Chapter 38

2K 154 14
                                    

Chapter 38

Masakit ang ulo ni Angela pagkamulat niya ng kanyang mga mata. Puting kisame agad ang nakita niya bago niya iginala ang kanyang paningin sa paligid

Nasisigurado niyang nasa isang kwarto siya ng hospital base sa obserbasiyon niya

Naroon si Alyssa sa gilid ng kanyang kama habang nagcecellphone ito. Unti-unti niyang naalala ang nangyari bago siya nawalan ng malay

"A-Alyssa" Mahinang tawag niya sa kanyang kapatid

"Ate!" Agad naman nitong hinawakan ang kanyang kamay ng makita nitong gising na siya

"N-Nasaan si Hanna?" Halos paos ang kanyang boses dahil sa kakasigaw niya sa kanyang tatay hangang ngayon ay parang nadudurog parin ang puso niya

"Ate salamat sa diyos at gising kana!" Maluha luha nitong sambit bago siya nito niyakap

"Kakauwi lang ni kuya Rohan kasama si Hanna ate. Huwag kang mag-alala papatulugin lang daw ni kuya Rohan si Hanna sa condo at babalik rin agad dito sa hospital. Kasama naman ni kuya Rohan sila tita at buching para makapagpahinga rin sila."

"A-Anong nangyari? Nasan si tatay?"

"Ayun dinakip ng mga pulis dahil---Minomolestiya niya pala si buching ate" Napahagulgol na ang kapatid niya sa pagbalita ng masama sakanya

"A-Ano kamo?"

"Ngayon lang naglakas loob si buching magsalita at magsumbong kay tita dahil sa ginawa sayo ni tatay nakita ni buching na kakampi natin ang nanay niya. Naniwala kami agad dahil bumalik nanaman si tatay sa pagiging drug addict. Ngayon nasa kulungan si tatay ate.." Umiiyak pang kwento ni Alyssa sakanya

Lalo yatang sumakit ang kanyang ulo at parang binibiyak ang puso niya. Alam niyang wala pa siyang lakas para umiyak ngunit heto na ang masaganang luha niya sa kanyang mga mata

"Ate napakasama ni tatay. Pinabibigay rin pala saiyo ni tita ito.." May dinukot si buching na isang lumang papel mula sa likuran ng bulsa nito

Nanginginig pa ang kanyang kamay ng abutin niya iyon.

"A-Ano ito Alyssa?"

"S-Satingin ko huling sulat saiyo iyan ng nanay mo ate.."

Napaiyak siya ng buklatin niya ang isang lumang papel dahil isang liham pala iyon ng kanyang nanay

Angela anak,

Patawarin mo ako anak kung iiwanan na kita. Hindi ko na matiis ang ugali ng iyong babaerong ama. Sobrang paghihirap na ang nararanasan ko sakanya. Kapag nabasa mo itong sulat ko pumunta ka agad sa mga pulis at ipadakip mo ang tatay mo anak dahil pinagsamantalahan niya lang ako noon at huwag na huwag kang sasama sakanya kapag pinilit ka niya. Hindi siya ang tunay mong ama Angela. Patawarin mo ako anak. Si Peter Lopez ang tunay mong ama. Siguro kapag nabasa mo ito ay binawi ko na ang sarili kong buhay. Patawarin mo ako Angela anak ko. Kapag nakita mo akong duguan at wala ng buhay huwag ka sanang magagalit sa akin anak. Hindi ko na kasi kaya pang mabuhay sa mundo. Patawad.

Napahagulgol silang dalawa ni Alyssa ng mabasa nila ang sulat ng kanyang namayapang ina

Labis ang galit na naramdaman niya para sakanyang ama. Ito pala ang ang maykasalanan kung bakit nagpasagasa sa sasakyan ang kanyang nanay.

