Chapter 18

1.6K 149 14
                                    

Chapter 18

Tuwang tuwa silang tatlo ng makuha agad nila ang kanilang employees ID ng mismong araw din na iyon. Wala pang isang oras silang naghintay ay nakuha na nila ang kanilang mga bagong ID

"Lagot tayo kay chekwa. Hindi pa tayo nag resign" Ani Maylene na ang tinutukoy nito ang kanilang among chinese

"Oo nga. Pero mabait naman yun si chekwa. Panigurado magiging masaya pa iyon para satin"

"Sabagay"

Sabay sabay silang tumahimik ng pumasok muki ang HR manager na nag asikaso ng mga employees ID card nilang tatlo at ang iba pang mga kailangan nitong ayusin sa pag proseso ng kanilang bagong trabaho

"Girls, heto ang schedule niyong tatlo at maari na kayong mag-simula bukas." Nakangiting iniabot nito sakanilang tatlo ang tatlong folder na naglalaman ng kanilang mga schedule

"Salamat po" Sabay sabay nilang pasasalamat kay Mrs.Flores ang HR manager at private secretary ng kanilang boss Rohan.

Mabait ito at may kaedadan na, maasikaso ito sakanilang tatlo. Panay nga ang sulyap nito ng makahulugan sakanya kanina ngunit hindi nalang niya iyon binibigyan pansin

"Maari na kayong umuwi muna dahil bukas pa mag-uumpisa ang trabaho niyo. Sa weekend naman kayo makakalipat sa bagong condo unit na isa sa mga benefits niyo bilang empleyado ng Hanro Corp. Congratulations again girls. Welcome to Hanro Corporation" Masayang sambit pa ni Mrs.Flores

Todo ngiti naman silang tatlo at walang humpay na pasasalamat sa ginang hangang sa iwanan na sila nito sa meeting room na iyon

Nagyakapan pa silang tatlo sa sobrang tuwa nila

"Manlilibre ako ngayon ng jabee gusto niyo ba girls?" masayang tanong ni Maylene sakanila ni Gladys.

"Oo naman!" Sabay pa nilang sagot ni Gladys

Mababakas talaga sa kanilang mga mukha ang labis na kaligayahan. Sinong mag aakala na makakapasok sila sa ganito kagandang kumpanya? Hindi naman sa minamaliit nila ang kanilang sarili ngunit alam nilang hindi papasok ang kanilang qualifications sa mga standard qualifications ng mga kumpanyang kagaya ng Hanro Corporation

"Hahanapin ko lang saglit si sir. Ibabalik ko tong coat niya"

Inilagay muna niya ang business coat ni Rohan sa kanyang kamay. Itinupi niya iyon ng maayos bago niya isinabit sa kanyang braso

"Asus magpapapansin ka lang kay sir eh?" Biro ni Maylene sakanya kaya sinimangutan niya ito

"Magiging brother in law mo na yun si sir Angela kaya samin nalang siya" Sambit naman ni Gladys

"Ano ba naman kayong dalawa. Kung ano anong pinagsasabi niyo diyan baka may makarinig sainyo"

Napahagikgik naman ang dalawang bruha bago sila sabay sabay na lumabas ng meeting room

Napapatingin sakanila ang ibang mga empleyadong nadaraanan nila. Mukhang friendly naman ang iba sa mga ito dahil napapangiti ang mga ito sakanilang tatlo

Ilang hakbang palang ang nagagawa nila nang makasalubong nila si Rohan na mukhang papunta talaga kung saan sila nang galing kanina

Napalunok siya ng magtama ang kanilang mga mata sa isat-isa. Nagsimula nanaman mabaliw ang tibok ng kanyang puso

Relax Angela.

Sinubukan niyang pakalmahin ang kanyang nagwawalang puso sa pamamagitan ng paghugot ng isang malalim na hininga.

Nawala ang excitement na kanyang nararamdaman ng makita niyang hindi ito nag-iisa. May isang magandang babae ang naglalakad rin kasabay nito.

Kung hindi siya nagkakamali, Ito ang maganda at sexy na nurse ni Rohan noong pinuntahan niya ito sa penthouse nito.

Parang piniga ang kanyang puso ng maalala niyang ito nga ang babaeng iyon

Ito ba ang nobya ngayon ni Rohan?

Bakit siya nasasaktan?

Hindi bat siya naman ang nagtaboy sa binata? Siya naman ang umiwas dito.

Parang may maliliit na karayom ang tumutusok tusok sa kanyang puso ng makita niyang magkahawak kamay pala ang mga ito

Agad niyang iniwas ang kanyang paningin sa mga kamay ng dalawa dahil parang sinasakal ng mga ito ang puso niya

"Sir Rohan uuwi na po kaming tatlo. Maraming salamat po ulit sa oportunidad na ito." Si Maylene ang unang nagsalita ng makalapit sila sa mga ito

Nanatili lamang siyang nakayuko

"Oh okay. Ingat kayo"

"Honey sila ba yung sinasabi mo sakin na mga bagong kaibigan mo?"

Napalunok siya ng magsalita ang babaeng kasama ni Rohan

Honey?

Tinawag nitong honey si Rohan? Ibig sabihin ay ito nga ang nobya ni Rohan! Para tuloy siyang nanghina sa kanyang nalaman. Ano bang ineexpect niya? 

"Yes honey. Fiance siya ni Rowan at yung dalawa naman mga kaibigan niya na naging kaibigan ko rin" Paliwanag pa ni Rohan sa nobya nito

Hindi parin siya nag aangat ng tingin dahil masakit sa kanyang mga mata ang makitang may ibang babae na si Rohan.

"Oh i see. Nice to meet you girls" Masayang bati naman saknila ng babae

Doon palang siya nag angat ng tingin sa mga ito dahil mahahalata naman nito masyado na nagseselos siya kung hindi niya ito pakikiharapan ng maayos

Pilit siyang ngumiti

"Nice to meet you rin po" Halos sabay sabay nilang sagot sa napakagandang babaeng kaharap nila ngayon
 
Saglit silang nagkatinginan ni Rohan. Ngunit nagbawi rin agad siya ng tingin sa lalake dahil baka makita pa nito ang pagseselos na nararamdaman niya

"Sir ibabalik lang daw ni Angela ang business coat mong ipinahiram sakanya kanina dahil giniginaw siya"

Nagulat siya sa pagiging intremitida ng kanyang pinsan. Talagang dinetalye pa talaga nito ang pangyayare sa harap mismo ng nobya ni Rohan? Baliw na talaga ang pinsan niya. Alam niyang sinasadya ni Maylene maging intremetida.

Siniko siya ni Maylene upang iabot na niya ang business coat ni Rohan. Agad naman niyang iniabot iyon habang nakayuko parin siya

"T-Thank you po sir" Iyon lang ang nakayanan niyang sambitin. Napakabilis kasi ng tibok ng kanyang puso.

"Hindi ka na ba giniginaw?"

Nahigit niya ang kanyang paghinga dahil sa tono ng pananalita ni Rohan. Para bang may halong paglalambing ang pagtanong nitong iyon sakanya.

O baka naman nag aambisyon nanaman siya?

Samatalang nag kukurutan ng pasimple si Maylene at Gladys dahil tila kinikilig ang mga ito. Marahil natunugan rin ng mga ito ang paglalambing sa boses ni Rohan ng tanungin siya nito kung hindi na ba siya giniginaw

Umiling siya

Ramdam niya ang pamumula ng kanyang mga pisngi

"H-Hindi na po sir. Uuwi na rin po kami. Kung gusto niyo po lalabahan ko--"

Hindi na nito pinatapos ang kanyang sasabihin. Kinuha na nito sakanya ang business coat nito. Napapitlag pa nga siya ng maramdaman niya saglit nitong nahaplos ang kanyang braso ng kunin nito sakanya ang coat nito

Napatingin tuloy siya sa binata at nakatingin rin ito sakanya.

"No need. Sa tingin ko naman malinis pa ito"

Namilog ang kanyang mga mata ng isuot muli ni Rohan ang business coat na ipinahiram nito sakanya kanina.

Lalo naman kinilig ang dalawang kasama niya. Ngunit napasimangot ng kaunti ang katabi nitong babae. Kumapit itong muli sa braso ni Rohan at kitang kita niya iyon

"M-Mauna na po kami sir." Siya na ang nagpaalam sa mga ito dahil hindi yata niya kayang matagalan na makitang may ibang babae ito

Hindi na niya hinintay ang sasabihin ng mga ito at nauna na siyang maglakad palayo sabay hila sa dalawa niyang kasama

"Bye sir alis na po kami" Pahabol na paalam pa ni Gladys at Maylene kay Rohan.

Hindi na sila napigilan pa ni Rohan dahil halos kaladkarin na niya ang dalawang kasama niya palayo sa mga ito

"Angela di naman halatang nagseselos ka niyan?" Pang aasar sakanya ni Maylene nang nasa loob na sila ng elevator

"S-Selos ka diyan. Hindi naman siya ang nobyo ko" Pagtangi niya

"Hindi nga pero siya ang gusto mo diba?" pang aasar naman ni Gladys sakanya

Hindi nalang niya pinansin ang mga ito dahil lalo lamang namumula ang kanyang buong mukha



My Twin Brother's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon