"Gati, tara. Bili tayo ng ulam, may bagong karinderya daw sa labas, tara na," aya sa'kin ni Jenny "Jen, pwede ikaw nalang muna bumaba. Bilhan mo na rin ako please!" pagmamaka-awa ko sa kanya.
Umirap siya at huminga ng malalim "Fine, pero bukas sama ka na sa'min ah," mabilis ako'ng tumango sa sinabi niya "Yehey! Thank you jen, I love you to the moon and Saturn!" tumawa siya sa'kin at sumabay na sa iba pa naming kaklase na bibili rin ng ulam.
Nakahiga lang ako sa may sofa ng room namin nang tumunog ang phone ko, nag-chat si Jenny.
Jenny: nasa baba si Aadam, hinihintay ka
Gati: ano sinabi mo?
Jenny: sabi ko hindi ka bababa, na may ginagawa ka, alam ko naman na ayaw mo siyang makita pero girl kawawa si Aadam
Gati: wag mo siyang pansinin para di ka maawa sa kanya
Jenny: sama mo
Pinikit ko lang ang mata ko hanggang sa makatulog ako. Nagising lang ako dahil sa ingay ng mga kaklase ko "Kain na tayo!" malakas na sabi ni Crimzel.
We form a big circle while sitting on our arm chair and talk and laugh while eating. Pagkatpos naming kumain ay inayos namin ang mga mukha namin, nakisali pa ang mga boys dahil curious daw sila.
"Lip tint yan di'ba? Ba't niyo nilalagay sa pisngi? Ba't hindi blush on ang gamitin niyo?" tanong ng isang kaklase namin na lalake.
"Kasi maganda ang shade niya, bagay sa'kin. Ikaw ang putla mo, ba't di mo lagyan ang lips mo para hindi ka mag-mukhang patay, lagyan mo rin ng pulbo yang mukha mo para fresh ka tignan, wag mo'ng damihan ah, baka mag-mukha kang multo nyan," aniya Reyna.
"Ako rin!"
"Patulong naman, oh!"
"Wag masyadong mapula, ah."
"Paki-ayos na rin ng buhok ko, please."
"Oy, okay na ba mukha ko?"
"Okay na, hindi na mukhang yagit!"
Nag-sitawanan kaming lahat dahil sa huling sinabi ng lalake ko'ng kaklase.
"Ano yan?" tanong sa'kin ni John "Eye curlier and mascara," sagot ko "Pwede pa try?" tanong niya na ikina-gulat ko "Baka hindi mo magustuhan, sasayangin mo lang ang mascara ko," nakanguso ko'ng sabi sa kanya.
"Ay, wag na yong mascara. Yong curlier nalang, gusto ko malaman kung mahaba ba ang pilik-mata ko, sige na dali," aniya at parang excited pa, paminsan minsan talaga lumalabas ang pagiging bakla netong kumag na'to.
"Ay! Pa'no to gamitin, Gati?" tanong niya pa.
"Oy ano yan?"
"Ako rin! Ganyanin mo rin yong sa'kin!"
"Meron ring eye curlier si Trisha!"
"Trisha, pahiram!"
"Keith, pahiram rin nung sa'yo!"
"Wag niyong sirain, ha!"
"Pa'no ba to gamitin?"
Nagpatuloy lang kami sa mga ginagawa namin hanggang sa matapos na ito at dumating na ang first period teacher sa afternoon. May pinapanood na video sa'min si Sir tungkol sa robotics na ikina-antok ng mga kaklase ko, pati ako ay inaantok na rin pero pinipigilan ko ang mga mata ko na pumikit.
Sino ba naman kasing hindi aantukin nyan kung ang nagsasalita sa video ay nagpapantok rin sa'min. Pipikit na sana ang mata ko ng may sumipa sa'kin sa likod ng upuan ko "Bakit?" tanong ko kay Niza.
"Kunan mo ng picture yong mga kaklase nating natutulog tapos send mo kaagad sa gc natin, don ka dito ako," nakangisi niyang sabi na sinag-ayunan ko.
I took my phone and started to take a photo, tinignan ko si Sir at pati siya ay nakatulog na rin. Lumipat ako sa kabilang row at umupo sa bakanteng chair at kinunan na sila isa-isa ng larawan. Hindi ko mapigilang matawa sa mga mukha nila.
Tinignan ko ang oras ng phone ko, malapit na matapos ang first period at maya-maya ay mag be-bell na, bumalik na ako sa upuan at ganon rin si Niza "Marami kang nakuha?" tanong niya.
"Yeah, madami," nagtawana kaming dalawa at umayos na ng upo nang magising si sir. Ginising na namin ang iba naming kaklase dahil sabi ni Sir.
Kapag afternoon class talaga ay nakaka-antok. Ang mahirap pa don ay afternoon ang class ng nakakatakot naming teacher, kaya bago nagsimula ang klase niya ay pumunta kami sa canteen at bumili ng mga matatamis na pagkain. Patago kaming kumakain ng mga binili namin kasi baka makita kami at pagalitan.
Pagkatapos ng klase ay agad na kaming lumabas ni Jake para pmuntang library, sa Friday na kasi ulit ang contest ng debate "Sa kabila na tayo dumaan, Jake," sabi ko sa kanya "Huh? Bakit?"
"Ah, basta! Tara na!" hinila ko siya papunta sa kabilang hagdan "May iniiwasan ka 'no? Kilala ko 'no?" tinignan ko siya, nakangisi ito at gumagalaw-galaw pa ang kilay.
"Si Aadam, 'no?" gulat ko siyang tinignan, pero tinignan ko rin ito ng masama "Tumahimik ka, ayoko'ng marinig ang pangalan na yan," naka-krus ko'ng balikat na sabi.
"LQ? Magiging okay rin kayo nyan," aniya at umupo sa may hagdanan para ayusin ang sapatos, tinignan ko siya at umayos ng tayo "Hindi ka ba galit?" tanong ko sa kanya.
"Kanino, sayo? Ba't naman ako magagalit?"
"Kasi.. I told Justine na hindi na ako ligawan? Tsaka.. di'ba bestfriend mo siya?" tanong ko "Oo, bestfriend ko siya and I don't tolerate his behavior," sabi niya.
"So, alam mo?"
"Yeah, sinabihan ko na siya tungkol don. Sabi niya maghahanap daw siya ng perfect timing, kaso.. narinig ko kayo kanina so I think that was it!" aniya sabay tayo "Tsaka, okay na rin yon, Aadam and Justine are both my friends. Halatang may kanya-kanya naman kayong mga sitwasyon, eh," mahina ako'ng natawa sa kanya, lumapit siya sa'kin at inakbayan niya ako.
"Tara na, may debate pa tayo."
"Sa Friday pa!"
Kagaya lang ng dati, binigyan lang kami ni Ma'am na makakapal na pages of bondpaper na babasahin at posibleng maging topic namin sa debate.
"Matapos kaya natin tong basahin, eh ngayong Biyernes na ang debate?" tanong ni Jake habang nakatitig sa mga papel na nasa harap namin "Bahala na," tinulak ko siya para siya ang unang umupo.
Yon lang ang ginawa namin hanggang sa mag-alas singko na. Pina-uwi na kami ni Ma'am, gusto sana namin sumabay sa kanya pero mauna na daw kami. Paglabas namin ng gate ay nandon pa ang ibang kaklase namin na kumakain ng fishball, kwek-kwek, at umiinom ng buko juice.
"Oy, buti naman tapos na kayo, may saging Gati!" aya ng isa ko'ng kaklase na lumalamon ng saging.
"Thanks." Sagot ko sa kanya "Ay!" nagulat ako ng sumigaw siya pagkalapit ko "Oh, bakit?"
"Uwi na tayo?" biglang aya niya sa'min "Huh? Kakalabas ng namin ni Jake, eh!"
"Girl.. 5 pm na kasi. Dapat wala na palang estudyante sa school pag 5 pm na," aniya, "Nasa labas tayo ng school, girl..." sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang pag-alala sa mukha niya.
"Basta! Guys uwi na tayo, oo?"
"Huh? Kakabili ko palang, eh!"
"Bukas na!"
"Ay, sige sige."
"Tara, tara na."
Iniwan nila ako, pumunta pa sila sa kabilang kalsada... silang lahat... halos lahat ng mga kaklase ko.
"Bye, Gati!"
YOU ARE READING
(IMPERIAL SERIES 1) Everything
RomanceGati Imperial beauty, brain, and popularity are all in her. A crush campus, but time came when she has a crush on a transferee boy who don't know who she is. What will she do? Will she do things to be recognize by him or just admire him from afar an...