Pinili ng nanay niyang magpatiwakal kaysa habang buhay itong magdusa kasama ang tatay niya

"H-Hayup siya Alyssa. Napakasama niya" Hagulgol niya habang magkayakap sila ni Alyssa

Iyon ang inabutan tagpo ni Rohan ang pag-iiyakan nilang magkapatid. Agad itong lumapit sakanilang dalawa. Bumitaw naman sa pagyakap si Alyssa sakanya upang si Rohan na ang pumalit

"Angela..Shhh.. I'm here.." Niyakap agad siya ni Rohan ng mahigpit habang umiiyak siya

Nagtataka ito kung bakit sila humahagulgol hangang sa makita nito ang sulat na hawak hawak niya. Dahil sa curiosidad nito ay binasa nito ang sulat na iyon.

ROHAN POV

Parang may bumara na malaking bagay sa lalamunan ni Rohan ng mabasa niya ang huling sulat ng nanay ni Angela

Nagpakamatay ito? Ibig sabihin ay sinadya nitong magpabundol sa sasakyan nila noon? At ang dahilan nito ay ang walang hiyang tatay ni Angela?

Yakap yakap niya si Angela habang iyak ito ng iyak sa kanyang dibdib

"Hindi ko siya mapapatawad Rohan napakasama niya" Hagulgol pa nito

Naiyak na rin siya dahil buong buhay niyang pinagbabayaran ang hindi naman niya kasalanan.

Naikuyom niya ang kanyang palad at hindi na niya mapigilan ang maiyak sa labis na galit niya

"Iniwan kita dahil sakanya. He told me to stay away from you dahil mamatay tao raw ako pero siya pala ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang mama mo? Damn him! I'm going to make sure he will never get out of that jail. Sinisugurado kong mabubulok siya sa kulungan"

"B-Bakit anong ginawa niya? Kinausap ka ba niya na iwan mo ako?"

Ikinuwento niya ang lahat kay Angela. Kahit pa naroon si Alyssa ay hindi na siya nahiyang magkwento dito

"Walang hiya siya. Siya pala ang dahilan kung bakit bumalik ang trauma mo. Sinabi sakin ni Rowan noon na nagpapagamot ka sa Europe pero di ako naniwala iniisip kong idinahilan mo lang iyon sa pang-iiwan mo sakin. I'm sorry Rohan.."

"I'm so sorry Angela. Hindi ko nalabanan ang sakit ko. I'm sorry.." Yakap yakap niya ang dalaga habang humihingi sila ng kapatawaran sa isat isa

Panay rin ang iyak ni Alyssa sa kanilang tabi

Tatlong buwan ang mabilis na lumipas. Nakulong na talaga ang tatay kuno ni Angela sa kulungan dahil sinigurado talaga ni Rohan na mabubulok ito roon

Medyo nakakamove on naman na si Angela sa pangyayari at kasalukuyan rin silang nakikitira kay Rohan sa mismong mansyon nito sa maynila

May nabili na pala itong sariling bahay nito sa Maynila at roon muna sila pinatira nito kasama ang mga kapatid niya at ang tita niya

Sa loob ng tatlong buwan ay hindi pa sila muling nakapagsolo ni Rohan dahil hinayaan muna siya nitong makamove on sa pangyayari

Tatlong buwan rin itong naging busy dahil sa mga negosyong napapabayaan na nito

Nang minsan magkasalubong sila sa hallway ng mansiyon ng araw ng sabado ay nagulat pa siya

Minsan lang kasi itong gumising ng maaga tuwing sabado dahil iyon lamang ang araw ng pahinga nito

"G-Good morning" Nahihiyang bati niya kay Rohan

Ngumiti ito sakanya

"Good morning"

"N-Nag almusal kana ba Rohan? May niluto si tita na almusal--"

"Ikaw nag-almusal kana?" Naramdaman niyang may kaunting lambing sa boses nito

Umiling siya

"Sabay na tayong mag-almusal nagluto rin ako sa kwarto ko at balak talaga kitang tawagin"

Pinamulahan siya ng kanyang pisngi.

"S-Sige tatawagin ko lang si Hanna--"

"Okay lang ba tayong dalawa muna?"

