Chapter 6
"Nagawa mo ba ang pinagagawa ko sayo? Sinundo mo ba kagabi si Angela"
Pinigilan mainis ni Rohan sa kanyang kapatid nang tumawag ito sakanya nang hapon na iyon.
He don't understand his twin brother. Bakit pa ba nito tinatanong si Angela? Hindi ba't nagpapakasaya na nga ito sa babae nito?
"Yeah" Maiksing sagot niya bago niya niluwangan ang pagkakabuhol ng neck tie. Para kasing hindi siya makahinga ng maayos nang mabasa niya sa screen ng kanyang cellphone ang pangalan ng kanyang kapatid. Hindi niya inaasahan na tatawagan siya nito
"Good. Nakahalata ba siya?"
"No."
"Mabuti naman. Salamat Rohan."
"Why do care? Ibang babae naman ang kasama mo last night right?"
Lalo siyang nainis ng tumawa pa ang kapatid niya sa kabilang linya.
"Yeah yeah. Sorry about last night wrong timing ang pagtawag mo kagabi nasa kalagitnaan kami ng romansa--"
"Stop. It's very disgusting" Napapaigting ang kanyang panga dahil tila proud na proud pa ang kapatid niya sa pangbababae nito.
Samantalang mahal na mahal ito ng nobya nito. Kitang kita niya kagabi ang lungkot sa mga mata ni Angela ng dahil sa kapatid niya.
Ano bang nagustuhan nito kay Rowan? Bukod sa gwapo ang kapatid niya ay wala ng magandang katangian ito. Sa totoo lang ay palagi itong nasasabihan ng kanilang mommy. Dissapointed rin madalas ang daddy nila sa mga ginagawa ni Rowan sa buhay nito
Tumawa si Rowan
"Anyway. Did you already tell her that i want to end our relationship?"
Napakunot ang kanyang nuo
"Yes. Nakipaghiwalay nako sakanya. Nagawa ko na ang inuutos mo-"
"What?! Bakit mo naman binigla ang baby ko--"
"Akala ko ba gusto mo na siyang hiwalayan?" Hindi niya maitago ang inis sa kanyang boses.
Isang beses palang kasi niya nakikilala ang nobya nito ay iba na ang naging epekto sakanya ng dalaga. He wanted her for himself. Gusto niya itong mapasakanya. Palagay niya kasi ay mas maalagaan niya ito kaysa sa pagbabalewala ng kapatid niya sa isang katulad nito.
Kung sakaling siya ang unang nakakilala kay Angela ay paniguradong makikipaglapit parin siya sa dalaga. Nagkataon lang na naunahan siya ng kanyang kapatid.
"Yeah. Pero diba sabi ko sayo dahan dahanin mo lang dahil baka mabigla si Angela?"
"Don't worry. Ayos lang naman siya. Mukhang tangap naman niya ang naging break up niyo" Pagsisinungaling niya.
He hated lying but he felt right doing this.
Pakiramdam niya mapoprotektahan niya si Angela sa lalakeng katulad ng kapatid niya
Tumahimik si Rowan sa kabilang linya
"I-Impossible. Mahal na mahal ako ni Angela kaya--"
"Rowan can you get my towel?" Tinig ng isang babae sa background ni Rowan. Mukhang kasama parin nito ang babae nito
Mas lalo lamang siyang nagagalit sa kanyang kapatid.
"I have something important things to do. Kung wala ka ng matinong sasabihin sakin i need to hang-up"
Hindi na niya hinintay pang sumagot ang kapatid niya. Muntik pa niyang mabato muli ang kanyang cellphone. Bagong bago pa naman ang cellphone niya dahil naibato niya ang cellphone ni Rowan kagabi. Mabuti na lang at nagagamit niya pa ang simcard nito upang ma-contact ang dalaga.
BINABASA MO ANG
My Twin Brother's Girlfriend
RomanceMy Twin Brother's Girlfriend Nagsimulang magbago ang ikot ng mundo ni Rohan nang araw na paki-usapan siya ng kanyang kakambal na magpangap na nobyo sa girlfriend nito. Kararating palang niya sa Pilipinas upang panghawakan ang kanilang mga negosyo ay...