Chapter 36

2K 173 16
                                    

Chapter 36

Napapasayaw pa si Hanna habang sabay sabay silang kumakain ng biniling jolibee food ni Rohan para sakanilang tatlo.

Tuwang tuwa ang anak niya dahil paborito talaga nito ang pagkain na iyon. Napapangiti naman silang dalawa ni Rohan dahil sa pagkabibo ng kanilang anak

Kasalukuyan silang nasa isang high class condo unit ni Rohan. Fully furnished na ang condo unit na iyon kahit kakabili lang daw nito ng condo kagabi

Sinadya talaga nitong bumili ng condo unit malapit lamang sa lugar nila upang madalas daw nitong madadalaw ang anak

Maganda at malinis ang loob ng condo unit nito ngunit narumihan agad iyon ni Hanna. Panay kasi ang talon nito sa kulay puting sofa ni Rohan habang ang kamay nito ay punong puno ng spagetti sauce. Sinasaway niya ang anak dahil nahihiya siya kay Rohan ngunit sinabi nitong ayos lang daw iyon at hayaan lang daw niyang mag enjoy si Hanna

"Jabi jabi yehey!" Sambit pa ni Hanna habang kumekendeng kendeng at tumatalon ito

Ngayon lang niya nakitang ganoon kasaya ang anak niya. Hindi kaya nararamdaman nitong kasama na nila ang tunay na tatay nito? Dahil noon naman sa bahay nila sa tuwing nagdadala siya ng pagkain na binili niya sa jolibee ay hindi naman ganoon kasaya at ka-energetic ang anak niya

Napapaisip tuloy siya kung may lukso rin ba ng dugo si Hanna sa ama nito dahil extra-happy talaga ang anak niya ngayon. Papansin rin ito kay Rohan dahil panay ang kiss nito sa pisngi ng binata

Tuwang tuwa naman si Rohan kahit pa ang dumi dumi na ng pisngi nito dahil sa spagetti sauce mula sa nguso ni Hanna

"Stop na anak mapapagod ka niyan" Natatawang saway niya sa anak niya habang sumasayaw ito
 
Mukhang nakaunawa naman ito at muli na itong umupo sa sofa. Agad naman itong sinubuan ng pagkain ni Rohan. Aliw na aliw ito sa anak nila

"Tenkyu" Sabay halik nanaman ni Hanna sa pisngi ni Rohan pagkatapos nitong kainin ang ibinigay nito

Muling napangiti ng isang magandang ngiti ang binata dahil tuwing hahalikan ito ni Hanna ay parang natutunaw ang puso nito

"Thank you rin anak.." Nakangiting sabi ni Rohan sa anak nila

Napapaiwas naman siyang mapatingin kay Rohan sa tuwing ngingiti ito ng ganoon

Jusko napakagwapo! Makalaglag parin ng panty ang pagngiti nito. Lalo pa't halatang masayang masaya ito habang kasama ang anak nila

Ngunit siyempre umiiwas na siyang magwapuhan sa binata dahil ayaw na niyang ibalik pa ang nakaraan nila. Hindi naman siya tanga upang balikan pa ang taong nang-iwan sakanya noon. Ayaw lamang niyang pagkaitan ng ama ang sarili niyang anak dahil lamang sa galit siya. Ayaw niyang maging selfish sa kanyang anak. Ginagawa lamang niya ito para kay Hanna.

Deserve rin kasi ng anak niya ang maranasan magkaroon ng tunay at sarili nitong ama

Naputol ang pag-iisip niya ng tumunog ang kanyang cellphone. Napatingin tuloy sakanya ang dalawa dahil sa lakas ng ring tone niya

Agad niyang sinagot iyon ng makita niyang si Buknoy ang tumatawag sakanya

"Hello Buk--ahm Tyron" Sagot niya

Nawala naman ang magandang ngiti ni Rohan ng marinig nito ang pangalan ng taong kausap niya

Yumuko lang ito upang pakainin nalang muli ang kanilang anak ngunit pasimple itong nakikita sa pag-uusap nila ng inaakala nitong nobyo niya

"Hello Gela, nasaan kayo ni Hanna? Nag-aalala yung tatay mo sainyong dalawa dahil nawala nalang daw kayo bigla kanina bago magtanghalian pero sinabi kong kasama ko kayo para huwag ng mag-alala ang tatay mo"

Nakahinga siya ng maluwang dahil sa ibinalita ni Buknoy

"Naku salamat ha? K-Kasama kasi namin ngayon si--I mean yung tatay ni Hanna."

"What?! Bakit kasama mo yan Gela? Nag-iisip ka ba?--"

Inilayo niya ng kaunti ang kanyang cellphone sa kanyang tenga dahil napalakas ang boses ni Buknoy

"Gusto ko rin kasing maranasan ni Hanna magkaroon ng tatay." Saglit silang nagkatinginan ni Rohan dahil sa sinabi niya.

Nag-iwas nalang agad siya ng tingin

Napabuntong hininga naman si Buknoy sa kabilang linya

"Fine. Nasaan kayo ngayon? Susunduin ko nalang kayo para hindi magtaka ang tatay mo"

"Talaga? Naku salamat Tyron. Sige teka itatanong ko kung anong address"

Tinakpan muna niya ang ibaba ng cellphone bago niya kinalabit si Rohan. Nag bibinge-bingihan siguro ito dahil nakayuko lang ito habang pinapakain si Hanna. Alam naman niyang naririnig siya nito

Tumingin ito sakanya kaya saglit siyang napalunok

Para kasing nagseselos ang paraan ng pagtingin nito sakanya sa mga oras na iyon

"A-Anong address nitong condo mo? Susunduin kami ni Tyron--"

"Ihahatid ko nalang kayo" Seryosong sabi nito

"Naku hindi pwede dahil hinahanap daw kami ni tatay. Sinabi nalang ni Tyron na kasama namin siya para huwag na mag-isip pa sila tatay"

Saglit itong di nagsalita bago ito napabuntong hininga. Labag sa loob nitong sinabi sakanya ang address ng condo nito at sinabi naman agad niya iyon kay Tyron bago niya pinatay ang kanyang cellphone

"Uuwi na ba agad kayo?" Malungkot na tanong ni Rohan sakanya pagkatapos niyang kausapin si Tyron

"Oo.." Maiksing sagot niya

Napabuntong hininga ito bago nito kinarga ang anak niya

"Let's wash your hands and face baby" Sabi ni Rohan na ikinatuwa naman ng anak niya

Sinundan nalang niya ang mga ito sa banyo dahil baka hindi marunong mag-alaga ng bata si Rohan. Ngunit napapangiti siya ng palihim dahil mukhang propesyonal naman itong mag-alaga ng bata. Pinainom pa muna nito ng tubig ang anak nila bago nito hinugasan ang kamay at mukha ni hanna

"M-Marumi rin yung pisngi mo.." Hindi niya maiwasan sabihin iyon kay Rohan

Saglit itong tumingin sakanya

Nakakakaba ang tingin nito. Bakit ba isang tingin lang nito ay nakakapagpalambot na iyon ng mga tuhod niya

"Can you wash my cheeks for me? Habang hawak ko si Hanna"

Nanlaki ang kanyang mata sa request ni Rohan sakanya. Mukhang tuwang tuwa na kasi sa tubig ang anak niya at ayaw na nitong magpabitaw sa ama nito

Nahihiya man siya ay hindi niya maintindihan kung anong espirito ang nagtulak sakanyang pumayag sa gusto nito

"S-Sige"

Napalunok ito dahil sa pagpayag niya lalo na ng kumuha siya ng face soap sa gilid na ginamit rin nito kanina para kay Hanna

Nakatingin lamang sila sa isat isa habang unti unti niyang hinaplos ang maruming pisngi nito

Para bang tibok nalang ng kanyang puso ang kanyang naririnig habang haplos haplos niya ang pisngi ng binata

Titig na titig ito sakanya habang sinasabon niya ang pisngi nito. Banayad ang paghaplos niya sa pisngi ni Rohan at hindi nagbibitaw ang pagtititigan nilang dalawa

She glare at his handsome face. Napakagwapo parin talaga nito hangang ngayon. Halos walang pores ang makinis nitong mukha at nakakatukso ang mga kakaiba nitong tingin na ipinupukol sakanya

Dahan dahan niyang hinugasan ng tubig ang kanyang kamay at muli niyang hinaplos sa pisngi ni Rohan upang mabanlawan ang sabon sa pisngi nito

"Angela..." Mapungay ang mga mata nitong nakatingin sakanya habang hinahaplos parin niya ang pisngi nito

Para siyang naeengkanto sa mga oras na iyon at tanging ang pisngi lamang nito ang nais niyang hawakan kahit pa ilang oras niya iyong gawin ay hindi siya magsasawa

She really missed him...

"Finish mama!"

Napakurap nalang silang dalawa ni Rohan ng wisikan sila bigla ng tubig sa mukha ni Hanna

Para siyang nagising sa isang nakaka-hypnotismo nitong kagwapuhan

Nataranta tuloy siya bigla at namula ang buong mukha niya sa hiya!

Gaga! Anong ginawa mo Angela! --- Sigaw niya sa sariling isip

Kinuha nalang ni Angela ang isang face towel doon at ibinigay iyon kay Rohan

"P-Punasan mo si Hanna at baka paparating na si Tyron" Pautal utal niyang sabi bago siya lumabas ng banyo

Tahimik naman siyang sinunod ni Rohan dahil tila pareho silang nawala sa kanilang sarili sa ilang segudong iyon

Nais mapasabunot ni Angela sakanyang sarili dahil sa pag-hugas niya ng pisngi ni Rohan. Ano bang naisip niya at ginawa niya ang bagay na iyon?!

Hindi tuloy siya makatingin ng deretso kay Rohan ng lumabas na ang mga ito ng banyo.

"Wala ka bang dala pang-palit ng damit ni Hanna?" Tanong ni Rohan sakanya ng lapitan siya nito

Napilitan tuloy siyang mapatingin dito

Saglit silang nagkatinginan at parang nagkakahiyaan

"W-Wala eh. Tumakas lang kasi kami"

"Basang basa yung bata dahil naglaro ng tubig. Hmm Pwede ba ibili ko muna siya ng damit?"

"S-Sige hintayin ka nalang namin dito--"

"No. Baka dumating yung boyfriend mo." Wala sa sariling sabi ni Rohan kaya naman lalo siyang namula

Ibig bang sabihin ay ayaw nitong mapagsolo sila ni Tyron?

"Eh--Paano?"

"Sumama nalang kayong dalawa sakin. Saglit lang naman tayo--"

"Eh baka dumating si Tyron--"

"Itext mo nalang siya na sa mall kayo sunduin" Medyo natunugan nanaman niya ang nagseselos nitong boses. Ayaw lamang niyang maging ambisyosa.

My Twin Brother's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon