Chapter 11
"Hello? Allyssa bakit napatawag ka?"
"Ate... Ate..."
Binundol ng kaba ang dibdib ni Angela ng marinig ang munting hikbi ng kanyang kapatid sa kabilang linya. Kasalukuyan parin silang nasa biyahe ni Rohan. Mag iisang oras na nga silang bumabyahe papunta sa condo ni Rowan ngunit hangang ngayon ay hindi parin sila nakakarating
"B-Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?" Sunod sunod na tanong niya sa kanyang kapatid ngunit mas lalo pang napalakas ang pag-iyak nito
Napalingon si Rohan sakanya dahil sa pag-aala ng kanyang boses.
"Kasi ate si buching.."
"A-Anong nangyari kay Buching?" Halos mawala ang kanyang dugo ng marinig kung ano ang nangyari sa kapatid niya.
"Nasagasaan po ng tricycle ate. Nandito kami ngayon nila tatay sa hospital. Kulang raw po ang perang dala ni tatay kaya hindi pa ma-operahan si buching"
"D-Diyos ko po!" Natuptop niya agad ang kanyang bibig ng marinig ang daing ng kanyang kapatid
"What happened?" Nakakunot nuong tanong ni Rohan bago nito itinabi sa gilid ng kalsada ang kotse nito. Nagtaka kasi ito sa biglaang pag-iyak niya
Sinabi ni Buching sakanya kung saang hospital dinala ng mga ito ang kapatid niya. Hindi raw sapat ang fifty thousand pesos na bitbit ng kanyang tatay kaya't hindi pa inooperahan ang kapatid niya
"Sabihin mo kay tatay papunta na ako diyan!"
Agad siyang tumingin kay Rohan. Sunod sunod na sa pagpatak ang kanyang mga luha
"R-Rohan si buching.."
Halos hindi niya maikwento kay Rohan ang masamang balita na nangyari sa kapatid niya
"What happened to buching? Shhh. Calm down.." Hinaplos nito ang likod niya at hinawakan nito ang isang kamay niya upang pakalmahin siya
"N-Nasagasaan si buching. Kailangan ko ng tulong mo Rohan. Parang awa mo na. Pautangin mo muna ako ng pang-opera sa kapatid--"
"What? Oh God. Where the hospital?" Nag aalala nitong tanong bago nito binuhay muli ang makina ng kotse nito.
"Sa bulacan hospital DKL. Doon raw dinala si Buching kaso kulang ang pera nila tatay kaya hindi parin daw inooperahan ang kapatid ko"
"Damn!" Pinaharurot ni Rohan ang kotse nito kaya naman napakapit siyang mabuti sa kanyang seat belt.
May tinawagan agad ito na koneksyon nito. Base sa kanyang narinig ay pina-asikaso agad nito ang kapatid niyang si Buching
"Anong tunay na pangalan ni Buching?" Baling ni Rohan sakanya habang kausap nito ang isa sa mga kaibigan nitong may koneksyon sa mga hospital
"Ally Rodrigez" Nanghihina paring sagot niya
Narinig niyang sinabi ni Rohan ang pangalan ng kanyang kapatid. Pagkatapos ay nag utos ito na gawin agad ang lahat para mailigtas ang kapatid niya
Abot langit ang kanyang dasal na sana ay maoperahan agad ang kapatid niya.
Kulang isang oras lamang ay nakarating na sila sa bulacan hospital. Kayang kaya pala nitong magmaneho ng napakabilis!
Agad siyang lumabas ng kotse ni Rohan hindi na niya hinintay na pagbuksan pa siya nito ng pinto
Lakad takbo ang kanilang ginawa papasok ng hospital. Tinanong agad nila kung nasaan ang kanyang kapatid.
Nang matunton nila ang floor kung saan naroon ang kapatid niya ay agad silang sinalubong ng iba pang kapatid niya at ng kanyang tatay
Nanghina siya ng makita niyang maraming bahid ng dugo ang puting t-shirt ng tatay niya.
Niyakap agad siya ng mga kapatid niya
"Ate!"
"Kamusta si buching? Naoperahan na ba siya--"
"Oo ate. Pagkatapos natin mag-usap wala pang sampung minuto ay inoperahan na agad nila si Buching. Hangang ngayon nasa operating room parin siya"
Niyakap naman siya ng kanyang tatay
"Pasensya kana anak hindi ko nahabol si buching tumakbo ng napakabilis, eksakto naman may humaharurot na tricycle" Mangiyak ngiyak na kwento ng tatay niya
Yumakap rin ang asawa nito sakanya.
"Salamat Angela ginawan mo ng paraan para maoperahan agad ang anak ko. Maraming salamat anak" Hingi ng pasasalamat ng nanay ni buching sakanya
Napahagulgol rin tuloy siya
Ilang oras pa silang naghintay bago natapos ang operasyon ng kapatid niya. Sa awa ng diyos ay ligtas na ito sa kapahamakan!
Inilipat rin ito ng mas magandang hospital ni Rohan dahil mas mapapadali raw ang pag-galing ng kanyang kapatid sa pribadong hospital sa maynila.
Binigyan rin ang pamilya niya ng isang hotel room na katabi lamang ng hospital upang ang magbabantay kay Buching ay hindi mahirapan. Pansamantala ay doon muna siya natutulog sa tuwing uuwi siya mula sa hospital. Naroon rin ang tita niya at ang tatay niya na kapalitan niya sa pagbabantay kay Buching
Nagpapasalamat sila na hindi naging grabe ang head injury ng kanyang kapatid. Medyo malakas na ito ngayon.
Nagpapasalamat rin siya kay Rohan dahil sinagot nito ang lahat ng bayarin nila sa hospital. May libre pa silang pagkain ng kanyang tatay sa loob ng isang linggo nilang pagbabantay kay Buching
Palagi rin dumadalaw si Rohan kay Buching at madalas pa nga ay sinasamahan siya nitong magbantay sa kapatid niya katulad nalang ngayong gabi
Isang linggo na si Buching sa pribadong hospital ngunit heto parin si Rohan sa kanyang tabi
Pakiramdam niya tuloy ay kinareer na talaga nito ang pagpapangap bilang nobyo niya dahil pati responsibilidad ng isang mabuting nobyo ay ginagawa nito para sakanya
"Rohan umuwi kana. Ako na ang magbabantay kay Buching. Tska lalabas na si buching bukas kaya hindi mo na kailangan pang magpuyat.." Paki-usap niya sa binatang katabi niya sa isang sofa katapat ng kama na hinihigaan ni buching
Tulog na tulog na ang kapatid niya dahil ala-una na ng madaling araw
Kanina ay nakikipaglaro na ito kay Rohan na para bang hindi ito nang-galing sa isang matinding aksidente
"I'm okay don't mind me. Gusto kitang samahan.." Saad nito bago ito napahikab
Bahagya niyang naamoy ang fresh breath nito. Pambihira kahit madaling araw na amoy fresh parin ang hininga nito? Parang nasobrahan yata ito sa pag-gamit ng mouth wash?
Napansin nito ang ginawa niyang pagtitig sa mukha nito.
"Why?"
Agad siyang nag-iwas ng kanyang tingin
"W-Wala. Gusto ko lang pala magpasalamat sayo ha? Ang dami kong utang sayo, Ilista mo lang at unti-unti ko yang babayaran--"
"Naniningil ba ako?"
"H-Hindi naman. Pero siyempre gusto ko parin siguruhin sayo na babayaran ko lahat ng nagastos mo samin. Sobrang nagpapasalamat ako sayo, dahil kung hindi dahil sayo baka napaano na ang kapatid ko" Nag-uumpisa nanaman siyang maging emosyonal nanunubig nanaman ang kanyang mga mata
"Shhh. It's okay. Kahit sino naman ay gagawin ang ginawa ko. Nothing to be thankful for. Hindi rin kita sinisingil at hindi naman kita sisingilin"
"A-Ay! Hindi pwede yan Rohan. Kailan kong bayaran yun dahil utang ko iyon sayo. Hindi ko man mabayaran ang utang na loob ko sayo atleast mabayaran ko kahit papano ang mga nagastos mo"
Ngumiti ito at pinisil nito ang kanyang dalawang pisngi
"You're too emotional Angela. Ginawa ko yun para kay buching dahil para ko na rin kapatid ang bata. Don't worry about the money"
Hindi niya mapigilan makaramdam ng kakaiba sa sinabi ni Rohan. Para bang hinaplos nito ang puso niya.
This week nakita niya ang pagkakaiba ni Rohan sa kapatid nitong si Rowan. Hindi lamang sa physical na anyo. Tunay ngang mabuting tao ang lalakeng kasama niya ngayon at isang responsableng tao
Napatunayan niya na isa itong mabuting tao. Halos nasa tabi niya lang ito sa buong linggo na napanghihinaan siya ng loob.
"S-Salamat Rohan" She smiled guinely. She appreciated everything he has done for her and for her family. Napakalaki ng naitulong ni Rohan sakanya.
Napatitig ito sa kanyang magandang mukha at saglit na tinitigan ang kanyang labi
"Your smile is enough payment" Sambit nito bago muli pisilin ang kanyang pisngi
Pinigilan niyang kiligin sa sinabi nito
"Panay ka biro. Magkaibigan na ba tayo?"
"Ouch. After ko magpakaboyfriend sayo?" Pabirong tanong nito sakanya habang nakangisi ito
Nahampas niya tuloy ng kaunti ang braso nito
"Sira ka talaga!"
Hinuli nito ang kanyang kamay bago siya nito tinitigan sa kanyang mata pababa sa kanyang labi
"I missed kissing you. Pero makakahintay naman ako"
Halos-dumagundong ang kanyang puso sa sinabi ni Rohan. Madalas niya nga itong mapansin na napapatingin sa kanyang labi
Binawi niya ang kanyang kamay bago pa siya mahipnotismo sa mga mata nito. Dahil titig palang nito ay tila nakakabuntis na!
Aminado naman siya na sa tuwing naiiwan silang dalawa sa hospital at nagbabantay sa gabi ay na-tetemp siyang halikan ang binata. Ngunit sa loob ng isang linggo ay hindi naman ito nag take advantage sakanya kahit dalawa lamang silang nagbabantay sa loob ng hospital room ng kapatid niya
"K-Kapag hinalikan mo ko para na rin natin niloko ang kapatid mo--"
"Cut it Angela, He doesn't care anymore. Sabi ko nga sayo may iba na siya diba?" Mahinang sabi nito sakanya bago muling hinawakan ang kanyang kamay
Pakiramdam niya ay nanunuyo na ang kanyang labi kaya naman bahagya niya iyon kinagat.
wrong move yata iyon dahil napatingin doon si Rohan at napalunok ito.
Ito naman ang napakagat labi habang nakatingin sa kanyang labi.
"M-Maging magkaibigan nalang muna tayo Rohan." Labas sa ilong niyang sabi kahit iba ang sinisigaw ng kanyang katawan
Napakainit na ng singaw ng buong katawan niya dahil sa ginagawang pagtitig ng binata sakanya
Nakakapanghina ang mga titig nito..
Nakakaakit...
"Hindi ko kayang maging kaibigan mo lang. I can be a suitor if you will let me?" May ngiti na ng kaunti sa mga labi nito
"L-Liligawan mo ako?" Halos mabulol niyang tanong kay Rohan habang pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya
"Yeah. If you will let me.."
Napalunok siya.
Kahit sino sigurong babae ay hindi na magpapaligaw pa kung ganito naman kagwapo ang nais manligaw! Baka sagutin agad ito ng kahit sinong babae o baka nga ito pa ang nililigawan
"H-Hindi pa kasi kami break ni Rowan--"
Hindi na nito pinatapos ang sinasabi niya. Hinapit nito ang kanyang bewan at siniil ng mapusok na halik ang kanyang labi
Nagsanib ang init ng kanilang mga labi ng maglapat ang mga iyon! Agad niyang tinugon ang halik ni Rohan na para bang sabik na sabik silang makipaghalikan sa isat-isa
Tila hinihintay lamang nilang dalawa na maglapat ang kanilang labi upang pakawalan ang pantasyang halikan ang isat-isa.
Sa pagkakataon na ito ay ginagaya na ni Angela ang paraan kung paano gumalaw ang mga labi ni Rohan. Madali niya iyon natutunan kaya naman napalalim ng husto ang paghahalikan nila kumpara sa kanilang nakaraang halik
Isang masarap na ungol ang kumawala sa bibig ni Angela kaya naman mas lalong naging mapusok at malalim ang paraan ng paghalik ni Rohan sakanya
"Angela.." Ungol ni Rohan sa kanyang pangalan habang hinahalikan siya nito ng walang humpay
Halos walang gustong pumutol ng halik na kanilang pinagsasaluhan. Nilaro ng dila nito ang kanyang bibig kaya naman napaungol siya.
Hinapit niya pa ng husto ang batok ni Rohan upang makapaghalikan sila ng todo.
Nararamdaman niyang humahaplos na ang kamay nito sa kanyang hita habang sila ay naglalaplapan sa sofa bed ng hospital room ni buching
Mainit ang palad nito na parang apoy na dumadagdag sa init na nararamdaman niya
Halos ihiga na rin siya ni Rohan sa sofa habang nilalaplap nito ang kanyang labi
"Ate ano po ginagawa niyo?"
Sabay silang napatigil ni Rohan sa ginagawa nilang paghahalikan ng marinig ang munting tinig ni Buching!
Para silang binuhusan ng malamig na tubig dahil nakaupo na si Buching sa hospital bed nito habang nakatakip ang dalawang kamay sa mga mata nito na may kaunting silipan para makita silang dalawa
Bakit ba nila nakalimutang may bata silang kasama sa kwartong iyon!
"Buching!" Sabay pa nilang sambit sa pangalan nito
Agad silang napatayo at hingal na hingal sa ginawa nilang paghahalikan
"N-Nadulas lang si kuya Rohan mo sa harap ko. Huwag mong isipin yung nakita mo buching!" Nagkakanda-utal utal niyang paliwanag sa kanyang kapatid
"Weh?" Halatang hindi naniniwala nitong sagot sakanya
Pinamulahan tuloy siya ng buong mukha at hindi siya makatingin ngayon kay Rohan!
BINABASA MO ANG
My Twin Brother's Girlfriend
RomanceMy Twin Brother's Girlfriend Nagsimulang magbago ang ikot ng mundo ni Rohan nang araw na paki-usapan siya ng kanyang kakambal na magpangap na nobyo sa girlfriend nito. Kararating palang niya sa Pilipinas upang panghawakan ang kanilang mga negosyo ay...