Chapter 20
"A-Ano? S-Sa mansiyon niyo?"
"Yeah. Ipapakilala na kita sa parents ko. I want them to finally meet their future daughter in law" Nakangiting sambit ni Rowan sakanya habang hawak nito ang kanyang kamay
Kasalukuyan silang nasa loob ng kotse nito. Sinundo siya nito sa Hanro Corporation. Marami nga ang nagulat sa mga katrabaho niya na siya pala ang nobya ni Rowan. Ang kakambal ng amo nila.
Ayaw sana niyang sumama kay Rowan dahil binigla siya nito. Mayroon pa naman silang usapan nila Maylene na kakain sila ngayon sa labas dahil ibinigay na ni Rohan ang signing bonus nila.
Ngunit heto siya ngayon sa loob ng kotse ni Rowan. Ang buong akala niya ay ihahatid siya nito sa kanilang boarding house ngunit nagkamali siya.
Ibang daan ang tinahak nito kaya naman nagtanong na siya kung saan sila pupunta. Sinabi nitong ipapakilala daw siya nito ngayong gabi sa magulang nito. Hindi man lang siya nito inabisuhan o sinabihan kaninang umaga na may plano pala itong ipakilala siya sa magulang nito
"P-Pero hindi pa ako handa. Hindi mo man lang sakin ipinaalam muna para napaghandaan ko"
"Don't worry baby. They will like you."
"Hindi sa ganon Rowan. Nakita mong kakagaling ko lang sa trabaho--"
"Don't worry idadaan muna kita sa salon bago tayo dumiretso sa mansiyon."
Nais pa sana niyang magreklamo ngunit nilakasan na nito ang sound ng music sa loob ng kotse nito. Rock music iyon na kahit kailan ay hindi niya nagustuhan
Masakit kasi sa tenga ang mga gustong kanta ni Rowan.
Gusto na sana niyang umuwi para makapagpahinga. Gusto rin sana niyang makipaghiwalay na kay Rowan dahil hindi na talaga bumalik ang damdamin niya para sa binata simula ng makilala niya si Rohan. Hindi na niya kayang pagtakpan ang kanyang sariling nararamdaman.
Kanina ng hapitin siya nito at halikan ay wala siyang pagtutol na naramdaman. Bagkus ay nasabik pa siyang halikan ito muli. Miss na miss na niya ang mga labi ni Rohan kaya't pinalaya na niya kanina ang tunay na nararamdaman niya. Tinugon niya ang halik ng binata ng buong puso at walang pagsisisi.
Kaya naman buong araw niyang pinag-iisipan kung paano siya makikipaghiwalay kay Rowan. Dahil ang kapatid nito ang talagang tinitibok ng kanyang puso at wala ng iba pa. Wala na siyang paki-alam sa iisipin ng mga tao sa kanyang paligid
Mas magiging masama siya kung ipagpapatuloy niya ang relasyon nila ni Rowan kung si Rohan naman talaga ang gusto niya
"We're here. Iiwan muna kita saglit dito sa salon tapos babalikan nalang kita" Sabi ni Rowan ng maipark na nito ang kotse sa parking lot ng isang sikat na salon sa buong Pilipinas
Pinatay na nito ang makina ng kotse nito kaya't nawala na rin sa wakas ang malakas na tunog na nanggagaling sa speakers ng kotse nito
"Rowan. Ayoko na. Hindi ko na kayang ituloy ang relasyon natin. Makikipaghiwalay na ako sayo" Nakayukong sambit niya
Nawala naman ang magandang ngiti ni Rowan dahil sa kanyang sinabi at saglit itong nanahimik
"W-What did you just said?"
"A-Ayoko na. Tapusin na natin ang relasyon natin. Dahil... Dahil... H-Hindi na kita mahal." Derederetso niyang sabi at wala ng paligoy-ligoy pa.
Hindi ito kumibo
"Hindi ko kayang magpakasal sayo Rowan--"
"Shut up! Walang maghihiwalay. Hindi tayo maghihiwalay. Not now. Kung gusto mong makipaghiwalay sakin huwag muna ngayon."
Napakunot ng husto ang kanyang nuo dahil sa sinabi nito. Tinignan niya ito ng masama.
"Anong huwag muna ngayon?" Nalilito niyang tanong
"Huwag muna ngayon dahil inaasahan ka ng magulang ko ngayong gabi. Huwag mo akong ipahiya sa pamilya ko." Galit na galit nitong sabi sakanya kahit mahinahon lang ang pagsasalita nito. Napasuklay pa ito sa buhok nito bago nito pinukpok ang manibela ng kotse nito
Napalunok siya dahil nakaramdam siya ng takot kay Rowan
"P-Pero ayoko ng magpakilala sa parents mo--"
"You will not do this to me Angela! Ayoko lang mapahiya sa magulang ko. Ihaharap kita sa kanila ngayong gabi sa ayaw at sa gusto mo. Kahit ngayong gabi lang"
Umiyak si Rowan habang sinasabi iyon. Nakaramdam tuloy siya ng awa para dito.
