Chapter 21

2K 185 38
                                    

Chapter 21

"Lasing na lasing si seniorito Rowan hinatid namin sa dating kwarto niya." Bulungan ng mga kasambay sa loob ng mansiyon

"Kanina pa kasi tunga ng tunga ng alak iyon sa likod. Parang malaki ang problema hindi ba't dapat masaya pa nga siya dahil ikakasal na siya?"

Napabuntong hininga si Angela. Kakalabas lamang niya ng silid ni Mrs.Hoffman at ni Ramona dahil pagkatapos nilang kumain ay inaya na siya ng mga ito na planuhin nila ang nalalapit nilang kasal ni Rowan

Wala siyang nagawa kundi sumama sa mga ito. Hangang sa dalawang oras na pala ang mabilis na lumipas. Ginabi na siya ng husto sa mansiyon. Hahanapin sana niya si Rowan dahil yayayain na niya itong umuwi. Ngunit narinig niyang lasing na lasing na raw ito.

"Excuse me po. Nasaan po si Rowan?" Magalang na tanong niya sa mga kasambahay

Agad naman nahiya ang mga ito sakanya dahil baka narinig niya ang pinag uusapan ng mga ito.

"A-Ay hello po ma'am. Nasa silid na po niya si Sir lasing na lasing po ma'am"

"Ganon ho ba?"

"Sa ikatlong palapag po ang kwarto ni Sir"

Napabuntong hininga nalang siya. Paano siya ngayon makakauwi kung lasing na lasing na si Rowan? Wala naman siyang balak pumunta sa kwarto nito dahil baka kung ano pang gawin nito sakanya

"Haaay.."

"Angela. Anong ginawa mo diyan?" Tanong ni Ramona ng makita siya nitong nakatayo sa isang tabi.

"H-Hinahanap ko kasi si Rowan. Pero ang sabi ng mga kasambahay lasing na lasing na raw at natutulog na sa kwarto niya. Maari mo ba akong ihatid Ramona?" Lakas loob na tanong niya kay Ramona

"Nako ipagpabukas mo na ang uwi mo. Marami namang guest rooms dito sa mansiyon. Papahiramin nalang kita ng damit. Halika"

Hinila na siya ni Ramona dahil medyo makulit rin ito. Hindi na siya nakapagreklamo pa. Inaantok na rin naman siya at wala naman sigurong masama kung makikitulog muna siya sa guest room ng mansiyon

Talaga ba Angela? O dahil alam mong nandiyan sa mansiyon si Rohan?

Ipinilig niya ang kanyang ulo upang alisin ang munting tinig na nang aasar sakanya

Binigyan siya ni Ramona ng pantulog na damit at dinala siya nito sa guest room na tutulugan niya

Napakaganda ng guest room na iyon at masyado iyong malaki para sakanya

"Good night Angela. Bukas kana umuwi tutal sabado naman bukas" Humalik pa sa kanyang pisngi si Ramona bago ito nawala sa kanyang harapan

Napabuntong hininga siya

Ngayon palang siya nakahinga ng maluwang. Kanina kasi habang nagpaplano ng kasal si Mrs.Hoffman at Ramona ay parang nasasakal siya. Ayaw niyang magpakasal kay Rowan. Ngunit sabik na sabik ang mommy nito at ang kapatid nito kaya hindi naman niya makontra ang mga gustong planuhin ng dalawa para sa kasal nila ni Rowan

Minabuti na niyang mag quick shower muna at magsipilyo bago siya nagpalit ng pantulog na damit. May pagkapilya talaga si Ramona. Dahil masyadong sexy ang Ipinahiram nito sakanyang damit na isang white lingerie

Hindi siya sanay magsuot ng ganoon ngunit wala naman siyang ibang pagpipilian.

Nang makahiga na siya sa kama ay narinig niyang nag ring ang cellphone niya sa ibabaw ng kanyang bag. Tinatamad siyang tumayo dahil kahihiga lamang niya. Medyo malayo kasi sa kama ang pinagpapatungan ng kanyang bag.

Muli nanaman nag ring ang kanyang cellphone sa ikalawang pagkakataon kaya naman napilitan na siyang bumangon at sagutin iyon

Nanlaki pa ang kanyang mata ng makita niyang si Rohan ang tumatawag sakanya!

Nagdalawang isip pa siya kung sasagutin niya ang tawag nito dahil sa matinding kabang nararamdaman niya

"H-Hello" Napapikit pa siya ng sagutin niya ang tawag nito

"Where are you?"

Napalunok siya dahil malalim ang tono ng boses nito. May kahinaan rin iyon na para bang ginagamit nito iyon sa tuwing nais nitong maglambing

"N-Nasa mansiyon pa. Hindi na kasi ako nakauwi dahil nalasing si Rowan--"

"You're in his room?" Nahimigan niya ang galit sa tono ng pananalita ni Rohan

"Ah. Eh hindi. N-Nasa guest room ako." Natataranta tuloy niyang sagot sa binata

Narinig niyang bumuntong hininga ito

"Mabuti naman. Can we talk?"

Hindi agad siya nakasagot

"N-Nag-uusap naman na tayo"

"I'll be there in five minutes. Buksan mo lang ang pinto para malaman ko kung saang guest room ka naroon"

Nanlaki ang kanyang mata sa sinabi ni Rohan!

Ano daw?!

Pupuntahan siya nito sa kwartong iyon?

Oh God!

"A-Ay huwag na! Baka may makakita pa sayo at maissue pa tayo.--"

"I don't care" Balewalang sagot ni Rohan na lalong nagpabilis ng tibok ng kanyang puso

"P-Paano ang nobya mo? Baka magalit iyon--"

"She's not my girlfriend. Nakalimutan mo na bang ikaw ang girlfriend ko"

Nakagat niya ang ibabang labi niya dahil sa sinabi ni Rohan.

Ano ba naman itong lalakeng ito bigla bigla nalamang nagbibitaw ng mga ganoong linyahan. Hindi tuloy napaghandaan ng puso niya dahil tila napatalon iyon sa kilig.

"Open the door"

"O-Oh my God. Rohan bumalik kana sa kwarto mo. Baka malaman ng parents mong pinapasok kita dito--"

"Open the door Angela"

Napapikit siya sa kaba at kakulitan ni Rohan. Mukhang wala talaga itong balak bumalik sa kwarto nito

Halos marinig na niya ang lakas ng pagpintig ng kanyang puso habang dahan dahan siyang lumapit sa pintuan upang pagbuksan ito ng pinto

Dahan dahan niyang binuksan iyon at sinalubong niya ang binata ng kinakabahang tingin

Seryoso itong nakatingin sakanya bago nito ibinaba ang hawak parin nitong cellphone nito na nakatapat sa bandang tenga nito.

Hindi niya mabasa ang expresyon ng mukha ni Rohan dahil seryoso lang itong nakatingin sakanya ng humakbang ito papasok ng silid na iyon.

Napaatras siya

"R-Rohan baka may makakita sayo" Mahinang sita niya sa binata ngunit tuluyan na itong pumasok ng silid at nilock pa talaga nito ang pinto

"I don't care. Marami kanang kasalanan sakin Angela. Ano sa tingin mo ang nararapat na iparusa ko sayo?"

Nanlaki ang kanyang mata sa tanong nito

"H-Ha? A-Anong sinasabi mo diyan."

"I'ts not funny anymore. Nalilito nako. Yung kasal niyo ni Rowan? Itutuloy mo ba talaga?"

Napalunok siya dahil humakbang itong papalapit sakanya. Napaatras siyang muli.

"Then why did you kiss me back this morning?"

Lalong kumalabog ang kanyang puso sa mga tanong nito sakanya. 

"A-Ah eh.. Eh.." Hindi niya alam ang kanyang isasagot. Dahil sa kakaibang epekto ni Rohan sa kanyang katawan. Sa isiping dalawa lamang sila sa kwartong iyon ngayong gabi ay tila nag iinit na ang buong katawan niya

"Passionately and intimate kiss." Duktong pa ni Rohan habang paatras siya ng paatras at palapit naman ito ng palapit sakanya hangang sa wala na siyang naatrasan dahil pader na ang kanyang nasandalan

"D-Dahil hinalikan mo ko" Napapalunok na sagot nalang niya

Ngumiti ito ng kaunti sa kanyang isinagot

"Kapag hinalikan pala kita palagi mo rin akong hahalikan ng ganoon? You almost took my breath away parang ayaw mo nakong pakawalan kanina Angela.." Pilyo itong napapangiti

Namula siya ng husto sa sinabi ni Rohan

"A-Ano bang pinupunto mo Rohan?"

"My point? Kung gusto mo ako sabihin mo lang sakin agad, after what we did in my office room inaasahan kong akin kana pero hindi ganon ang nangyari because here you are in my parents house showing up as my brother's fiance kaya naguguluhan na ako sayo.." Seryoso at diretsong sabi ni Rohan sakanya

Hinaplos ni Rohan ang kanyang pisngi

"Tell me, Ako na ba ang gusto mo o siya parin?"

My Twin Brother's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon