Chapter 19

2 0 0
                                    

Yong pagiging talkative ko ay biglang nawala. Para ako'ng aso na biglang bumihave dahil pinagalitan ng amo. Nakatayo lang ako at nakatingin sa pan de coco na hawak ko tapos sila ang ingay nila.

Tumingin ako kay Aadam na nahuli ko'ng nakatingin sa'kin, tinitigan ko lang siya at ganon din siya sa'kin. Hindi siya ganon katagal pero umiwas na ako ng tingin sabay ngiti, hindi ko na kasi napigilan. Nagulat pa ako ng umalis sina Rica at Jenny sa tabi ko.

Sinundan ko pa sila ng tingin at nakita ko ang pag-sipa ni Rica sa sapatos ni Aadam. Umayos lang ako ng upo don at humilig sa may railings "Hoy, Gati. Ba't ang tahimik mo?"

"Basta pala manalo sa debate no nagiging tahimik."

Inirapan ko sila at tinawanan lang ako ng mga kumag.

Napatingin ako kay Aadam ng lumapit siya at tumabi sa'kin. May espasyo naman sa pagitan namin pero hindi nagpatinag ang puso ko, sobrang lakas ng pintig non.

"Congrats ah." Napatingin ako sa kanya ng magsalita siya.

"Dalawang beses mo nang sinabi yan," pinigilan ko ang pag-ngiti ko nang sabihin ko yon "Unang beses, chat yon. Pangalawa, ngayon. I want to say it sincerely, halos lahat kasi bumabati sa 'yo at kay Jake."

Tinikom ko ang bibig ko habang tumatango-tango. "Thanks."

"Tama nga sila, magaling ka. Kaya kampante at may tiwala sila na mananalo ka."

Napatingin ako sa kanya "You doubted me no? Well.. okay lang, bago kapa kasi dito."

"Meron, may tiwala ako sa'yo lalo na't palagi kitang nakikita na may dalang bondpaper at ang hahaba ng laman non. Palagi kaya kitang nakikita," napangiti ako, napapansin niya pala.

"Yeah, kailangan."

"Hindi mo pa ba kakainin ang bigay ko sayo?" turo niya sa pan de coco na hawak ko "Ha? Eh, busog pa ako eh, lima kasi kinain ko neto. 'Sarap eh."

Tumawa siya sa sinabi ko "Favorite mo nga."

"Ha?"

"Ha?" panggagaya niya sa'kin inirapan ko siya at sabay kaming natawa.

"Hoy, Justine! Ba't ngayon ka lang?" tanong nila Jake kaya napatingin ako kay Justine na kakarating lang kasama sina Hailey at kaklase niya. May dala pa siya'ng banana cue at lemon juice na naka-pouche.

"Hi, Ate!" bati neto sa'kin at nginitian ko siya, tumingin ako kay Justine na nakatingin rin sa'kin.

"Kumain ka na? Sorry ha, nakalimutan ko na bibilhan pala kita ng pagkain, inaya kasi ako nila Hailey eh," aniya at tumango lang ako. 

"Okay lang busog na ako, binilhan pa nga ako ni Aadam ng pan de coco oh," pinakita ko sa kanya ang bigay ni Aadam.

Nawala ang ngiti niya sabay tingin sa tabi ko. Tumunog na ang bell, hudyat na na tapos na ang 15 minutes na recess namin.

"Una na kami sa inyo ha?" sabi ni Aadam sa'min sabay tingin sa'kin. Nilagay niya ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.

Natatawang inalis ko ang kamay niya at umalis na sila.

"Akyat na kayo oy! Parating na si Ma'am Imperial!" Nauna ako'ng umakyat at hindi na pinansin si Justine at akmang lalapit sa'kin.

Habang nagpapaliwanag si Ma'am sa harap at sinenyasan ako ni Jenny na lumapit sa kanya "Tumingin ka lang kay Ma'am," bulong niya.

"Bakit?" bulong ko din.

"Nakita ko yon ah, of all people siya palang ang nakagawa non sa buhok mo. Naalala ko pa dati that you cursed Jesse for touching your hair."

Napatingin ako sa kanya, may nakakalokong ngiti na nakapaskil sa labi niya "That was before," sagot ko "Sus. Siya pa kaya ang nakagawa non sayo, pati nga kuha mo inaaway mo kapag hinawakan yang buhok mo eh."

I just give her a confuse look. Tama siya, ayoko na hinawakan ang buhok ko ng walang paalam sa'kin "Nakalimutan ko nga siya'ng awayin, ginulo niya pala ang buhok ko."

Tinawanan niya ako "May bina-backstab kayo jan no?" bulong ni Reyna na nasa likod ko kaya nilingon ko siya "Oo at ikaw yon," ani ko at inirapan niya lang ako.

Tapos na ang klase.

"Hoy, cleaners wag kayong umalis! Pati na rin jan sa hallway ang dumi-dumi na! Mag wax kayo jan!"

"Kaka-wax lang kahapon ah!"

"Edi mag-lampaso kayo!"

"YCAP cleansers, linisin niyo rin don. Matataas na ang mga damo, natatakpan na ang mga bulaklak don, wag niyong hintayin na si Ma'am pa ang mag-utos sa inyo na gawin yon!"

"Lindzy, Lindzy.. chill ka lang. Okay? Kalma, maglilinis kami." 

Natawa siya sa sinabi ko "Bilisan niyo jan ah, jamming tayo," aya ni Keith.

"May journal pa oy! Nag-chat si Ma'am sa GC natin malapit na contest, pratice daw."

Sabay-sabay na bumagsak ang mga balikat namin. Hindi naman kami lahat ang sumali sa journalism pero halos karamihan kasi kami sumali, ang iba English Journalism, ang iba Filipino Journalism at kabilang ako don. I joined editorial, hindi pa ako sigurado kung sasali rin ba ako sa pagiging anchor news.

"So in district level, dito gaganapin ang journalism. Next, next week. Three days, sa Miyerkules magsisimula." Sabi ni Ma'am na nagha-handle sa'min sa Filipino Journalism.

"Kaya ngayon, umuwi muna kayo. Gumawa kayo ng kahit na ano na naka-base sa kategorya na sinalihan niyo, dapat ay may maipasa kayo sa'kin kahit isang output lang. Taga-kuha ng larawan kayo din."

Binigyan lang kami ni Ma'am ng mga  topic and ideas. Bago kami umuwi ay pumili pa si Ma'am sa'min. Hindi ako nakinig pero ang alam ko lang ay ako ang pinili ni Ma'am maging Editor.

"Editor? Anong gagawin ko?"

"From the word edit- means taga edit ka. Shunga!" Ah. Taga-edit lang pala eh.

Paglabas namin sa silid ay nakita namin ang mga English Journalist na kakalabas lang ng library "Jen!"

English Cartooning ang sinalihan niya. She's good at drawing and sketching, she can even draw my face.

"Uwi na tayo? Wala ng tinda sa labas eh."

"Sige tara. May gagawin pa ako. Malapit na ang contest eh!"

Tumango lang ako, katatapos lang ng contest namin may contest na naman. Ano ba yan?!

Hindi kalayuan ay nakita ko si Aadam na naka-upo sa motor niya na parang may hinihintay "Lapitan mo!" wala na akong nagawa nang tinulak niya ako.

"Hi!" kabadong bati ko kay Aadam  na ngumiti naman kaagad.

"Tapos na kayo? Anong ginagawa niyo don?" tanong niya. Oooyyy, concern siya!

"Journalism eh, pinatawag kami. Ikaw? May hinihintay ka?" 

"Aamon went home already.. Ice cream?" bigay niya na hindi ko naman tinanggihan "Salamat."

"Nandyan ba ang manliligaw mo?" tanong niya, ngumiti ako sa kanya "Wala eh, umuwi na ata."

"Nag-paalam ba siya sa'yo?"

"Wala naman siyang obligasyon na mag-paalam siya sa'kin," ngiti ko'ng saad sa kanya.

Tumingin lang siya sa'kin at bumuntong-hininga "If that's me, hindi ako uuwi at hihintayin kita."




(IMPERIAL SERIES 1) EverythingWhere stories live. Discover now