Tumalikod na ako sa kanya. Hindi mawala ang ngiti ko, tinatakpan ko ang mukha ko dahil sa mga tao na nandito sa bahay.
Hanggang sa hapag-kainan ay pinipigilan ko pa rin ang pag-ngiti ko, kasama ko kasi si Kuya na kumakain ngayon "Good mood ka na?"
Biglang tanong niya, napatingin naman ako sa kanya "Bakit gusto mo'ng sirain 'mood ko?" pabalik ko'ng tanong sa kanya. Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain.
Aadam: may gagawin ka?
Chat niya sa'kin.
Gati: yeah, study ako for the debate this friday
Aadam: hala sige, aral ka na wag kang magpapa-distract
Natawa ako sa huling message niya at nag-aral nalang.
Para akong baliw dito, seryosong nagbabasa pero maya-maya ay bigla nalang ngumingiti. Lumipat nalang ako sa kwarto para walang makakita sa'kin kapag bigla akong ngi-ngiti.
Paglabas ko ng bahay ay nakita ko si Kuya na nagpupunas ng kotse niya "Kuya, wag mo na akong ihatid. Maglalakad ako," inunahan ko siya.
"Bakit?"
"Wala lang," sagot ko sabay kibit-balikat, hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at umalis na ng bahay. I was expecting Aadam outside, but he wasn't there. Okay lang, magkikita naman kami mamaya.
Habang naglalakad ay ina-alala ko ang nangyari kahapon, ang ganda ng nangyari kahapon.
Habang iniisip ang lahat ng yon ay nagulat ako ng gumaan ang timbang ng bag ko, si Aadam pala yon. Inangat niya ang pwetan ng bag ko kaya pala gumaan yon.
"Ang bigat ng bag mo, nakayanan mo'ng dalhin to araw-araw? Wala ka nga'ng dalang folder pero ang bigat naman ng bag mo," aniya na ikinatwa ko.
"Okay lang, may laptop jan eh. May reporting kami mamaya," sagot ko sa kanya.
Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad, yong kamay niya ay nasa bag ko pa rin. Tinignan ko siya pero agad ring nag-iwas ng tingin ng mahuli niya akong nakatingin sa kanya, tinignan ko siya ulit at ngayon ay siya naman ang umiwas ng tingin. Sabay kaming natawa sa ginagawa namin.
Then I decided to open a topic "How many girlfriends do you have?" biglang tanong ko na ikinagulat niya, natawa naman siya kaya kumunot ang noo ko.
"Bakit? What's so funny in my question?"
"Mukha ba ako'ng babaero?" I recall my question to him kanina "Ay, no! Wait... What I mean is-"
"Yeah, I know. Meron naman pero hindi masyadong nag-work," tumango lang ako.
"Ikaw. Bakit ang sikat mo sa school?" tanong niya, I shrugged my shoulders "Mhmm.. maybe dahil sa dami ng mga sinalihan ko'ng mga contest? I don't know.. but sometimes I feel like it because of my family in this place. Kilala eh, nasa politika sila, eh."
"Buti hindi ka kagaya ng iba," aniya "Actually.. nung nalaman ko na sasali sa politika yong Uncle ko.. umalis kaagad ako don," sabi ko sa kanya "Bakit naman?"
"Kasi maraming lumalapit, maraming napaparinig. Tsaka ayoko'ng madamay sa gulo, diba minsan may mga ganon sa politika," tumango siya sa sinabi ko sabay tango "Yeah, I understand. Ganon rin kami."
"Nasa politika ang Papa mo?" tanong ko sa kanya "Oo, barangay captain si Papa, kaya nga buti nalang dito sa Mahayag nagtuturo si Mama. Kami naman ay lumipat kaagad dito sa pag-aaral, meron ring nagpaparinig sa'min eh, tsaka ngayon nga may chismis na naman sila."
"Na ano?"
"Na sa susunod na eleksyon daw ay tatakbo si Papa," tumango tango ako sa sinabi niya.
Hanggang sa makarating kami sa school ay puro lang tungkol sa pamilya namin ang piang-uusapan namin, lalo na sa mga kapatid niya.
Paakyat na ako ng hagdanan ng school namin ng makasalubong ko si Jake "Okay na pala kayo, ah.." sabi niya na may nakakalokong ngisi sa labi niya.
Hindi ko siya pinansin at umakyat nalang papuntang room "Hoy, anong trip niyo kahapon ha. Ba't kayo nang-iiwan!" salubong ko'ng singhal sa kanila.
"Okay na ba kayo ni Aadam?" tanong ni Lindzy "Oo, ba't niyo natanong?" salubong na kilay ko'ng tanong sa kaniya at pumalakpak naman sila.
"Buti naman!"
"Nabitin pa ako sa kinain ko kahapon!"
"Dapat ngayon talaga kakain ako ng marami!"
"Oo nga, isang hot dog lang ang nakain ko kahapon!"
Salubong lang ang kilay ko habang nakikinig sa mga reklamo nila "Anong connect ng mga sinasabi niyo sa tanong ko?"
"Eh kasi... naki-usap si Aadam sa'min kung pwede ka ba daw'ng kausapin, tulungan daw namin siya. Kaya ayon, tinulungan na namin.. kawawa eh," paliwanag ni Trisha.
Kaya pala ganon ang mga asungot "Salamat sa inyo, ah.." sabi ko sa kanila "At dahil jan.. dapat ilibre mo kami! Yehey!" biglang sabi ni John na ikinagulat ko.
"Tama!"
"Mabuti pa!"
"Saan?"
"Seven eleven!"
"Wow, desisyon kayo 'no?" putol ko sa kanila "Sige na, Gati!" halos sabay nilang sabi kaya.. "Okay, fine!"
Naghiyawan sila.
Nagsimula na rin ang klase namin, sinabi rin sa'min ni Ma'am na mamaya daw ay hindi na namin kailangan pumunta pa ng library para mag-aral sa debate. Self study nalang daw kaya maaga ako'ng makaka-uwi mamaya.
Dumaan ang recess at lunch na magkasama kami ni Aadam, pag-uusap at kulitan lang ang ganap namin kasama ang mga kaklase ko. My classmates and him are comfortable on each other.
"Manlilibre sa'min si Gati mamaya sa seven eleven," pagmamayabang ni Renz kay Aadam "Talaga? Pwede ako'ng sumama?" paalam niya.
"Sige ba, pero di ka kasali sa libre," sabi ni Gae na ikinatawa namin. Ang ingay namin dito sa classroom ngayon.
"Mga 5 pm tayo pupunta mamaya, gusto ko pang umuwi," sabi ko sa kanila "Ang sabihin mo gusto mo lang na kasabay umuwi si Aadam!"
"Oo nga!"
"Maglalandian lang kayo sa daan!"
"Hahahahah!"
Gosh! Ang advance nilang mag-isip! Nung malapit ng mag-time ay bumaba na si Aadam papunta sa room nila.
Labasan na, hindi ko kasama si Aadam ngayon. May inutos kasi sa kanya ang Mama niya kaya ako lang mag-isang naglalakad ngayon, may ibang estudyante naman na umuwi na rin, hindi ko nga lang kilala.
Habang naglalakad ay napalingon ako sa likod ko ng may tumawag sa'kin.
"Gati!"
Si Danica ang tumawag sa'kin, patakbo siyang lumapit sa'kin at ng makarating na siya sa harap ko ay malaking ngiti ang nakapaskil sa labi niya. Ewan pero naiirita ako.
"Hi!"
Ngumiti lang ako sa kanya at naglakad lang ulit "Hoy! Sabay na tayong umuwi tutal magkaharap lang nama yong bahay natin," aniya, hindi ko siya pinansin.
"Hindi yata kayo magkasama ni Aadam ngayon?" biglang tanong niya.
Duh, obviously. May nakikita ka?
"May gagawin siya, utos ng Mama niya," sagot ko sa kanya "Ah, ganon ba. Palagi ko kayong nakikita na magkasamang umuwi at pumuntang school, ang close niyo 'no?" natawa pa siya ng konti.
"We're good friends," maikling sabi ko "Oo nga eh. Kaso kahapon nakita ko mukhang nag-aaway kayong dalawa," she said.
"We're good, okay kami," may diin ko'ng sabi.
"Gati.. magkaibigan kayo ni Aadam di'ba?" biglang sabi niya na ikinalingon ko sa kanya "May sasabihin ako sayo."
"What is it?" tanong ko sa kanya. Natahimik pa siya saglit at ngumiti.
"Gusto ko kasi si Aadam... Pwede mo ba ako'ng tulungan?"
YOU ARE READING
(IMPERIAL SERIES 1) Everything
Roman d'amourGati Imperial beauty, brain, and popularity are all in her. A crush campus, but time came when she has a crush on a transferee boy who don't know who she is. What will she do? Will she do things to be recognize by him or just admire him from afar an...