Madalas kasi ay kasama nila ang anak nila kaya hindi pa sila nagkakaroon ng solong oras sa isat-isa. Hindi nga malinaw kay Angela kung nagkabalikan na ba sila dahil sobrang busy nito

Napakagat labi siya dahil sa tanong nito bago siya marahan na tumango

"S-Sige Rohan"

Sabay silang pumunta sa kwarto ng binata. Nag-iisa lang ito sa kwarto nito dahil may sarili silang kwarto ni Hanna at ang mga kapatid niya ay tig-iisa pa ng kwarto sa mansiyon na iyon

Ngunit di naman makapal ang kanilang mukha upang makitira kay Rohan ng wala silang ibinabalik sa binata. Kaya sinabi nila kay Rohan na huwag na itong kumuha ng katulong dahil kayang kaya nilang magkakapatid ang paglilinis at pagluluto sa bahay nito. Noong una ay hindi pumayag si Rohan dahil ayaw raw nitong mapagod sila ngunit ipinilit niya iyon kaya sa huli ay pumayag rin ito

Medyo gininaw siya pagpasok nila sa loob ng kwarto ni Rohan. As usual malamig nanaman sa kwarto nito dahil tinotodo talaga nito ang temperatura ng aircon

Hindi pa man siya nakakahakbang ng ilang hakbang sa loob ng kwarto nito ng maramdaman niyang hinapit ni Rohan ang kanyang bewang

"Angela can we talk about us now? Pwede na ba nating pag-usapan ang tungkol sating dalawa?" Masuyo nitong tanong sakanya habang nakahawak ito sakanyang beywang

Napasinok naman siya dahil hindi niya inaasahan ang tanong nito

"I-Ikaw lang naman ang busy"

Ngumiti ito

"Sorry baby. Natagalan ba? Inayos ko kasi ang mga negosyo ko sa Europe dahil ibinenta ko na ang mga iyon. I'm planning to stay here with you and hanna for the rest of my life"

Napakurap kurap siya sa sinabi ni Rohan sakanya

"I-Ibig sabihin hindi kana babalik sa Europe kahit kailan?"

Tumango ito

"Yes. Hindi ko na kakayanin mapalayo sayo Angela. Hindi ka nawala sa puso ko kahit isang beses.."

Hinaplos ni Rohan ang kanyang pisngi papunta sa kanyang labi

"R-Rohan.."

"Mahal na mahal na mahal parin kita Angela. I'm sorry for being coward. I'm sorry for hurting you. Alam kong kulang ang sorry para mapatawad mo ako sa nagawa ko sayo at sainyo ni Hanna. But i will do my best para makabawi ako sainyo.. Will you let me do that?"

Napaluha siya at sunod sunod siyang tumango

"Hinihintay ko lang naman na sabihin mong mahal mo parin ako Rohan. Hindi naman kayang matibag ng galit ko ang pagmamahal ko sayo. Sabihin man ng iba na marupok ako pero unang kita ko palang sayo noong kasal nila Maylene at Rowan parang gusto ko ng tumakbo papalapit sayo at yakapin ka ng mahigpit.. Miss na miss kita alam mo ba iyon?"

Idinikit ni Rohan ang nuo nito sakanyang nuo

"Oh God i'm so stupid for hurting a special girl like you. Araw araw rin kitang iniisip nung nasa Europe pa ako. Hindi ka mawala sa isip ko dahil palagi kang pinapaalala ng puso ko.. Kung alam mo lang Angela ang paghihirap kong mapalayo sayo. Hindi ko na kaya pang ulitin iyon dahil ikakamatay ko na. I promise to love you forever more.."

Doon na siya hinalikan ng isang buong buong mapagmahal na halik ni Rohan sa kanyang mga labi na agad naman niyang tinugon iyon

"Mahal na mahal kita Rohan.." Halos paungol na sambit siya sa pagitan ng kanilang paghahalikan

"Mahal na mahal rin kita Angela.."


My Twin Brother's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon