Chapter 7

1.7K 168 15
                                    

Chapter 7

Hindi mapigilan pagmasdan ni Angela ang kanyang nobyo habang patungo sila sa kanilang probinsya.

Malapit lang naman ang bulacan mula sa sampaloc manila at mahigit kumulang dalawang oras lamang ang biyahe pauwi sa bahay nila

Tuwing weekends ay umuuwi silang dalawa ni Maylene sa kanilang pamilya. Nakagawian na nila iyon.

Sa katunayan nga niyan ay hindi na siya dapat nagpapadala ng pera sa kanyang tatay tuwing weekdays dahil sa tuwing uuwi naman siya sa kanilang bahay ay nanghihingi parin ito ng pera sakanya. Akala yata ng tatay niya ay isa siyang walking atm bank machine na maari nitong hingan ng pera sa oras na gustuhin nito

Bigla tuloy siyang napaisip.

Sa itsura at ayos ni Rowan ngayon ay baka mahalata ng kanyang ama na galing ito sa isang mayamang pamilya. Baka hingan ito ng hingan ng pera ng kanyang ama

Napakagwapo pa naman nito ngayon at nagsusumigaw ang pagiging mayaman nito sa mga branded nitong suot. Kahit simpleng tshirt lamang na kulay itim at itim na maong shorts ang suot nito ay mahahalata paring dikaledad na materyales ang ginamit sa mga iyon.

"Why are you looking at me like that?" Puna ni Rowan sakanya habang nasa daan ang paningin nito

"N-Naisip ko lang kasi, Baka magulat sila tatay sayo pag nakilala ka nila"

"Hindi pa ba nila alam na may boyfriend ka?" Nilingon siya nito saglit

Umiling siya.

Naririnig pa nila ang pag hilik ni Maylene sa likuran ng kotse. Kanina pa ito nakatulog simula palang ng umalis sila sa kanilang boarding house ay nakatulog na agad ito sa likuran

"Ah. Eh hindi pa. Kilala ko kasi ang tatay ko, Kasi medyo mahilig manghingi ng pera ang tatay ko. Baka humingi siya ng pera sayo kapag nalaman niyang mayaman ka."

Napakunot ang nuo ni Rowan

"I don't mind. Ayos lang naman sakin kung kailangan talaga ng pera ng tatay mo"

"H-Hindi ba't sabi mo noon, Kahit piso ay hindi mo bibigyan si tatay dahil sugarol at lasingero"

Bumuntong hininga ito.

"Kung pang sugal at pang alak niya ang pera na hinihingi niya wala na akong magagawa doon. Basta ibinigay ko na ang pera hindi ko na pina-kikialaman kung saan gagamitin ng taong pinagbigyan ko"

Napalunok siya

Tila ibang tao talaga ang kasama niya ngayon. Ibang klase ang pananaw nito kaysa sa pananaw nito noon

Naalala niya pa nga ang sinabi nito sakanya noon

"Ayoko ngang pumunta sa bahay niyo. Baka hingan pa ako ng pera ng tatay mo baby. Hindi kasi ako nagbibigay ng pera sa mga sugarol at lasingerong katulad niya kahit tatay mo pa siya." Ani Rowan noon

Ipinilig niya ang kanyang ulo ng maalala niya ang mga sinabi ni Rowan noon.

"S-Sigurado ka ba Rowan? Pero kahit mukhang pera naman ang tatay ko ay hindi naman siya abusado. Kilala ko naman si tatay kahit papaano kuntento na siya sa kahit magkano lang. Kaso nakakahiya parin sayo kung sakaling manghingi ng pera ang tatay ko--" Nahihiyang sabi niya

Hinawakan ni Rowan ang kanyang kamay

"Don't worry. Ayos lang sakin" Pagkalma nito sakanya

Huminga siya ng malalim at tinignan ito. Hindi niya nakikita ang mga mata ni Rowan dahil natatakpan iyon ng itim na sunglasses nito.

"S-Salamat baby. Pasensya kana ha? Ngayon palang humihingi nako ng pasensya--"

"Shh. That's okay. Baka hindi naman ganoon ang tatay mo malay mo?"

Huminga siya ng malalim

"S-Sana nga"

Mabait naman ang tatay niya. Ngunit babaero ito at sugarol. Bestfriend rin yata nito ang alak sa tuwing may pera ito.

Hinawakan ni Rowan ang kanyang kamay habang nagmamaneho ito. Pinigilan niyang makaramdam ng kakaiba dahil hinalikan nito ang likod ng kanyang palad.
 
Naramdaman niya ang mainit nito labi sa kanyang balat. Naghatid iyon ng kakaibang pakiramdam sa kanyang buong katawan. Napapalunok nalang siya at binabalewala ang paghalik nito sa kamay niya

Nang makarating sila sa tapat ng kanilang bahay. Marami agad ang mga kapitbahay nila ang naki-usyoso sa bagong dating na magarang sasakyan.

Nagtipon tipon pa ang iba sa mga ito upang maki-chismis lamang kung sino ang sakay ng kotseng sinasakyan nila

"Bakit ang daming tao?" Nagtatakang tanong ni Rowan

Tinted ang mga bintana ng kotse nito kaya't hindi sila nakikita ng mga taong pumapaligid na sa kotse ni Rowan

"M-Mga kapitbahay namin yang usisero at usisera. Nagtataka siguro sila kung bakit may magarang kotse ngayon dito samin."

Nag-inat pa ng mga kamay si Maylene ng gisingin niya ito.

"Nandito na tayo Maylene.."

"Anong meron? Akala yata ng mga kapitbahay natin may artistang dumating ha? Ako lang to si Maylene lang ito" Natatawang biro pa ni Maylene

Natawa tuloy siya. Ngunit natigilan siya sa pagtawa ng makita niyang napapangiti si Rowan.

Kailan pa ito natuwa kay Maylene? Hindi bat mainit ang dugo nito sa pinsan niya? Tila napansin rin ni Maylene ang pagngiti ni Rowan sa simpleng pagjojoke nito. Naninibago rin siguro ang pinsan niya

"Let's go?" Tanong ni Rowan sakanilang dalawa dahil pareho silang natulala ng saglit kay Rowan

"S-Sige. Huwag mo nalang pansinin ang mga kapit bahay namin. Mababait naman ang mga iyan"

Ngumiti si Rowan

"It's okay. Mukhang masaya naman dito sa lugar niyo"

"Grabe saan napunta ang toxications mo sa katawan Rowan? Aba kung ganyan ka ng ganyan magkakasundo na tayo" Masayang sabi ni Maylene sa nobyo niya

Ikinatuwa iyon ng kanyang puso

Ngumiti si Rowan sa pinsan niya

"Ofcourse. We will be cousin's in law someday kaya kailangan kong maging mabait sayo"

Todo ngiti naman ang pinsan niyang si Maylene

"That's my bro! High five!"

Natatakot siya na baka hindi makipag-high five ang nobyo niya dahil masungit ito noon kay Maylene

Laking gulat niya ng ngumiti pa ang nobyo niya at tinangap ang pakikipag-high five ni Maylene

Nais niyang magpasalamat sa diyos dahil tila bumabait na ang nobyo niya. Nababawasan ang mga redflags nito.

Naunang bumaba ng kotse nito si Rowan. Halos narinig pa nila ang mga sabay sabay na pagsinghap ng mga kapit bahay nila. Tila nakakita ng artista ang mga ito

Bababa na sana si Maylene ng kotse ngunit ipinagbuksan rin ito ng pintuan ni Rowan. Nagkatinginan si Angela at Maylene dahil pareho silang nagulat sa ginawa ng nobyo niya. Pagkatapos ay siya naman ang pinagbuksan nito ng pintuan at inalalayan pa siya

"Kailan pa naging gentleman si Rowan?" Bulong ni Maylene sakanya ng makababa sila ng kotse

"E-Ewan ko rin nga eh" Nagtatakang sagot niya sa kanyang pinsan

Sinalubong sila ng mga bulungan. Maraming mga kapitbahay nila ang nagtataka kung bakit sila nakasakay sa isang magarang kotse eh madalas tricycle lamang ang sinasakyan nila papasok dito sa lugar nila mula sa bus-stop.

Nagtataka rin ang mga ito kung bakit may kasama silang napakagwapong lalake.

Lalo pang nagbulong-bulungan ang mga kapitbahay nila ng hawakan ni Rowan ang kanyang kamay.

Pinigilan niya ang kanyang sariling kiligin ng husto. Pakiramdam niya ay siya ang pinakamagandang babae ngayon sa lahat ng babae sa lugar nila

"Anak?"

Nagmano agad si Angela sa kanyang tatay ng makita niya itong nakatayo sa harap ng pintuan nila. As usual may hawak pa itong isang bote ng alak kahit napaka-aga pa

"Tay mano po.." Magalang na bati niya sa kanyang ama ngunit nakatingin lang ito sa lalakeng matangkad na kasama niya at nakahawak pa sakanyang kamay

"Magandang umaga po" Magalang na pagbati ni Rowan sa kanyang ama

Natutulalang tinitigan lang nito si Rowan. Para bang nakakita na ito ng pag-asa makaahon sa kahirapan ng magpakilala si Rowan bilang nobyo niya

"Ako po si Roha- I mean ako po si Rowan Hoffman. Boyfriend po ako ni Angela. Ikinagagalak ko po kayong makilala" Punong puno ng pag-galang na pakilala ni Rowan sa sarili nito

Hindi niya inaasahan na magpapakilala ito ng ganoon sa tatay niya.

"K-Kaawaan ka ng diyos anak. Aba napakagandang lalake mo naman. Bulag ka ba hijo?" Hindi makapaniwalang tanong ng tatay niya

"Tay naman. Hindi ho bulag si Rowan" Reklamo niya

Natatakot siyang ma-offend si Rowan dahil pikon pa naman ito. Ngunit nagtaka siyang muli ng marinig niyang tumawa ito.

"Naka-sunglasses lang po ako tay. Pero malinaw po ang paningin ko" Inalis pa ni Rowan ang sunglasses na suot suot nito.

"Nako'y parang tumama sa lotto ang anak ko saiyo hijo! Napakagwapo na at mabait pa!" Todo ngiting sabi ng tatay niya

"Ako po yung sinwerte" Sagot pa ni Rowan

Napapanganga lamang silang dalawa ni Maylene dahil hindi nila inaasahan na ganito ang magiging asal ni Rowan sa harap ng kanyang ama


My Twin Brother's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon