Chapter 11

2 0 0
                                    

"Justine, di'ba sinabi ko na sayo. Hindi nga pwede, I don't know what's the nicest way to say this but I don't feel the same way you do and I don't want to give you any false hopes."

Paliwanag ko kay Justine, kaming dalawa lang kasi ngayon ang nasa YCAP area pero ang gamit ng mga kaklase namin ay nandito lang. It seems like Justine talk to them.

"Gati, you don't have to say no right away. Pag-isipan mo muna, if you don't like me that's okay just give me this chance and let me prove it to you," sabi niya, unti unti nang umiinit ang ulo ko.

"Prove what, Justine?! Your just wasting your time!" pinilit ko'ng hindi lakasan ang boses ko dahil ayoko ko siyang mapahiya.

"Gati, please. Liligawan kita, hindi mo'ko kailanga'ng sagutin agad, let me prove you that I can make you fall inlove with me until you say yes to me," he's really persistent. Nung nakaraang araw pa kasi siya nangungulit sa'kin.

Akala ko biro niya lang yon pero totoo pala talaga, alam ng boung kaklase namin yon "I don't want you to waste your time," ani ko.

"Gati, please, just please. Give me this chance.." tinitigan ko lang siya, nagsusumamo ang mga mata niyang nakatingin sa'kin. 

Wala naman kasing problema kung magkakagusto siya sa'kin, gwapo siya, matalino, medyo turn off lang ako minsan sa ugali niya but he's a bit nice. Anak siya ng teacher na dito rin nagtuturo at kilala ko.

"Fine... pero kapag umabot na ng 4 months at wala pa rin, you need to stop, Justine," seryoso'ng saad ko kaya lumiwanag ang mukha niya.

"Thank you, Gati! Thank you so much for giving me this chance," ngumiti ako dahil halatang tuwang-tuwa siya. Lumabas siya sa YCAP area at agad na pumunta sa building namin at sumisigaw ng "Pumapayag na siya! Liligawan ko na siya!" 

Umakyat siya don at sinabihan niya ang mga kaklase namin na ngayon at naghiyawan at nagtilian na, ang iba naman ay agad na bumaba para puntahan ako.

"Totoo?!" 

Tumango ako sa tanong nila at tumili kaagad kaso napansin ko lang si KC na nasa gilid lang, naka-krus ang braso at walang emosyon ang mukha. Nilapitan ko siya.

"KC, okay ka lang?" tanong ko "Yeah, I'm good. Uuwi na ako, una na ako sa inyo, bye!" tumalikod kaagad siya.

"Hayaan mo na yon, kanina pa yon bad mood," sabi sa'kin ni Rosemary kaya tumango lang ako.

Hinatid ako ni Justine sa'min pero don lang hanggang highway, ayoko ko na siyang papasukin sa'min at baka nandyan sila Nanay at baka magkakaroon pa ng question and answer portion.

"Thanks sa paghatid, Jus," nakangiting saad ko. 

"Thank you din, sa chance na binigay mo sa'kin. I won't dissapoint you Gati," sabi niya bago nagpaalam at umalis na.

"Sino yon?" tanong ng kasambahay "Wala, kaklase lang," sagot ko "Oy.. ikaw ah. Baka may nanliligaw na sa'yo di ka nagkukwento." 

Umiling lang ako at pumasok na sa loob.

Dumaan ang mga araw at ganon nga, niligawan ako ni Justine. Hinahatid sundo niya ako, minsan nahuhuli pa siya at pagdating niya sa school ay nandon na ako, binibilhan niya ako ng pagkain at kapag utusan ako ng mga teachers at sinasamahan niya ako, he carry my things like a gentleman and always offer me something, he's almost like a one call away person pero almost lang. Nanay and Tatay didn't know it yet.

Pero alam na ni Perry "Justine is courting you na ah, kung hindi nagkwento ang Mama ni Justine until ngayon di ko pa rin malalaman," mukhang nagtatampo na boses niya "Its not important anyway, hindi mo na kailangan malaman."

Hindi ko rin yan priority, my advicer, my teacher in Arpan and in Filipino chooses me as the contestant for the debate, may kasama ako at si Jake yon. Pumayag naman ako, gusto ko'ng bumawi, gusto ko'ng makaabot sa national for debate kaya ngayong gabi pa lang ay mag-aaral lang ako.

"Gati, mostly ang magiging topic natin sa debate ay tungkol sa mga isyu ngayon. Mag-research kana kung gusto mo but please don't preassure yourself, next month pa ang contest."