Hindi siya kumibo habang umiiyak parin si Rowan. Ngayon lang niya nakitang umiyak ito.
"S-Sige. Ngayong gabi lang Rowan at pagkatapos ng gabing ito palayain mo nako"
Biglang nagbago ang expresyon ng mukha ni Rowan. Mula sa pagpapaawa nitong mukha ay naging madilim iyon.
"You will not decide for this relationship. Ako ang masusunod Angela. Sa ngayon kung gusto mong makalaya sakin, Sundin mo muna ang mga ipag-uutos ko sayo at papalayain kita"
Napalunok siyang muli dahil sa takot na kanyang naramdaman ng sabihin iyon ni Rowan sakanya.
Wala siyang nagawa kundi sundin ito. Isinama siya nito sa loob ng salon at ipinaasikaso siya sa isang stylist doon. Binantayan siya ni Rowan at hindi na ito umalis pa ng salon hangang sa natapos na siyang ayusan.
Nakapag sipilyo rin muna siya sa rest room ng salon dahil kaninang tanghali pa ang huling toothbrush niya. Nakakahiya naman sa parents ni Rowan kung hindi siya magiging presentable.
Hindi na niya masyadong na-appreciate ang kagandahan niya sa gabing iyon dahil okopado ng isip niya kung paano siya makakalaya kay Rowan. Ayaw siya nitong pakawalan. Nakakaramdam siya ng takot at pangamba. Lalo na kapag nalaman nito kung sino ang bagong lalakeng nagpapatibok sa kanyang puso
Pinagbihis siya ng stylist ng isang simpleng strapless silk black dress na lalong nagpalitaw ng magandang hubog ng kanyang katawan. Humahapit ito sa kurba ng kanyang bewang. Bahagya pa nga siyang nailang dahil nakadungaw ng kaunti ang kanyang cleavage sa desenyo ng black dress na iyon. Tinernuhan lang ito ng stylist ng isang simpleng black sandals pagkatapos nitong bigyan siya ng foot and body scrub ay nilagyan nito ng nail polish ang kanyang mga kuko. Binigyan rin nito ng hair treatment ang kanyang medyo patay na buhok kaya muling nabuhay iyon. Nilagyan rin siya nito light makeup dahil ayon dito ay natural na daw maganda ang kanyang mukha
Halatang masama ang timpla ni Rowan habang nasa biyahe sila papunta sa mansiyon dahil nakakunot ng husto ang nuo nito. Hindi naman niya maiwasan ang mapagod at magutom dahil natagalan sa pag-aayos ang stylist sakanya. Nakasimangot pa nga ang stylist dahil hindi man lang ito binigyan ng tip ni Rowan. Pinaghirapan pa naman nitong ayusan siya
"We're here. Act like you still love me" Kunot nuong sabi ni Rowan sakanya
Napalunok siya
"Damn! hindi pa nga kita natitikman iiwan mo nako tss" Hindi na niya narinig ang sinabi ni Rowan dahil nakababa na ito ng kotse nito samantalang naiwan naman siyang nasa loob ng kotse nito
Huminga muna siya ng malalim bago siya bumaba ng kotse ni Rowan. Nabigla pa siya ng hapitin ni Rowan ang kanyang bewang.
"R-Rowan"
Hindi ito kumibo ngunit inalalayan na siya nito papasok sa loob ng napakalaking mansyon habang ang mga kamay nito ay nasa kanyang bewang
"Mom dad. We're here" Nakangiting sabi ni Rowan pagkapasok nila sa loob ng kusina kung saan naghihintay na sakanila ang pamilya nito
Magaling palang magpangap si Rowan dahil parang napakasaya nito ngayon sa harap ng magulang nito
Napalingon naman sakanila ang mga ito
Nahigit ni Angela ang kanyang hininga ng makita kung sino ang makakasalo niya sa hapag kainan!
Katabi nito ang nobya nito!
Walang iba kundi si Rohan!
Parang tinambol ang kanyang puso ng makita niya itong nakatingin rin sakanya
Humigpit ang pagkakahawak ni Rowan sa kanyang bewang ng mahalata nito ang pagkakatitigan nilang dalawa ni Rohan.
"Oh dear dumating rin kayo! Kanina pa namin kayo hinihintay anak!" Sambit ng ginang na sa palagay ni Angela ay ang nanay nila Rowan
"Welcome to our family hija!" Nilapitan agad siya ng ginang at nakipagbeso beso ito sakanya
Nahihiya naman siyang nakipagbeso beso rin sa mommy ni Rowan. Mukhang malambing ito at hindi katulad ng ibang mayayaman na matapobre.
Kinamayan naman siya ng daddy ni Rowan. Bahagya pa nga siyang kinabahan dahil baka mamukhaan siya nito. Baka maalala nitong siya ang babaeng naabutan nito kanina sa opisina ng isang anak nito
"Nice to meet you anak. Maupo na kayo at kanina pa namin kayo hinihintay" Masayang sabi ni Mr.Hoffman sakanya
Inalalayan naman siya ni Rowan makaupos sa upuan niya. Hindi siya makatingin kay Rohan dahil alam niyang nakatingin ito ngayon sakaniya lalo sa kamay ng kapatid nitong nakapulupot sa kanyang bewang
"Hey Rowan. Hindi mo ba kami ipapakilala sa fiance mo? Hindi mo ba ipapakilala ang mga kakambal mo ha?" Tanong ng isang babaeng maganda na katabi rin ni Rohan sa kabilang silya
Ito marahil ang isa pa nilang kakambal na babae. Triplets kasi ang mga ito at babae ang isa sa kanila
"Ah. Yeah. This is Angela my future wife and this is my sister Ramona and my brother Rohan with his beautiful girlfriend" Pakilala ni Rowan sakaniya sa mga ito
Para siyang sinaksak sa sinabi ni Rowan. Hindi niya gustong maipakilala bilang future wife nito sa lalakeng gustong gusto niya.
Muntik na niyang makalimutan na may nobya nga pala si Rohan. Lalo tuloy siyang naguilty sa halik na pinagsaluhan nilang dalawa kanina sa opisina nito
"Hello Angela. Nice to meet you my sister in law. Kasing ganda naman pala kita" Nakangiting bati sakanya ni Ramona.
Ngumiti lang siya dahil nalunok niya yata ang kanyang dila sa mga oras na iyon ay wala siyang masabi kahit ano
"Let them eat first. Panigurado gutom na gutom na kayo dahil anong oras na"
"Nag-quick lambingan pa kasi kami nitong mahal ko" Paglalambing ni Rowan sakanya at hinalikan pa talaga siya nito sa kanyang pisngi sa harap mismo ng pamilya nito
Automatiko siyang napatingin kay Rohan pagkahalik ni Rowan sakanyang pisngi. Nakita niyang umigting ang panga nito at halatang hindi nito nagustuhan ang ginawa ng kapatid nitong paghalik sakanya
Bahagya pa nga hinampas ni Rohan ang lamesa kaya napatingin silang lahat dito
"Rohan anak what's the matter?" Kunot nuong tanong ni Mrs.Hoffman sa anak nito
Bakas na bakas kasi ang galit sa gwapong mukha ni Rohan.
"Nothing. Sumakit lang ang ulo ko" Sabi ni Rohan bago ito tumayo at nag walk out palabas ng kusina
Agad naman itong sinundan ng nobya nito
"Rohan wait"
"Nag away ba kayo ng kapatid mo Rowan?" Kunot nuong tanong naman ni Mr.Hoffman sa anak nito
"No dad. Bakit naman kami mag-aaway? Baka naiingit dahil mas maganda ang girlfriend ko sa girlfriend niya" Natatawang sabi ni Rowan bago ito nagsimulang maglagay ng pagkain sa plato nito. Napabuntong hininga nalang ang daddy nito. Hindi man lang siya nito inasikaso kaya si Mrs.Hoffman na ang naglagay ng pagkain sa plato niya
"Eat well anak" Sabi ni Mrs.Hoffman sakanya pagkatapos siya nitong pagsilbihan
"S-Salamat po tita" Nahihiyang pasasalamat niya
"Nako mommy cheng nalang ang itawag mo sakin dahil magiging anak na rin kita soon hija"
Napangiti siya dahil mabait pala ang magulang ni Rowan. Saan kaya nagmana ng kagaspangan ng ugali si Rowan? Mabait rin kasi si Rohan at Ramona. Kung hindi nga lang magkakamukha ang mga ito ay iisipin niyang napalitan siguro ito sa hospital noon
Kahit nahihiya si Angela ay sinubukan niya paring kumain ng maayos sa harap ng pamilya ni Rowan. Panay naman ang tanong ni Ramona sakanya ng kung ano anong bagay tungkol sakanya. Mukhang magkakasundo sila ni Ramona dahil mabait ito at masarap kausap. Nawala tuloy ang kabang nararamdaman niya.
BINABASA MO ANG
My Twin Brother's Girlfriend
RomanceMy Twin Brother's Girlfriend Nagsimulang magbago ang ikot ng mundo ni Rohan nang araw na paki-usapan siya ng kanyang kakambal na magpangap na nobyo sa girlfriend nito. Kararating palang niya sa Pilipinas upang panghawakan ang kanilang mga negosyo ay...