Chapter 27

2 0 0
                                    

"What? What happen? Sino yon?" tanong ni Kuya, pinakita ko sa kanya ang phone ko na may tumatawag.

"Aadam Hadi... sino yan?" hindi ko siya sinagot at binigay lang sa kanya ang phone ko. I want him to turn off the phone but instead he answer it! Tinabi niya muna ang kotse  at kina-usap ito.

"Hello?" pa-galit niyang sabi kaya kinunutan ko siya ng noo "Uh... sino 'to?" sagot sa kabilang linya. 

"Ikaw sino ka? Bakit ka tumatawag kay Gaby?" sinipa ko si Kuya, napa-igik siya sa ginawa ko.

"Gaby?" patanong ni Aadam "Yeah, who the hell are you? Why are you calling her?" 

"Kuya!" mahina ko'ng saad pero naiinis na, pinatahimik niya lang ako "Shh.."

"I'm Aadam.. her friend," mahinang sagot ni Aadam "Friend ka lang pala eh, ba't kailangan pang tumawag?"

Sinubukan ko'ng kuhanin kay Kuya ang cellphone ko pero inilayo niya sa'kin yon.

"May I ask, kung kaano-ano mo si Gati Imperial?" tanong niya, pinilit ko'ng kuhanin kay Kuya ulit ang cellphone pero hiniwakan na niya ang kamay ko.

"I'm her boyfriend, so stop calling. Nakakaabala ka ng tao," aniya at pinatay na ang tawag tsaka niya binigay sa'kin ang phone.

"Kuya! How dare you say that?!" sabi ko sa kanya, he just smirked at me "Do you really have to be rude?!"

"Hey! hey! Ba't ganyan ka maka-react, dati naman yan ang ginagawa ko ah, you're the one who taught me that to do so at sa mga sasabihin ko!" tumahimik nalang ako dahil totoo yong sinabi niya.

"By the way familliar ang apilyedo niya. Ba't ganyan ka nga ba maka-react ha, is that boy bothering you? Hindi ka naman ganyan dati," I remained silent.

"Yon ba yong nanlibre sayo ng burger at naghatid sa'yo na kinawayan mo pa for assurance?"

"Shut up na Kuya, okay!" singhal ko sa kanya, I heard him laugh at tinignan ko lang siya ng masama "Ha-hay, Gabrielle Tiffany Imperial.. I know you so well...."

"Kuya, pwede ba tumahimik ka nalang at baka magbago pa ang isip ko- wag nalang kaya tayo'ng tumuloy-"

"Okay tatahimik na!" aniya at nagpatuloy nalang sa pagmamaneho.

Pagdating namin don ay agad kaming bumili t kumain, madaming chika si Kuya pero hindi ako masyadong nakikinig.

"Sabi niya hindi daw ako ang type niya at impossible daw na magustuhan niya ako! Ako! Ako na kinababaliwan ng mga babae sa lugar natin tapos hindi niya ako type?! Ha! Kung ganon wala siyang taste-"

Pagkatapos namin don ay kaagad na kaming umuwi. 

Nang dumaan ang Linggo ay nasa bahay lang ako, nagme-message pa rin sa'kin si Aadam pero hindi ko ni-re-replyan yon, madaling araw ay umalis na rin sila Uncle.

Lunes.

Lunes na, hindi pa rin maganda ang mood ko. I tied my hair and put my headband on, I fix my face properly and wore some blings at lumabas na ng kwarto "Bilisan mo'ng kumain jan, ihahatid pa kita."

Pinanliitan ko ng mata si Kuya habang umuupo siya sa harap ko "Driver na pala kia ngayon," sabi ko sa kanya " Yon naman talaga ang ginagawa ko kapag tayong dalawa lang ang nandito maliban sa mga katulong sa pamamahay na'to," aniya sabay pakita sa peke niyang ngiti.

"Malayo ba ang MSAT?" tanong ko sa kanya "Hindi naman, malapit nga lang eh."

"Kung ganon ba't kailangan mo pa akong ihatid?"  tinignan niya muna ako saglit saka ngumiti ng napaka-plastic.

"Ah.. hehe.. ganito kasi yan, Gati. Binilin ka kasi sa'kin ni Mama at Papa, nila Uncle at Auntie Cretecia,  kapag may mangyaring masama sa'yo i-fe-freeze daw nila Mama-at Papa ang card ko kung saan don nakalagay ang allowance ko for my upcoming class, kaya please lang Gati, wag kang pasaway. Kaya kapag tumawag ako sagutin mo, kapag i-cha-chat kita, replyan mo'ko," mahaba niyang paliwanag na may halong pang-gigigil at sumubo na ng pagkain.

Pagkarating ko sa may gate ay nakita ko ang kararating lang din na si Jenny "Oy, congrats! Division na next!" bati niya sa'kin at binati ko rin siya.

Nakasalubong ko si Danica, she waived at me but I ignored her. Nasa YCAP Area kami ngayon ng mga kaklase ko, nagku-kwentuhan sila about journalism habang ako naman ay naka-upo lang sa sunflower table na semento at tahimik lang, siniko ako ni Jenny.

"Okay ka lang? Kanina ka pa tahimik ah, tas ganyan pa itsura mo," sabi niya na ikinalaki ng mata "Oh my gosh! Hindi ba bumagay ng look ko today? Do I look funny ba? Oh my gosh! What should I do?!" nag-aalala ko'ng tanong pero pinalo niya ang ulo ko.

"Ouch! That hurts ah! Ba't mo ginawa yon?" tinignan ko siya ng masama "OA mo today eh, okay naman ang itsura mo pero sumobra ata. Bad mood ka 'no? Ano reason beh?" tanong niya, timing naman na kararating lang ni Aadam.

I smirked while looking at him, he's almost late huh.

"Ahh.. kaya pala. Anong ginawa niya?" hindi ko siya sinagot at tumayo nalang "Tara na guys, almost time na!" tawag ko sa mga kaklase ko at nagsitayuan naman sila isa-isa.

Nakita ako ni Aadam pero hindi ko siya pinansin. Manigas ka!

Nag-ring na ang bell at hudyat na na magsisimula na ang flag raising. Pagkatapos ng flag raising ay isa-isa kaming tinawag na mga journalis para ibigay sa'min ang certificate at medalya namin. Pag-akyat ko malapit sa may flag pole ay napadako ang mata ko kay Aadam.

"Congrats, Gati!" rinig ko'ng sigaw niya, hindi ko siya pinansin at nakipag-shake hands nalang sa mga coach at principal namin.

Hindi ako bumaba sa room namin nang dumating ang recess alam ko naman na makikita ko lang siya don eh, sinabihan ko rin ang mga kaklase ko na wag magpa-akyat ng walang shoe mop na student lalong-lalo na si Aadam, na kahit manghiram pa siya ay wag siyang pahiramin. Bahala siya sa buhay niya!

Nakita ko'ng papalapit sa'kin si Justine, umupo siya sa harap ko "Hindi ka ba nagugutom? Gusto mo bilhan kita ng snack? By the way congratulations, ha. Alam ko naman na mapapanlo mo yan eh, ikaw pa," nakangiti niyang saad, naalala ko ang sinabi ni Aadam dahil sa huling sinabi ni Justine kaya mas lalong kumulo ang dugo ko.

"Umalis ka sa harapan ko," sabi ko sa kanya "Ha?"  napahihiya niyang tanong "Ang sabi ko umalis ka sa harapan ko! Why do you care anyway? Umalis ka." Mahina ko'ng saad, siniguro jko na kami lang dalawa ang makakarinig non.

Napahihiyang tumayo siya "Oh by the way, Justine. Tigilan mo na yang panliligaw mo sa'kin, asikasuhin mo si Haizel or Hailey," sabi ko at tumayo na papuntang cr.

Paglabas ko ng room namin ay narinig ko ang boses ni Aadam sa baba "Tol, sige na naman oh. Pahiram ng shoe mop, gusto ko lang to ibigay kay Gati eh."

"Tol, sorry. Kabilin-bilinan kasi sa'min ni Leader na wag magpaakyat at magpahiram ng shoe mop," rinig ko'ng boses ni  Jesse "Sino ba si Leader?"

"Si Leader, leader sa grupo ng cleaners dito sa hallway hanggang dito sa hagdanan. Area to ng Faraday eh," sagot ni Jesse "Eh, sino nga si leader?"

"Si, Gati."

"Pakisabi sa kanya, ako to si Aadam," paki-usap niya "Siya nga yong nagsabi na wag ka daw paakyatin dito eh."

"Ha?"

I smirked when  I heard that. Buti nga sayo.




(IMPERIAL SERIES 1) EverythingWhere stories live. Discover now