Chapter 25
Napakislot si Angela ng maramdaman niya ang munting mga halik ni Rohan sa gilid ng kanyang leeg
Mainit ang labi nitong dahan dahan dumadampi ng munting halik. Nararamdaman niya ring yakap yakap nito ang kanyang katawan habang magkatabi silang natutulog sa kama.
Nagmumula sa katawan nito ang init na nararamdaman niya sakanyang likuran dahil nakatagilid siya patalikod sa binata
"Uhmmm?" Nilingon niya si Rohan ng tuluyan na siyang magising dahil sa ginagawang paglalambing nito
"Sorry nagising ba kita?" Tanong nito sakanya habang mapupungay ang mga mata nito na wari bang may gustong ipahiwatig sakanya
Umiling siya at ngumiti ng kaunti sa binata bago niya ito binati ng isang magandang umaga
"Good morning" Anya sa inaantok pang boses niya pumihit siya paharap dito sabay haplos sa makinis nitong pisngi
"Good afternoon babe.. It's four PM already" Napapangiti nitong sagot sakanya bago siya nito hinapit palapit ng husto sa katawan nito
"Ha? Alas kwatro na? Ang tagal ko na palang nakatulog. Ikaw ba kakagising mo lang rin?"
Tumango ito "Yeah. Mga ten minutes palang akong gising"
Muli nitong ibinaon ang gwapong mukha nito sa kanyang leeg kaya medyo nakiliti siya
"N-Napuyat tayo dahil hindi tayo natulog ng maayos kagabi"
Pinipigilan niyang mapakagat labi dahil hinahalikan muli ni Rohan ang kanyang leeg. Dahan dahan iyon kaya mas lalo siyang nakikiliti.
Masarap na kiliti ang hatid niyon sa kanyang katawan lalo na sa bandang puson niya
"Why aren't you wearing anything?" Bulong ni Rohan sakanya
Agad niyang naalala na sinadya nga pala niyang huwag mag suot ng kahit anong damit kanina bago siya natulog sa tabi nito!
Namula ng husto ang kanyang buong mukha dahil bigla siyang nahiya sa pinag-gagagawa niya
"A-Ah eh.. Napagod na kasi ako kanina kaya nakalimutan ko na magpalit ng damit--"
"Do you know how much i need to control right now?" patuloy na bulong ni Rohan sakanya habang napapapisil pa ito sa pisngi ng kanyang puwet
Napalunok siya
"Inaakit mo ba ako babe?"
Napakagat labi lamang siya at hindi agad siya nakasagot dahil guilty siya sa tanong ni Rohan
Sino ba naman kasing matinong babae ang matutulog sa tabi ng isang lalake na nakahubot hubad? As in wala siyang saplot kahit underwear niya.
"Gusto mo na ba talagang ibigay sakin ang lahat?" Mahinang tanong ni Rohan sakanya
"H-Ha?" Nag-mamaang maangan niyang tanong
Naramdaman niyang napatawa ito ng kaunti habang nakasubsob ito sa leeg niya
"A-Anong nakakatawa Rohan?" Nahihiyang tanong niya
"Your a great temptress babe. Hindi ko alam kung mahihintay ko pa ang judge"
"Judge?"
"Nothing. C'mmon let's eat first. Tapos ipapasyal kita sa isla" Lumayo na si Rohan sakanya at nauna na itong bumangon sa pagkakahiga nilang dalawa sa malambot na kamang iyon
Magtatanong pa sana siya kung sinong judge ang tinutukoy nito ngunit napadako na ang paningin niya sa boxer short nito. May nakatayo kasi sa loob ng boxer shorts nito na parang isang malaki at mahabang talong.
Napalunok siya dahil alam niya kung ano ang matigas na bagay na tayong tayo sa loob ng boxer short nito
Napansin naman nitong tinititigan niya ang bagay na iyon kaya napangisi ito at humarap pa talaga sakanya
"Nanunuklaw to" Pabirong sambit ni Rohan sakanya kaya doon palang siya nag iwas ng tingin sa kargada nito
"M-Mag bibihis lang ako" Pag-iiba niya ng topic dahil pakiramdam niya ay napahiya siya kay Rohan. Lumalabas kasi ang tunay niyang kalandian dahil sa pagkasabik niyang makipagtalik dito
Ngumiti lang si Rohan at pinagmasdan siya habang bumabangon siya sa kama. Kitang kita kasi nito ang magandang hubog ng kanyang katawan
Kung mayroong tinatawag na coca-cola body ay ang katawan niya ang pinaka-perpektong basesan ng katagang iyon.
She have a perfect coca-cola body.
Ang kurba ng kanyang katawan ay talaga namang kaakit akit. Lalo na ang dalawang bilugan at malusog niyang hinaharap na katamtaman lamang ang kalakihan. Malaman iyon at sapat na upang umalog alog habang bumabangon siya
Ito naman ang napapalunok habang nakatingin sakanya
Sinadya talaga niyang ikembot ng kaunti ang kanyang mga balakang habang naglalakad siya papunta sa loob ng banyo upang makapaghilamos at sipilyo
Napahilamos naman sa gwapong mukha nito si Rohan dahil todo ang pagpipigil nitong angkinin siya hangang sa makapasok na siya ng tuluyan sa loob ng banyo ay nakatingin lamang si Rohan sa kanyang hubot hubad na katawan
Lalo na sakanyang matambok na pang-upo
ROHAN POV
Right there and right now. He wants to make love to her! Ngunit pinipigilan lamang nito ang sarili dahil nais nitong maging espesyal ang unang beses na maaangkin niya si Angela
Nais respetuhin ni Rohan ang prensipyo ni Angela na magpapagalaw lamang ito pag naikasal na ito.
Kaya naman pagkapasok ni Angela sa loob ng banyo ay agad niyang tinawagan ang kaibigan niyang si Patrick. Ang nag-aayos ng kaniyang pinaplanong agarang kasal
"Pat anong oras ba darating bukas yung Judge? Pwede ba mamayang gabi nalang?"
Narinig ni Rohan tumawa ang kaibigan niya sa kabilang linya
"Chill bro. Madaling madali ka ha? Bukas pa ng umaga makakarating diyan si ninong" Tinutukoy nito ang ninong nitong Judge na mag-kakasal sakanilang dalawa ni Angela
"I can't wait. Baka pwede naman mamayang gabi nalang?"
"Dude. How about the flowers and decorations? Madalian na nga eh. Pero bukas ng umaga lang talaga ang magic na magagawa ko para sa ASAP mong kasal"
Napabuntong hininga siya
"Okay okay. Basta siguraduhin mo lang Pat lahat maayos na bukas ng umaga"
Tumawa itong muli
"Magpapasakal ka na ba talaga? Kakauwi mo lang ng Pilipinas may nakilala ka agad babae? Ibang klase ka talaga Rohan"
Siya naman ang napangiti
Oo nga naman. Wala pang ilang buwan siyang nakabalik mula Europe at heto siya handang handa ng pakasalan ang babaeng kakakilala pa lamang niya
Hindi niya rin alam kung ano ang nangyayari sakanya basta ang alam lamang niya ay nais niyang makasama si Angela mula ngayon hangang sa mamatay siya. If that's not a one great reason to marry her, he doesn't care anymore. Basta para sakanya gusto niya itong maging misis niya kahit pa inagaw lamang niya ito mula sa kakambal niya
Napabuntong hininga siya ng maalala niya si Rowan. Sana ay maunawaan siya nito balang araw. Alam naman niyang hindi ito seryoso kay Angela at sasaktan lamang nito ang dalaga
"Mahal mo na ba yan bro?" Tanong ni Patrick sakanya na nagpatibok ng husto ng kanyang puso
"Papakasalan ko ba kung hindi?"
Tumawa ito "I'm fucking curious na talaga kung sino ang babaeng yan. Anyway don't worry naayos ko na ang lahat para sa kasal mo"
"Good. And don't forget, Sikreto lang ang kasal ko lalo na sa pamilya ko"
"Noted bro. Kaso magpapakasal na rin si Rowan right? Angela yata ang pangalan ng babae kapangalan pa ng magiging misis mo--"
He hang up.
Naiinis siya sa sinabi ni Patrick. Balitang balita na pala talaga ang magiging kasal ni Rowan at Angela kahit sa mga malapit nilang kaibigan.
"She's mine" Matatag niyang sambit kahit may kaba siyang nararamdaman sa kanyang dibdib
Natatakot rin kasi siya baka hindi pumayag magpakasal si Angela sakanya bukas. Baka kasi mabigla ito. Baka isipin pa nitong nagmamadali siya.
Hell yeah. Nagmamadali talaga siya dahil kilala niya ang kakambal niya. Gagawa ito ng paraan para matunton lamang sila ni Angela at alam niyang gagawin nito ang lahat upang maagaw lamang sakanya ang dalaga
Bad news for Rowan but he's not giving up on Angela.
Never.
BINABASA MO ANG
My Twin Brother's Girlfriend
RomanceMy Twin Brother's Girlfriend Nagsimulang magbago ang ikot ng mundo ni Rohan nang araw na paki-usapan siya ng kanyang kakambal na magpangap na nobyo sa girlfriend nito. Kararating palang niya sa Pilipinas upang panghawakan ang kanilang mga negosyo ay...