Chapter 33

2K 178 26
                                    

Chapter 33

"Where are you going Rohan?" Nakakunot nuong tanong ni Rowan sakanya. Kakagising lamang nito ng puntahan niya ito sa bagong condo unit ng mag-asawa

Kahapon lamang kinasal ang kakambal niya kay Maylene kaya nasisigurado niyang pagod na pagod pa ang mga ito. Sa katunayan ay magulong magulo pa ang buhok ng kakambal niya habang nagkukusot pa ito ng mata nito. Nagulat marahil ito dahil may dala dala siyang maleta

Inaasahan na ni Rohan ang reaksyon nito katulad ng reaksyon kanina ng parents niya at ni Ramona nang sabihin niya sa mga ito na babalik na agad siya sa Europe kahit tatlong araw palang siyang nasa Pilipinas. Plano lang talaga niyang umattend ng kasal ng kakambal niya kaya lang siya bumalik ng Pilipinas. Kung hindi pa ito ikakasal ay hindi siya babalik

Ayaw niyang magulo muli ang buhay ni Angela dahil sakanya. Alam niyang pag tumagal pa siya sa Pilipinas ay hindi na niya kakayanin ang pangungulila sa dalaga. Mas mabuti ng mapalayo siya dito kaysa masira nanaman ang buhay nito dahil sakanya
 
"I'm going back to Europe. Ala-una ang flight ko--"

"What?!" Tila tuluyan na itong nagising sa kanyang sinabi. Halos magsalubong rin ang dalawang kilay nito

"Love sino ba iyan?" Sumilip naman ang asawa nitong si Maylene sa likuran ng kakambal niya

"Hi" Simpleng bati niya sakanyang bagong sister in law. Naging kaibigan niya ito noon. Noong mga panahon na pinopormahan niya pa si Angela. Isa ito sa mga sumuporta sa relasyon nila.

"O Rohan ikaw pala iyan? Anong ginagawa mo dito ng ganito kaaga--Teka bakit may maleta ka?" Sunod sunod na tanong ni Maylene sakanya

"I just want to give my gift for the both of you bago ako umalis. Hindi ko kasi naibigay kahapon"

"Umalis?" Kunot nuong tanong ni Maylene sakanya

"Yeah. I'm going back to Europe. Marami akong trabahong naghihintay sakin--"

"Ano kamo? Babalik ka na agad sa Europe? Eh wala ka pa ngang tatlong araw dito?" Medyo mataas na ang tonong tanong sakanya ni Maylene habang nakasimangot naman ang kapatid niya

"Yeah. I just need to--"

"Damn you Rohan. Wala ka man lang ba balak sa pinsan ko?"

Napalunok siya dahil hindi niya inaasahan ang itatanong nito. Ngunit hindi niya ito sinagot bagkus at ngumiti lamang siya ng isang tipid na ngiti bago niya iniwan ang regalo niya sa gilid ng pintuan ng condo unit ng mga ito

Ayaw niyang pag-usapan si Angela dahil naninikip agad ang dibdib niya.

Napakahirap rin sakanyang iwanan ang babaeng pinakamamahal niya hangang ngayon. Halos araw araw parin nga siyang stress sa Europe dahil araw araw siyang nangungulila sa dalaga

But for him, That's his punishment. He is doing everything for her. Upang hindi ito magkaroon ng asawa na mismong dahilan ng pagkamatay ng nanay nito. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya.

Makokontento nalang siyang mahalin ito sa malayo at habang buhay kahit pa may ibang lalake na ang magpapasaya rito.

He knew he'll still love her until his last breath. Hindi na siya magmamahal pa ng iba dahil ito lamang ang babaeng sinisigaw ng puso niya. Kahit magkalayo sila aalagaan lamang niya ito sa puso niya at magiging masaya siya kung magkakaroon na ito ng ibang magpapasaya rito at karapatdapat para sa dalaga

Tumalikod na siya sa mag-asawa dahil ayaw na niyang ipaliwanag pa ang side niya

"Alam mo bang may anak kayo!"

Napatigil siya sa kanyang paglalakad dahil sa sigaw ni Maylene.

Unti-unti iyon nag sink in sa kanyang utak na parang isang libong bomba. Tama ba ang narinig niya?

M-May anak sila?
 
"May anak kayo Rohan! Pero anong ginawa mo? Iniwan mo si Angela! Hindi ka naman sinisisi nung tao sa pagkamatay ng nanay niya. Aksidente iyon! Pero dahil duwag ka pinabayaan mo ang sariling anak mo!"

Nanlamig ang buong katawan ni Rohan sa rebelasyong nalaman niya.

ANGELA POV

"Anak eat muna bago cellphone"

"Jayjay! Jayjay!" Nakangusong reklamo ng dalawang taong gulang na anak niya. Napakaganda nito kahit bata pa lamang. Likas na mataba ang pisngi nitong mamula-mula pa.

"No more jayjay anak. Eat muna" Pilit niyang pinakakain ang kanyang anak. Nawiwili na kasi ito sa panunuod ng cocomelon sa kanyang cellphone kaya't namomoblema siya sa tuwing gusto na niya itong pakainin

"No mama. Jayjay!" Pag-iyak nito kasabay ng pagpindot sa screen ng cellphone niya. Alam talaga ni Hanna kung saan nito mapapanuod ang cocomelon. Alam na alam nito ang logo ng youtube kaya agad nitong pinindot iyon

Ngunit pinatayan niya ito ng wifi kanina kaya hindi nito mapanuod ang paboritong palabas

"No more jayjay. Eat muna" Kunwari ang nag-gagalit galitan siya upang kumain muna ito. Mag-aala una na kasi ng tanghali ay hindi parin nito nauubos ang nilagang brocoli at carrots na pagkain nito

"Jayjay! Jayjay!" Tuluyan na itong umiyak mabuti nalang at kinarga ito ng kapatid niyang si Alyssa

"Ate may bwisita ka" Sabi ni Alyssa habang karga nito ang anak niyang umiiyak

Nakasimangot ang mukha ni Alyssa kaya naman napakunot ang nuo niya.

"Sino?"

Hindi naman sumagot ang kapatid niya bagkus ay nilibang libang lamang nito ang pamangkin nito

Dahil sa kanyang kuryosidad ay lumabas na siya upang tignan kung sino ang tinutukoy ni Alyssa na bwisita daw niya

Wala namang ibang dumadalaw sakanya bukod kay Maylene at Buknoy

Wala rin siyang inaasahang bisita ng araw na iyon. Alam niyang pagod na pagod pa si Maylene sa kasal nito kahapon at ganoon rin si Buknoy. Gabi na sila nakauwi sa bulacan dahil hindi talaga siya pinauwi agad ni Maylene

Paglabas ni Angela sa pintuan ng kwarto niya ay nagulat siya sa lalakeng nakatayo malapit sa pintuan nila

Seryosong seryoso ang gwapong mukha nito habang nakatingin sakanya

Nanlamig yata ang buong katawan niya dahil hindi niya inaasahan na pupuntahan siya ni Rohan sa bahay nila.

Kagabi kasi ay hindi na siya nito pinansin at maaga itong umalis. Hindi na niya ito nakita pa pagkatapos nilang kumain. Umuwi na ito kahit hindi pa man natatapos ang kasal.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Pautal utal niyang tanong sa binata

"I want to talk to you Angela"

Kinabahan siya dahil baka makita ito ng tatay nila. Galit na galit pa naman ang tatay niya dito. Kasalukuyan nasa kabilang kwarto ang tatay niya dahil kakatapos lamang nilang mag tanghalian, nakagawian na ng tatay nila ang mag siesta tuwing tanghaling tapat. Natutulog ito.

Kaya naman kumilos agad siya upang palabasin si Rohan dahil baka magising ang tatay niya. Panigurado ay maiitak ito ng tatay niya

"Doon tayo mag-usap sa kotse mo" Halos pabulong niyang sabi kay Rohan habang hila niya ang kamay nito

Binitawan lamang niya ang kamay ni Rohan ng makarating sila sa tapat ng kotse nito.

"Sakay bilis" Natatarantang utos niya sa binata bago siya naunang sumakay sa loob ng kotse nito

Napalunok naman ito dahil hindi nito inaasahan na ganoon ang magiging reaksyon niya. Ngunit sumakay rin agad ito sa loob ng kotse nito

Napakabango ng loob ng kotse ni Rohan. Dumikit na yata ang perfume ng binata sa loob ng kotse nito.

Biglang nakaramdam ng hiya si Angela ng makasakay na rin sa loob ng kotse nito si Rohan

Para bang sumikip ang loob ng kotse nito

Nagtatanong ang mga mata nito kaya naman agad siyang nag-iwas ng tingin

"L-Lumayo muna tayo sa bahay namin kung gusto mo kong kausapin huwag dito sa bahay dahil baka maitak ka ng tatay ko" Sambit niya habang sa ibang direksyon siya nakatingin

"O-Okay" Nagsimula na itong magmaneho ng kotse nito palayo ng kaunti sa kanilang bahay

Gustong kutusan ni Angela ang sarili niya dahil sa ginawa niyang pagsama sa binata. Bakit ba siya sumama sa binata? Bakit hindi nalang niya pinagtabuyan ito?

Hindi sila nagkikibuan habang nagmamaneho ito. Nadaraanan nila ang ibang bahay ng kanilang mga kapitbahay ngunit alam naman ni Angela na tinted ang kotse ng binata

"Itigil mo doon sa gilid" Utos niya ng makarating sila sa walang katao-taong lugar

Marami ring puno sa paligid kaya tago ang lugar na iyon.

Itinigil naman nito ang sasakyan sa gilid.

"A-Ano bang gusto mong pag-usapan? Sabihin mo na dahil na-aabala mo ako" Saglit niya lang itong sinulyapan dahil hindi siya makatingin ng deretso sa binata

Tila hindi naman nito malaman kung paano ito magsisimulang magsalita. Napapatitig lamang ito sakanya

"M-May sasabihin ka ba o wala?" Mataray niyang tanong sa binata

Napansin niyang namumula ang mga pisngi nito habang nakatingin sakanya

"Ano? Magsasalita ka ba o hindi?--"

"M-May gatas yung dibdib mo" Nahihiyang sambit ni Rohan sakanya pagkatapos ay sumulyap itong muli sa dibdib niya

Nanlaki ang kanyang mata dahil nakalimutan niyang wala siyang suot na Bra at tanging manipis na t-shirt lamang ang suot niyang pambahay! Nakashorts lang rin siya. Hindi naman kasi niya inaasahan na dadalaw ito sa bahay nila kaya hindi na niya naayos pa ang sarili niya

Halos lumubog sa kahihiyan si Angela dahil tayong tayo ang dalawang dibdib niya habang basang basa na ang manipis na tshirt niya. Tumutulo na pala ang gatas niya ay hindi niya pa napapansin dahil sa tensyon ng pagsasama nilang muli

"B-Bastos" Kunwari ay nagalit siya upang pagtakpan ang kahihiyan niya. Ipinangtakip rin niya ang dalawang braso niya sa kanyang dibdib

"S-Sorry napansin ko lang kasi.." Pulang pula tuloy ang pisngi nito kaya mas lalo itong gumagwapo sa paningin niya

Nag iwas siya ng tingin sa kagwapuhan nito dahil delikado iyon para sa puso niya

"S-Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin o pag-usapan--"

"It's about our daughter"

Muli siyang napatingin kay Rohan dahil sa sinabi nito.

My Twin Brother's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon