Chapter 32

2K 181 21
                                    

Chapter 32

"Pinagpapawisan ka Gela. Do you want water?" Nag-aalalang tanong ni Buknoy sakanya habang nakaupo sila sa table kung saan sila nakalista.

Sino ba namang hindi pagpapawisan at kakabahan. Nang malaman niyang inilagay siya ni Maylene sa mismong table ng pamilya ni Rohan ay labis na ang nerbiyos na naramdaman niya

Halos manlaki ang mata niya kanina ng sabihin sakanya ng babaeng taga-ayos ng guest list na doon daw sila sa table number two naka-lista kung saan makakasama niya ang pamilya ng groom!

Maldita talaga kung paminsan minsan ang pinsan niyang iyon dahil sinadya yata nitong pagsamahin sila ni Rohan sa iisang lamesa.

Hindi niya alam kung paano niya ito pakikiharapan sa muli nilang pagkikita lalo na't mag sasama pa sila sa iisang lamesa! Ngayon palang ay sinisilihan na ang puwet niya at parang gusto na niyang umuwi

Dumagdag pa sa kaba niya ang parents ni Rohan. Mula ng maghiwalay kasi sila ni Rohan ay hindi na niya muling nakausap o nakita ang mga ito. Kinakabahan siya dahil alam niyang nalaman ng parents nila Rohan ang pagtatanan nilang dalawa noon at ang pag-aaway ng kambal dahil lamang sakanya

Nag-uumpisa ng magdatingan ang mga bisita sa loob ng reception hall ng isang sikat na hotel sa bansa na pagmamay-ari ng pamilyang hoffman kung saan gaganapin ang selebrasiyon ng kasal ni Maylene at Rowan

Naririnig na niya ang malakas na pagtibok ng kanyang puso habang hinihintay nila ang pagdating ng mga makakasama nila sa table na iyon

Panay ang tingin niya sa entrance door kung saan nagpapasukan na ang mga bisita. Halos lahat ng mga ito ay kamag-anak nila Rowan. Nag-gwagwapuhan at nag-gagandahan ang lahi ng mga ito

Ngunit hindi niya masyadong ma-appreciate ang mga ito dahil sa kabang nararamdaman niya

Paano kung kausapin niya ako? Sasagot ba ako? Paano kung hindi niya ako kausapin? Baka masaktan ako. Ano ba yan. Maylene masasabunutan talaga kita! -- Sigaw niya sa kanyang isip

"You look pale.. Ayos ka lang ba?" Tanong muli ni Buknoy sakanya bago nito hinawakan ang kanyang kamay na nanlalamig na

Bahagya pa nitong pinisil iyon

"P-Pahingi nga ako ng tubig Buknoy. Kinakabahan ako.." Pag-amin niya sa binata. Napabuntong hininga ito dahil tama ang hinala nitong kinakabahan siya sa magiging pagkikita nila ng nag-iisang Rohan Hoffman

Binigyan siya ng tubig ni Buknoy. Habang hinahaplos nito ang likuran niya. Ito pa mismo ang humahawak ng basong iniinuman niya dahil alam nitong nanginginig siya. Ramdam niya ang kamay ni Buknoy na humahagod sa likod niya dahil backless ang suot niyang dress sa araw na iyon. Medyo sexy nga masyado ang damit at halatang sinadya talaga ng pinsan niyang ganoon ang maging suot niya sa unang paghaharap nilang dalawa ni Rohan

Mabuti nalang at hindi naman malamig sa loob ng hotel dahil halos hubot hubad na ang likod niya. Idagdag pang mababa masyado ang neckline ng dress na iyon kaya halos kalahati yata ng dibdib niya ang nakalitaw

"Relax Gela. Don't worry kasama mo ako" Bulong pa ni Buknoy sakanya upang kumalma siya

Sa isang banda naman ay kitang kita ni Rohan at ng pamilya nito ang napakasweet na sitwasiyon nilang dalawa ni Buknoy. Lalo na ng bulungan siya ni Buknoy ay inaakala ng mga ito na hinalikan ni Buknoy ang pisngi niya at isa silang masayang magkarelasyon na naglalambingan

Hindi nila napapansin na naroon na sa tapat ng kanilang lamesa ang binata katabi ng babaeng kapatid nito at ng magulang nito habang nakatingin sakanilang dalawa ni Buknoy

Nanlaki nalang ang mata ni Angela ng makita niya ang mga ito na nakatingin na sakanila!

Mabuti nalang at nalunok na niya ang tubig sa kanyang lalamunan dahil kung hindi ay malamang naibuga niya iyon sa sobrang gulat niya!

Ackwardness ang namagitan sakanila dahil seryosong seryoso ang gwapong mukha ni Rohan na bahagyang nakakunot ang nuo nitong nakatingin sakanila

Saglit na nagtama ang kanilang paningin ni Rohan ng mga sandaling iyon

It's been three fucking years!

Pero ganoon parin ang epekto ng mga mata nito sakanyang katawan sa tuwing titignan siya nito

Nakakapangnginig ng laman ang paraan ng pagtingin sakanya ni Rohan na hindi niya maipaliwanag kung anong emosyon ang nais nitong ipakita sakanya

Siya ang naunang nag-iwas ng tingin kay Rohan dahil hindi niya kinakaya ang pagkakatitigan nilang dalawa. Bakit kaya mas lalo pa itong gumwapo sa pagdaan ng panahon?!

"H-Hello hija ikaw pala iyan. Nice to see you again" Nahihiya tuloy na ngiti ni Mrs.Hoffman sakanya bago siya nito lapitan at makipagbeso beso sakanya

Saglit siyang nahiya dahil nauna pa talaga si Mrs.Hoffman bumati sakanya. Nakahinga siya ng maluwang dahil mukhang hindi naman ito galit sakanya

"H-Hello rin po tita. Nice to see you again po" Nahihiyang sagot niya kay Mrs.Hoffman

Ngumiti ito at saglit na ngumiti kay Buknoy.

"Nobyo mo hija?" Tanong agad ni Mrs.Hoffman sakanya

Lalong kumunot ang nuo ni Rohan ng mapatingin ito sa kamay ni Buknoy na humawak agad sa kamay niya

"Opo boyfriend po ako ni Gela. I'm Tyron" Pakilala ni Buknoy sa sarili nito. Nakipagkamay pa ito sa nanay ni Rohan.

Napalunok nalang siya

Iyon naman kasi talaga ang inutos ng tatay niya kay Buknoy. Ang magpangap na nobyo niya sa kasal na iyon upang hindi siya mapahiya

"Glad to see you again hija.." Napatingin naman si Angela kay Mr.Hoffman humalik rin ito sa pisngi niya. Ikinagulat niya iyon dahil hindi rin ito galit sakanya

"Glad to see you po again tito Ram" Masayang sambit niya dahil kahit papano lumuwag ang dibdib niya

"Sis! Ang tagal nating hindi nagkita! Namiss kita ate!" Nakangiting bati naman sakanya ni Ramona bago siya nito niyakap ng mahigpit. Napabitiw tuloy siya kay Buknoy at napayakap sa dalaga

Kakambal rin ito nila Rowan at Rohan. Mas lalo yata itong gumaganda! Napansin niya bilog na bilog ang tiyan nito. Buntis si Ramona. Mukhang kapanganakan na nito dahil sa laki ng tiyan nito.

"Namiss rin kita Ramona. Wow buntis ka" Hinawakan niya pa ang tiyan nito

Ang buong akala niya ay galit sakanya ang pamilya nila Rohan dahil pinag-away niya noon ang kambal. Ngunit kabaliktaran ang pakikitungo ng mga ito sakanya.

"Oo ikaw naman next.." Biro pa sakanya ni Ramona

Umiling siya. "Nako hindi na.. I mean hindi na muna" Muntik pa siyang madulas na hindi na siya magbubuntis pang muli

Umupo na ang mag-asawang Hoffman at kinakausap na ng mga ito si Buknoy mukhang magiliw talaga si Mrs.Hoffman kahit kanino dahil mabait rin ito sa pakikipag-usap kay Buknoy. Naririnig niyang pinag-uusapan ng mga ito kung taga saan si Buknoy.

"Ate nahuhulaan ko mabubuntis ka this year eh" Biro ni Ramona sakanya kaya kinilabutan tuloy siya

Ayaw niya ng mabuntis dahil ayaw na niyang magkamali muli.

Tinawanan nalang niya ang sinabi ng dalaga.

Binabalewala niya ang presensya ni Rohan na alam niyang nakatingin parin sakanya.

"Teka ate naiihi ako. Ang haba naman kasi ng seremonyas ng paring nagkasal kila Rowan eh. Nasaan ba ang Cr ate?" Tanong ni Ramona sakanya

"Naroon." Itinuro naman niya ang pinakamalapit na CR dahil nag CR na siya doon kanina ng magretouch siya ng kanyang makeup. Nasira kasi ang makeup niya kanina ng umiyak siya sa simbahan

"Osige ate maiwan ko muna kayo" Nagmamadali ng pumunta si Ramona sa CR na itinuro niya

Uupo na sana siya ng bigla siyang lapitan ni Rohan at hawakan pa nito ang siko niya upang bigyan siya ng halik sa kanyang pisngi!

Did he just kissed her cheeks?!

Nakipagbesobeso ito sakanya katulad ng ginawa ng tatay nito sakanya kanina! Mabilis lang iyon kaya hindi siya nakaiwas o nakapaghanda sa ginawad nitong halik sa kanyang pisngi

Ramdam niya ang mainit nitong labi na parang naiwan pa sa kanyang pisngi ang init niyon

"It's nice to see you again.."

Halos kumawala sa ribcage niya ang kanyang puso ng dahil sa sinabi ni Rohan. Napakaganda parin ng baritonong boses nito. Marinig palang niya ang boses nito ay nangangatog na ang tuhod niya isabay pa ang naging pagbati nito sakanya

After all those years na tinalikuran siya nito. Hindi niya napaghandaan ang gagawin at sasabihin nito sakanya. Ni-hindi niya naisip na makikipagbeso beso ito sakanya sa muli nilang pagkikita na para bang hindi siya nito iniwanan sa ere noon!

Agad naman siyang inakbayan ni Tyron dahil nakita nito ang paghalik ni Rohan sa kanyang pisngi

Saglit nagtagisan ng tingin ang dalawang lalake bago siya paupuin ni Buknoy. Hindi kasi siya nakapagsalita dahil sa kabiglaan

"Babe maupo kana.." 

Napalunok siya at nag-iwas nalang siya ng tingin kay Rohan bago niya sinunod si Buknoy. Umupo siyang muli sa kinauupuan niya.

Makahulugan naman nagtinginan ang mag-asawang hoffman dahil nagulat rin ang mga ito sa naging halik ni Rohan sa kanyang pisngi

Napaka-ackward naman kasi na hahalikan siya nito sa kanyang pisngi pagkatapos ng tatlong taon itong nawala na parang bula

Hindi niya maunawaan kung kikiligin ba siya o maiinis sakanyang sarili.

Umupo rin si Rohan sa mismong tabi pa niya. Lalo tuloy lumakas ang pagtibok ng kanyang puso. Sa dami pa kasi ng bakanteng upuan ay talagang sa tabi niya pa ito umupo.

Tahimik lang ito habang nakikinig sa pag-uusap ni Buknoy at ng magulang nito

"Ah so magkababata pala kayo nitong si Angela? How sweet naman parang kami nitong mister ko. Alam niyo bang mag-best friend kami noon? Tapos nauwi rin sa totohanan" Kinikilig pang kwento ng ginang

Napapangiti naman si Mr.Hoffman dahil naaalala nito ang love story ng mga ito.

Samantalang blangko naman ang expresyon ng mukha ni Rohan habang nakikinig sa usapan.

"Opo magkababata kami ni Gela. Bata palang kami nililigawan ko na siya kaya masaya ho kami dahil kami rin pala sa bandang huli.." Pag kwento pa ni Buknoy sa mga ito

"Masaya kami para sainyo. Pero alam mo bang ex-fiancè ng anak ko si Angela kaya malapit sa puso ko ang batang iyan. Nakakalungkot nga lang dahil hindi sila nagkatuluyan--"

"Mom" Putol ni Rohan sa kinukwento ng mom nito

"Why? Hindi naman ikaw ang ikinukwento ko ha? Si Rowan ang kinukwento ko no" Patay malisyang sambit ni Mrs.Hoffman sa anak nito

Napabuntong hininga lamang si Rohan dahil kilala nito ang ginang na may laman ang kwento nito

"As i was saying, Dating fiancè ng anak ko si Angela kaya ikaw Tyron huwag mong aalokin ng kasal itong batang ito kung wala kang lakas ng loob ituloy ha?"

Napaubo tuloy si Angela dahil sa sinabi ng ginang kay Tyron. Mukhang pinariringan kasi nito ang sariling anak nito

"Ofcourse. Si Angela lang po ang gusto kong maging asawa mula pa noon" Nakangiting ganti naman ni Buknoy bago nito hinawakan ang nanlalamig niyang kamay

"That's good Tyron hijo, Kasi alam mo ang kasal hindi yan basta basta inaalok sa taong iiwanan mo lang pala sa bandang huli. Kasi pag ginawa mo iyon baka magsisi ka dahil ang babaeng papakasalan mo sana noon pagmamay-ari na ng iba ngayon" Maldita pang tumawa ang matandang babae dahil kitang kita nito ang pagdilim ng mukha ni Rohan

Tila tinatamaan ito sa mga patama ni Mrs.Hoffman

Ngayon ay naiintindihan na ni Angela kung bakit hindi galit sakanya ang pamilya ni Rohan. Marahil naunawaan nitong siya ang biktima sa nangyari noon

"I will never do that to her tita. Alam ko kung gaano kahalaga si Angela sa buhay ko. I will never let her go" Pagkasabi ni Tyron sa huling salitang sinabi nito ay tumingin ito kay Rohan

Muling nagsukatan ng tingin ang dalawang lalake na animoy nag-aaway ng palihim

Matatalim ang tingin ng mga ito sa isat-isa

"Bukno--I mean babe mukhang gutom kana. Kumuha na muna tayo ng pag-kain" Pag-iiba niya sa usapan at pasimpleng pinanglakihan niya ng mata si Buknoy dahil sumosobra na yata ito sa pagpapangap bilang nobyo niya

"Siguro ng babe." Nakangiting sagot nito sakanya

"Tita, Tito kukuha po muna kami ng makakain" Paalam niya sa mga ito. Ni hindi niya tinitignan si Rohan sa kanyang tabi dahil alam niyang pagtinignan niya ito ay baka manghina siya

"Go ahead hija. Kukuha na rin kami ng food pagbalik ni Ramona" Nakangiting sambit ni Mrs.Hoffman

Magkahawak kamay pa silang umalis ni Buknoy sa table na iyon.

ROHAN POV

"What was that mom?" Medyo galit na tanong ni Rohan sa mama nito pagkaalis ng dalawa

"What?" Maang-maangan nitong tanong

"I'm not stupid. Alam kong ako ang pinaparingan mo mom. Can you please don't do it infront of them?"

Tumawa ang mama ni Rohan at natatawa rin ang daddy niya

"Stop being coward anak. Kung mahal mo ipaglaban mo. Noon nga inagaw mo sa kapatid mo pa eh ngayon pa kaya? Hindi pa naman sila kasal eh" Maldita pang payo ng mama niya sakanya

"Ilang beses ko bang sasabihin sainyo na hindi nga kami para sa isat-isa" Mahina pero mariin na sambit ni Rohan sa makulit na nanay nito

"Edi hindi. Magtiis ka nalang makita si Angela na may iba ng lalakeng magiging asawa soon"

Parang may pumiga sa puso ni Rohan sa mga sandaling iyon. Sa loob ng tatlong taon ay wala siyang ibang inisip kundi ang babaeng iyon lamang. Kahit pa iniwan niya ito noon, araw araw naman niyang iniisip ang dalaga. Sa katunayan nga mula ng maghiwalay sila ay hindi na siya muling nakipagrelasyon pa sa ibang babae. Nakukuntento na siyang mahalin ang dalaga kahit pa sa panaginip nalang niya ito nakakasama

Kinakain siya ng kanyang konsensya sa pagkamatay ng nanay nito. Hindi niya mapatawad ang sarili niya kaya't siya na mismo ang dumistansya sa babaeng pinakamamahal niya.

Ang buong akala niya ay kakayanin niya itong mawala ng tuluyan sa buhay niya lalo pa't tatlong taon na niyang tinitiis ang hirap at pangungulila dito.

Ngunit ngayong nakita na niya ito muli at may iba na itong nobyo ay parang sinasaksak ng paulit ulit ang puso niya.

Maybe it's better for him. Mas maganda na sigurong may ibang lalake na sa buhay ni Angela. Hindi katulad niyang duwag at walang lakas ng loob.

"I'm h-happy for her. She deserves to be happy" Sambit niya bago siya nag walk out sa table nila upang tumungo sa bar counter ng reception hall. Napanganga lamang si Mrs.Hoffman.

Nais niyang uminom ng alak upang mawala ang kirot sa kanyang dibdib.



My Twin Brother's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon