Rohan!
Napatigil tuloy sa pagbuka ang kanyang bibig na para bang naestatwa na siya doon sa kinakatayuan niya. Nabigla kasi siya pagkakita niya kay Rohan. Maraming pagkain ang nakahain sa lamesa at pinagkakaguluhan iyon ng mga boardmates niya
Mukhang masayang masaya ang mga boardmates niya habang nakikipagkwentuhan kay Rohan.
Napansin niya rin na halos ang lahat ng mga ito ay naka-liptint at blushon pa ngayon umaga samantalang hindi naman nag-aayos ang mga ito kapag nasa bahay lang
"Hi" Bati ni Rohan sakanya habang pinagmamasdan nito ang magulo niyang buhok at makintab pa niyang mukha dahil hindi pa siya nakakapaghilamos. Napapansin rin nitong namamaga ang kanyang mga mata.
"Pinsan kong maganda gising kana pala. Kanina pa si pogi dito hinihintay ka--"
"A-Anong ginagawa mo dito?" Putol niya sa panunukso ni Maylene sakanya at bumaling siya kay Rohan na nakatingin lamang sakanya na para bang wala itong ginawang masama sakanya kahapon
Nakakalimutan yata nito na nabuking na nila ito?
"Nandito siya dahil sabi mo samahan ka niya sa redflag mong boyfriend?" Si Maylene ang sumagot sa tanong niya. May hawak pa itong tinidor dahil kumakain ito ng pancakes. Mukhang bitbit ni Rohan ang lahat ng pagkain na naroon dahil hindi naman bumibili ng ganito karaming pagkain ang mga boardmates niya
"Hindi ikaw ang tinatanong ko Maylene" Saway niya sa kanyang pinsan
Nagkatinginan naman ang mga babaeng boardmates niya
"Chill ka lang Angela. Mag breakfast ka muna" Sabat naman ni Gladys sakanya. Ito ang pinaka-matanda sakanilang lahat kaya hindi niya ito kayang sagut-sagutin katulad ng pagsasagutan nilang dalawa ni Maylene
Huminga siya ng malalim bago niya tinignan ng masama si Rohan.
"Wala ka bang ginagawa sa buhay? Bakit ang aga aga mong pumunta--"
"Angela mag-aalas onse na ng tanghali no. Ikaw kasi eh mukhang nagpuyat ka kakaisip kay pogi" Sabat muli ni Maylene at kinindatan pa siya nito
Napatingin tuloy siya sa orasan na nakasabit sa gilid. Bahagya pa siyang nagulat ng makitang mag-aalas onse na nga ng tanghali.
"A-Akala ko mag aalasais palang."
"Maligo kana dahil baka magbago pa ang isip ni pogi at hindi ka niya samahan papunta nobyo mo sige ka"
Doon palang niya naalala ang kanyang itsura ngayon. Napahawak siya sa magulo niyang buhok at pasimple niyang pinunasan ang gilid ng kanyang labi dahil baka may panis na laway pa siya roon
Nagtawanan ang mga ito ng mapansin ang pamumula ng kanyang mga pisngi
Tumalikod na siya at nagmadali pabalik sa kanyang kwarto. Hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang tinig ni Gladys habang paakyat siya ng hagdanan
"Rohan ibigay mo sakin ang number mo ha?"
Hindi na niya narinig kung ano pang isinagot ni Rohan. Ngunit nakaramdam siya ng inis , hindi niya dapat ikinakainis iyon dahil wala rin naman siyang paki-alam kung ipamigay pa nito ang number nito sa kahit sino babae dahil hindi naman ito ang nobyo niya
Napasabunot siya sa kanyang buhok ng makita niya ang kanyang repleksyon sa salamin ng kaniyang bathroom.
"Nakakahiya humarap ka kay Rohan ng ganito?" Pagkausap niya sa kanyang sarili habang tinatapik-tapik niya ang kanyang nuo
Mabilis na siyang naligo at nagsipilyo. Natagalan lang siya sa paghanap ng damit na isusuot niya. Bakit parang nahihirapan siyang mamili ng kanyang isusuot? Hindi naman siya ganoon dati. Kahit ano ay pwede na sakanya basta't komportable siya.
Napabugha siya ng hangin ng mainis siya sa kanyang sarili.
Is she trying to impress him?
What for?
Para saan?
Bakit siya nagpapahid ng liptint at blush on ngayon?
"P-Para pag nagkita kami ni Rowan." Pagdadahilan niya sa kanyang sarili. Hindi niya kasi maamin sa sarili niyang nagpapaganda siya para sa mga mata ni Rohan.
Nang makuntento na siya sa kanyang suot na light yellow blouse at faded skinny jeans na tinernuhan lang niya ng isang simpleng sandals ay nagwisik pa muna siya ng baby cologne.
"P-Para kay Rowan to. Para kay Rowan" Paalala niya pa sa kanyang sarili bago niya muling sinipat ang kanyang itsura sa salamin.
Ngayon lang siya natagalan mag-ayos sa kanyang sarili sa di malamang dahilan. Hindi naman siya insecure noon sa itsura niya ngunit parang ngayon ay hindi siya kuntento sa kanyang ganda.
Huminga siya ng malalim bago siya lumabas ng kanyang kwarto. Maingay parin ang mga boardmates niya.
Nang bumaba siya ng hagdanan ay nagulat pa siya ng saktong palabas naman ng kusina si Rohan.
Saglit silang nagkatinginan sa isat-isa
Napalunok siya dahil sa kakaibang tingin na ipinupukol nito sakanya. Para bang nanghihigop ng lakas ang mga titig nito
"T-Tara na" Una siyang nagbawi ng paningin sa lalake dahil naramdaman niya ang pag-init ng kanyang mukha
Sa simpleng tingin palang nito ay nagkakaganito na siya
Tumango ito at pinagbuksan pa siya ng pintuan.
Narinig niyang nagpaalam pa ito kay Maylene at sa mga boardmates niya bago siya nito sinundan palabas ng boarding house
"Pasensya kana kung naabala pa kita. Kailangan ko lang kasi talagang makausap si..Si Rowan" Sabi niya kay Rohan ng makapasok sila sa loob ng kotse nito
Hindi na niya hinintay na pagbuksan pa siya nito ng pinto. Nauna na siyang pumasok sa loob ng kotse nito.
"Do you want to eat first? Hindi ka pa nag-aalmusal--"
"Hindi ako nagugutom. Puntahan na natin ang kapatid mo" Sabi niya habang hindi siya tumitingin sa mga mukha nito. Nakatingin lang siya sa harap ng kotse nito
"Hindi natin pupuntahan si Rowan kung hindi ka kakain"
Napatingin siya sa lalake dahil sa sinabi nito. Seryosong seryoso ang gwapong mukha nito habang nakatingin ito sakanya
"A-Aba't--"
"Mag breakfast muna tayo" Sabi pa nito bago ito nagsimulang magmaneho
Hindi nalang siya nakipagtalo pa dahil hindi rin kinakaya ng powers niya ang kagwapuhang taglay nito
"W-Wala akong pera" Pag amin niya. Sikwenta pesos nalang kasi ang laman ng kanyang wallet sa sa isang araw pa ang sahod niya
Tinignan siya nito
"I'll treat you. Pang bawi ko na rin sa mga kasalanan ko sayo"
Napatalon yata ang puso niya ng saglit silang magkatinginan nito
"M-May utang pa nga ako sayo--"
"Wala kang utang sakin"
BINABASA MO ANG
My Twin Brother's Girlfriend
RomanceMy Twin Brother's Girlfriend Nagsimulang magbago ang ikot ng mundo ni Rohan nang araw na paki-usapan siya ng kanyang kakambal na magpangap na nobyo sa girlfriend nito. Kararating palang niya sa Pilipinas upang panghawakan ang kanilang mga negosyo ay...