Chapter 3

1 0 0
                                    

"What's the feeling na fourth year ka na?" Ate Perry ask and sit down in front of me.

"Okay lang," kibit-balikat ko'ng sagot "I'll be your teacher in science."

"Alam ko, Lindzy told me. I have a favor.." sabi ko kaya boung atensyon niya ay na'sakin na.

"Treat me as your student, makipag-usap ka lang sa'kin if it's related sa school-"

Tumigil ako sa pagsasalita ng tumawa siya, agad nagsalubong ang kilay ko don.

"What so funny?"

"Your being paranoid. Of course I'll treat you as my student," sagot niya "Okay, fine. I just want to be careful, ayoko na baka isipin ng iba na may bias sa klase mo. Ayoko magkaroon ng issue kagaya ng kay Lindzy at sa Mommy niya."

Ever since, I moved here in Mahayag. Back in my Elementary days, we're on a same school with my Nanay. Don siya nagtuturo at don din ako nag-aaral, she's famous in that school because of her works and achievements.

She was a grade two teacher and I was grade three. All the teachers knew me and their treatment towards on me somehow different from the others. Hindi ako komportable don lalo na nong isa sa mga kaklase ko ang nagsabi na kaya lang ako nasa first section at napabilang sa kanila ay dahil teacher si Nanay.

Ever since then I don't want to interact with her in school. She even scolded me for doing that. Sinasabi niya palagi na wag ko nalang daw intindihin yong mga sasabihin nila at ayusin ang pag-aaral ko.

Sobrang strict ng Nanay ko pagdating sa mga acads ko. I'm not like my classmates na pwede silang maglaro outside for the whole day, my Nanay teaches me to do household chores.

She even confiscated my phone at binalik niya lang sa'kin nong high school na ako. Hindi niya rin ako sinasama sa ibang lugar kapag pinupuntahan siya so, bahay to school, school to bahay lang ako dati.

Kaya sanay ako na magkulong sa bahay at kwarto ko. Most of the time ay naging KJ ako. Kapag gusto niya ako'ng isama sa pupuntahan niya ay umaayaw ako, mas bet ko nang matulog at magkulong sa kwarto boung araw kaysa sa gumala.

Kaya nagtatalo kami don, pero ngayon naman ay gumagala na ako. Pinapayagan niya na ako basta may curfew lang at sumusunod sa usapan na pinagkasunduan namin para walang trouble. 

Monday came at totoong klase na "Ano lesson natin ngayon sa Math?" tanong ni Trisha.

"Ewan, nakakatakot ka ah, nag-advance study ka no?" tanong ni Lee.

"Hindi ah, kinakabahan ng ako eh, sure ako di ko yon mage-gets," natawa ako sa sinabi niya "Madali lang yan! Nandyan si, Jake, si Lee, si Trisha tsaka si Gati!"

Parang masaya pa siya sa plano niya ah.

"Ang layo kasi naman ni Lindzy tsaka si Lyrem, Gae, Khan at kung sino pa na magaling sa Math jan. Daming matatalino sa line mo oh."

"Parang mahirap kausap ang mga yan, tsaka malayo. Share kayo ah, share your blessings kahit malayo pa yong pasko," dagdag niya pa.

"Hindi nga kami marunong," diin na ani ni Lee kaya natawa kami ni Reyna.

"Sige na, Thia kayo jan, may Therese, may Chareese, tsaka ikaw, si Jake. Hoy, Reyna share ka ha," nagsalubong ang kilay ni Reyna sa sinabi ni Trisha.

"Gagi, hindi nga ako magaling sa Math eh, tapos manghihingi ka pa. 'Muntanga."

Natawa kami ulit dahil sa reaksyon niya.

"Oy, anjan na si Ma'am. Yong plano ah."

"Unang araw ng seryosong klase yan ang iniisip mo, Trisha!" singhal ni Gae kaya natawa kami pero agad ring tumahimik dahil pumasok na si Ma'am.

(IMPERIAL SERIES 1) EverythingWhere stories live. Discover now