Yan ang sinabi kanina ni Ma'am Federica. Next month nga ang debate, by the third week of July. Buti nalang talaga hindi sa birthday ko.

"So ano na? Mabanag or Rudhils?" tanong ko sa kanila "Ano yong Mabanag? Sa'n yan?" biglang tanong ni KC.

"KC naman! Parang di pa nakapunta don! Sa Tuburan, Mabanag ang other name non," napatango siya sa sinabi ni Gae sa kanya.

"Guys, ang mahal kasi sa Rudhils," problemadong ani ni Lyrem "Hindi naman tayo aabot ng gabi don, di'ba. Kasi, kung entrance lang, afford natin yan, libre na kita Lyrem tsaka yong food sabi ni Gati siya na ang bahala, so walang problemo. Pero if mag-stay tayo don ay talagang may bayad, mahal yong mga kwarto nila don," paliwanag ni Trisha.

"I'll take care of it. Sabi ko naman di'ba yong entrance lang at damit niyo ang problemahin niyo, we'll stay there one night. Pupunta tayo don exactly at my birthday tapos kinabukasan ay uuwi na tayo pero hindi sa morning ha, depende." Sabi ko.

"Ganito na lang. Uwi tayo after lunch time tapos gala ulit tayo!" excited na sabi ni Khylla.

"Sa'n?"

"Saan niyo ba gusto?"

"Ba't kami tinatanong mo, kami ba may birthday?"

Umirap ako, kahit saan nalang siguro "Ah, basta! Wag na muna natin yang pag-usapan. Yon lang muna. Basta dapat kayo lahat ay pupunta don."

Sumang-ayon silang lahat. Ngayong Friday na kasi ang birthday ko kaya ang plano namin ay pagkatapos ng klase ay pupunta na kami don sa Rudhils, lahat ng school works namin ay tinapos na namin kaagad para sa Linggo ay magpapahinga nalang or gala, ganon.

"So, anong pagkain ang dadalhin niyo bukas sa birthday mo, Gati? Para makapag-cater na tayo at dadalhin na namin kayo don, hahatid ka bukas, sama ako," nakangiti niyang saad.

"Wag na po, kami nalang ng mga kaklase ko ang bibili ng pagkain tsaka may motor naman ang mga kaklase ko," sagot ko, nandito kasi si Uncle dito sa bahay para kausapin ako sa birthday ko bukas.

"Gati, hindi naman lahat ng kaklase mo may motor kaya  mas mabuting ihatid ka nalang don kasama ang pagkain para wala ka ng masyadong gagastusin and also baka pwede mo'ng isama ang mga kaklase mo papunta don."

Suhestiyon ni Nanay na sinang-ayonan ng dalawa "Oo, magandang ideya yon," tumatango-tango pa si Tatay habang nakangiti si Uncle, wala na akong nagawa dahil baka magtatalo pa kami dito.

Rant Faraday:

Gati: @everyone sino sasama sa'kin, ihahatid tayo kung sino may  motor sa inyo okay lang ang food ike-cater nalang daw, bibili nalang daw sila para sabay na dalhin bukas

Keith: sounds good

Lindzy: ihahatid ako don ni Daddy guys

Gati: bukas nalang natin yan pag-usapan 

"Okay, I'll go ahead." Sabi ni Uncle at tumayo na "Advance Happy Birthday my dear.." niyakap kaagad ako ni Uncle pagkatapos niya'ng sabihin yon.

"Your Uncle Mayor really loves you," saad ni Nanay ng umalis na sina Uncle. Hindi ko lang pinansin yon at pumunta na sa kwarto ko.

Maaga akong nagising, dahil sa katok ng pintuan ko "Nay, bakit?" kahit antok ako ay pinipilit ko pa ring magising "Nandito ang mga kaklase mo, nag-mananita sila for you," nakangiti niyang saad.

Agad ko'ng inayos ang sarili ko at lumabs ng kwarto, tama nga at nandon sila. Hindi siya literal na mananita, parang surprise lang. May dala silang baloon at cake, halos silang lahat ay nandito.

"Happy Birthday, Gabrielle Tiffany Imperial!"

Sabay nilang bati sa'kin"Thanks guys and good morning," nakangitin ko'ng saad sa kanila. Tinignan ko ang kabouan nila, ang iba naka-shorts lang at nakapambahay, ang iba naman naka leggings or pants then naka jacket. 

Klaro ring wala silang tulog.



(IMPERIAL SERIES 1) EverythingWhere stories live. Discover now