Chapter 8

1.8K 177 22
                                    

Chapter 8

"Pupurgahin mo ba kami sa manok?" Bulong ni Angela kay Rowan habang hindi magkanda-ugaga ang kanyang mga kapatid sa pagkain ng sandamamak na fried chicken.

Dala-dala iyon ni Rowan para sa kanyang pamilya. Nasa likod ng kotse nito ang sampung boxes ng mga manok kaya naman hindi nila iyon napansin ni Maylene kanina habang nasa biyahe sila

Naaamoy nila ang mabangong amoy ng manok ngunit binalewala lang nila iyon.

"That's one of my business. Pinapataste test ko lang sa mga kapatid mo" Nakangiting sagot ni Rowan

Napakunot tuloy ang kanyang nuo

Matagal na niyang nakikita ang tatak ng fried chicken na iyon na namamayagpag sa buong Pilipinas. Impossible namang pagmamay-ari iyon ng nobyo niya? Samantalang noong isang araw lamang ay wala pa itong matinong ginagawa sa buhay nito, ni wala nga itong matinong trabaho.

Nag-uumpisa na talaga siyang maghinala na tama ang iniisip ni Maylene.

Ibang tao ang kasama niya ngayon. Ngunit binalewala nalang muna niya ang mga pagdududa niya dahil nasabihan na siya ng kanyang tatay na sumalo na sila ni Rowan sa hapagkainan.

Parang fiesta tuloy para sa mga kapatid niya lalo na kay buching. Tuwang tuwa ito sa pagkain ng fried chicken. Halos buto nalang ang itinira nito dahil simot sarap talaga nito ang kawawang manok

Masaya ang naging pagsasalo nila sa tanghalian na iyon.

Nagugulat rin siya dahil marunong palang makisama ang tatay niya at ang tita Gina niya kapag may bisita siya. Marunong ang mga itong magpakita ng magandang asal sa harap ng bisita nila.

Tuwang tuwa naman ang mga kapatid niya sa nobyo niya dahil mabait daw ito.

"Ano yan?"

"Pinasusulat po kami ni kuya pogi ng mga hiling namin. Kung ano raw po ang gusto naming regalo" Sagot ng kapatid niyang si Andrea. May hawak itong isang bond paper at ballpen.

"Ano kamo?" Kunot nuong tanong niya

"Sabi ng nobyo mo ate isulat raw namin ang mga gusto naming ipabili sakanya. Teka, Ako naman Andrea ang dami na niyang nasulat mo ha!"

Inaagaw naman ni Althea ang ballpen sa kapatid niya.

"Tigilan niyo yan. Nakakahiya kay Rowan. Anu ba naman kayo--"

"Sabi ni kuya pogi huwag daw kaming mahiya kung ano ang gusto namin isulat lang daw namin-Ate ibalik mo samin yan!"

Inagaw na niya ang bondpaper na sinusulatan ng mga kapatid niya. Halos umakyat sa kanyang ulo ang lahat ng kanyang dugo sa mga nabasa niyang nakasulat sa bond paper na iyon

Gusto ko po ng barbie
Gusto ko po ng kotse
Gusto ko po ng maraming pagkain
Gusto ko po mag disney land
Gusto ko po ng house and lot
Sana po bigyan niyo ng maayos na trabaho ang ate ko at ang tatay ko
Sana po bigyan niyo kami ng one million pesos
Sana magka-baby na kayo ni ate

Nalukot niya ang papel pagkatapos niyang basahin ang mga hiling ng kanyang kapatid

"Anong tingin niyo sa boyfriend ko si santa-claus? Kailan pa kayo natutong manghingi--"

"Hey.. Ako ang nag-utos sakanilang isulat yan.."

Naputol ang pagsasalita niya ng agawin ni Rowan sakanya ang papel na nilukot niya.

"Bakit mo sila inuutusan abusuhin ka? N-Nakakahiya sayo. Mga bata pa sila at hindi nila alam ang mga isinulat nila diyan"

Napapangiti naman si Rowan habang binabasa nito ang nakasulat sa lukot lukot na papel na iyon

"Sino nagsulat ng huling wish?" Nakangiting tanong ni Rowan sa mga kapatid niya

Hindi man lang nito pinansin ang pag-sesermon niya sa kanyang mga kapatid

"Ako po!" Sabi ni Althea

"Gusto mong magka-baby kami ng ate mo?"

Nanlaki ang kanyang mata sa sinabi ni Rowan. Nagtawanan naman ang mga kapatid niyang pilya

"Opo kuya para magkaroon na kami ng bagong baby. Nagsasawa na kami kay buching" Inosenteng sagot ni Althea

Sa sobrang hiya niya kay Rowan ay minabuti na niyang lumabas muna ng kanilang bahay.

Ngunit napa-pasok siyang muli dahil napakarami palang chismosa sa tapat ng bahay nila na nag-aabang sakanila.

"Ano nagtataka kana rin no? Sa palagay ko napalitan yang jowa mo"

Nilingon niya si Maylene sa gilid ng kanilang bahay. Nakaupo ito doon habang nagkakape.

"P-Parang hindi nga siya si Rowan." Pag-amin niya

Nagtataka kasi siya sa mga kinikilos nito. Bakit napaka-bait nito at pagtinititigan niya rin ito ay para bang mas lalo itong gumwapo ngayon. Hindi lamang dahil sa bagong gupit ang buhok nito kundi may kakaiba talaga itong taglay na charm kaysa noon.

Sa tuwing nahuhuli siya nitong nakatingin ay napapatalon nito ang puso niya. Hindi pa niya naranasan iyon kay Rowan noon. May kakaibang kislap kasi sa mga mata nito na para bang nanghihigop ito ng lakas

The is a powerful tension between them.

"Gusto mo ako magtatanong sakanya?"

"Paano?"

"Bukas pag-uwi natin. Akong bahala" Sabi ni Maylene sakanya

Tumango lamang siya bilang pagsang-ayon.

Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya. Paano nga kung hindi ito si Rowan? Paano na niya ito haharapin? Ipinakita na niya dito ang buong katawan niya at nahalikan na siya nito noong isang gabi
 
Bigla tuloy siyang nakaramdam ng hiya. Sinilip niya si Rowan, mukhang nag eenjoy naman itong makipag-usap sa mga kapatid niya

Nagpaalam nalang tuloy siya sa kanyang tatay na uuwi na rin agad sila ngayon sa maynila. Naunawaan naman nito dahil wala rin daw pwesto para sa nobyo niya. Wala itong matutulugan na matino kundi ang banig lamang.

Todo pasasalamat ang tatay niya kay Rowan bago sila umalis ng kanilang bahay. Kaya naman may duda siyang binigyan nito ng pera ang tatay niya.

"Magkano ang ibinigay mo kay tatay?" Basag ni Angela sa katahimikan nila habang bumabyahe sila pabalik sa maynila

"It doesn't matter--"

"Magkano?"

Sa tingin niya kanina pa nararamdaman ni Rowan ang pagiging seryoso niya.

Bumuntong hininga ito

"Fifty thousand" Maiksing sagot nito

"Ano?!" Sabay pa nilang tanong ni Maylene kay Rowan

Hindi kumibo si Rowan

"Itigil mo muna ang sasakyan sa gilid at may itatanong kami sayo" Hindi na matiis ni Maylene ang sarili nito

Sinunod agad nito ang pinsan niya. Itinabi muna nito sa gilid ang kotse bago ito humarap sakanya.

"Ikaw ba talaga si Rowan o ikaw ang kakambal niyang lalake?" Lakas loob na tanong ni Maylene dito

"W-What?" Biglang nagbago ang expresyon ng gwapong mukha ni Rowan. Para bang kinabahan ito.

"Sagutin mo kami ng katotohanan. Huwag kang magsisinungaling! Akala mo ba hindi namin mapapansin ang malaking pagkakaiba niyo ng nobyo nitong pinsan ko?"

Tinignan siya ni Rowan sa kanyang mga mata. Hayan nanaman ang kakaibang tibok ng kanyang puso sa tuwing titingin ito ng ganoon

"Ikaw ba talaga si Rowan?" Tanong niya sa kabila ng pagkalabog ng kanyang puso

"Sumagot ka. Ikaw ba si Rowan? Impossible kasi dahil napakalayo ng ugali niyo. Kilala ko ang hudas na kapatid mo. Malayo palang ay kumukulo na ang dugo ko sakanya pagnakikita ko siya. Hindi ko iyon nararamdaman saiyo kaya alam kong hindi ka si Rowan" Pangungumbinsi pa ni Maylene upang umamin lamang ito

Huminga ito ng malalim bago ito napabuntong hininga

"Fine." Pag suko nito bago siya nito tinitigan ng deretso sa kanyang mga mata

"I'm not Rowan" Pag-amin nito

Kahit inaasahan na nila iyon ni Maylene ay tila bomba parin iyong sumabog sa harapan nila.

Napakurapkurap si Angela habang nakatingin sa gwapong mukha nito.

"I'm Rohan. Kakambal ako ni Rowan.." Seryosong pag-amin pa ulit nito. Napansin niyang may pag-aalala ng kaunti sa mga mata nito habang nakatingin sa reaksyon niya

"M-Manloloko ka?" Halos pabulong lamang niya iyong nasabi habang nakatitig siya sa mga mata nito

"No. Hindi ko pinlanong magpangap bilang si Rowan. He asked for it. Lumapit sakin si Rowan para magpangap bilang boyfriend mo dahil hindi niya magawang makipaghiwalay sayo"

Mas lalo yata siyang nabinge sa mga sinasabi nito.

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"He wanted to end your relationship thru me"

Hindi siya makapaniwala sa sinabing dahilan ni Rohan sakanya.

"Anak talaga ng demonyo yang kapatid mo no? Wala ba siyang bayag para gamitin ka pa sa pakikipaghiwalay sa pinsan ko?" Galit na tanong ni Maylene dito

"I'm sorry. Ako na ang humihingi ng tawad sa nagawa ni Rowan sayo. Sorry rin kung nagpangap parin ako--"

"B-Bakit nagpangap ka parin?"

Tila nawalan naman ito ng maidadahilan sakanila. Bumuntong hininga lang ito bago ito yumuko.

"I'm sorry"

Katahimikan ang namayani sakanilang tatlo.

"Ibaba mo nalang kami sa susunod na bus-stop sasakay nalang kami ng bus" Pinahid niya ang kanyang luha na dumaloy sa kanyang pisngi

Tahimik lang itong nagsimulang magmaneho muli. Ngunit nilagpasan lang nito ang bus stop.

"Sabi ko ibaba--"

"No. Ihahatid ko na kayo sa boarding house niyo mag-gagabi na baka mapano pa kayo ng pinsan mo"

Hindi na siya nakipagtalo pa kay Rohan. Ang impostor niyang nobyo!

"Nasaan ang kapatid mo? Bakit ikaw pa ang nakikipaghiwalay sakin? Eh hindi naman ikaw ang nobyo ko" Medyo may halong galit na sambit niya

Hindi ito kumibo ngunit tinignan siya nito. Wari bang may pagtatampo ng kaunti sa paraan ng pagtingin nito sakanya

Napa-ismid siya

"Samahan mo ako bukas sa kapatid mo. Huwag mong sasabihin sakanyang alam ko na ang mga kalokohan niyo"

Napataas naman ang kilay ni Maylene sa likuran. Nais sana nitong tuksuhin si Angela dahil gumagawa yata ito ng paraan para makasama pa si Rohan.

Ngunit pinili nalang ni Maylene ang tumahimik sa likuran ng kotse dahil nakakatensyon ang mga kaganapan

"Bakit ka ba pumayag sa kapatid mo?" Di mapigilang tanong ni Maylene kay Rohan

"Dahil kinukulit niya ako. Naawa rin ako sa girlfriend niya kaya mabuti pa nga hiwalayan na niya kaysa lokohin niya"

"Lokohin?"

"Problema niyong dalawa iyon. Ayokong manghimasok--"

"Anong ibigsabihin mong lokohin? Niloloko ba ako ni Rowan kaya gusto na niyang makipaghiwalay sakin?" Garalgal na ang boses ni Angela sa pagtatanong kay Rohan

"Pag-usapan niyo nalang dalawa--"

"Nako ikaw na magsabi dito sa pinsan ko para magising na ito sa katotohanan na kalahating demonyo at kalahating tarantado ang nobyo niya" Pagpupumilit pa ni Maylene

Bumuntong hininga si Rohan

"Fine. Nangbababae si Rowan kaya pumayag ako sa gusto niya. Nang makita ko ang picture ni Angela naawa ako. Plano ko lang sana hiwalayan siya bilang si Rowan pero things turns out to be different"

Napalunok naman si Angela ng maalala nito kung ano ang ibig sabihin nito sa sinabi nito "Things turns out to be different"

"Nagbago ang isip mo ng makita mo ang magandang hubog ng katawan ng pinsan ko at mahalikan mo siya ano?" Pang-aasar ni Maylene kay Rohan kaya naman napapreno tuloy ito ng wala sa oras

"Ay kalabaw!" Sabay pa nilang tili ni Maylene

"S-Sorry. Kung ano ano kasing sinasabi ng pinsan mo" Namumula ang pisngi ni Rohan ng muli itong magmaneho

Uminit rin tuloy ang kanyang mga pisngi at tenga dahil hindi niya maiwasan maalala ang matamis na paghahalikan nilang dalawa

"Panay pa ang halik mo sa kamay ng pinsan ko kanina. Kung di ka pa namin nabuking baka nag-eenjoy ka pa sa pagpapangap no? Type mo ang pinsan ko no?" Panunukso pa ni Maylene sakanilang dalawa

Pareho tuloy silang hindi makatingin sa isat-isa. Samantalang tawa naman ng tawa ang pinsan niya sa likod ng kotse

"Baka kayo ang magkatuluyan niyan ha?" Tukso pa ulit nito

Tinignan niya ng masama si Maylene kaya doon palang ito tumahimik. Sobrang pulang pula na rin tuloy ng mga tenga ni Rohan sa mga oras na iyon

Aaminin niyang kinikilig tuloy siya pag naiisip niyang sinadya nitong halikan siya noong isang gabi.
 
Nang makarating sila sa tapat ng boarding house ay nagpasalamat parin sila sa paghatid nito sakanila. Naunawaan naman ni Maylene na nagawa lang ni Rohan ang lahat dahil sa awa nito kay Angela.

"Rohan salamat sa pag-amin mo samin. Kaso paano ba yan wala ka ng instant jowa? Ligawan mo nalang tong pinsan ko--"

"Maylene tumigil ka nga diyan. H-Hindi pa kami hiwalay ni Rowan."

Nawala naman ang ngiti ni Maylene sa sinabi niya

"Hindi ka parin natatauhan? Talagang ipipilit mo parin ang relasyon mo sa ugok na yon?" Di makapaniwalang tanong ni Maylene sakanya

"Hangat hindi mismo kay Rowan nang-gagaling na hiwalay na kami, hangat hindi nakikita ng dalawang mata ko ang ginagawa niyang panloloko sakin, mananatili akong nobya niya. Salamat sa paghatid at pag-amin mo samin Rohan. Kalimutan mo nalang sana ang nangyari noong isang gabi. Babayaran ko unti-unti ang fifty thousand na ibinigay mo sa tatay ko. Ayokong magkaroon ng utang saiyo."

Iyon lang ang sinabi niya bago siya lumabas ng kotse ngunit bago siya lumabas ay hinawakan ni Rowan ang isang braso niya

"How about us?" Seryosong tanong nito

Kumunot ang nuo niya sa tanong nito

"W-Wala namang tayo Rohan. Nobya parin ako ng kapatid mo."

Hindi niya alam kung namamalikmata lang siya sa nakita niyang sakit na dumaan sa mga mata nito bago siya nito binitawan. Nagmadali na siyang pumasok sa loob ng boarding house bago pa man siya mawala sa kanyang sarili

"Taray. Pakipot lang konti yang pinsan ko. Type ka rin niyan." Tinapik naman ni Maylene ang balikat ni Rohan

"Don't worry mas boto ako sayo kaysa sa kakambal mo. Kung type mong jowain ang pinsan ko akong bahala sayo" Nakangising sabi ni Maylene kay Rohan

Hindi man lang ngumiti ang binata dahil nasaktan yata ito sa mga salitang binitawan ni Angela

"O paano salamat sa paghatid mo samin. Bukas alas diyes sunduin mo na ang pinsan ko, samahan mo raw siyang puntahan ang kapatid mo"


My Twin Brother's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon