"Oy, sino yon?" salubong na tanong sa'kin ng kasambahay "My friend," maikli ko'ng sagot.
"Talaga? Ang bilis mo'ng makahanap ng kaibigan ah, sa pagkakaalam ko mapili ka in choosing friends," gumagalaw pa ang kilay niyang sabi "Nandyan ba sila Nanay?"
"Wala eh, pinuntahan siya kanina ni Ma'am Lena dito tapos si Sir naman ewan, naglakad lang yon eh pumunta don kina Eldie," sago niya kaya napatango ako. Mahjong ang pinunta ni Tatay don.
"Pero, nandyan Kuya pogi mo," nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya "Hoy!" napatingin ako sa may pintuan, nakatayo si Kuya Michael don, ang bunsong anak ni Uncle.
Binalewala ko ang pagtawag niya at hinubad lang ang sapatos ko ng makalapit na ako sa may pinto.
"Sira na sapatos mo, magpabili ka kaya ng bago," aniya "Wag muna, di pa naman masyadong sira eh. Sirain ko muna ng sobra saka na ako magpapabili ng bago, marami naman akong ibang sapatos dyan."
"Bahala ka, oh sino yon?"
"Kaibigan ko."
"New friend? Bago mukha eh."
Tumango lang ako sa sinabi niya at pumasok na sa loob "Uuwi si Kuya Mark!" napahinto ako sa sinabi niya at napangiti "Really? Kasama si Ate Mari?" tumango si Kuya sa'kin.
"Kailan daw?"
"Next month, sa birthday ni Auntie Cretecia," lumaki ang ngiti ko sa sinabi niya. Close naman ako sa lahat ng pinsan ko, pero , mas close kami ni Kuya Michael pero mas nangingibabaw ang pagiging kapatid na turingan namin ni Kuya Mark, I'm also close to her wife na si Ate Mari.
"By the way, hinintay talaga kita. Nagugutom na ako, tara? 7/11 tayo?" aya niya na ikinangiwi ko.
"Busog ako eh," nanliit ang mata niya sa sinabi ko "Ano bang kinain mo?"
"Burger and shake."
"Kasama mo yong naghatid sayo?"
"Oo."
"Nanliligaw ba yon sayo?"
"Hindi naman pero crush ko yon."
"Ano?!" nagsalubong bigla niya na ikinatawa ko "Joke lang, uto uto ka rin eh. Magbibihis muna ako."
"Ayusin mo buhay mo Gabrielle Tiffany Imperial!" tinawanan ko lang siya kahit totoo naman na crush ko yong naghatid sa'kin kanina.
Right. Hinatid niya ako, binilhan niya pa ako ng burger at shake! Haba ng bangs ko!
"Do you know na pupunta sila ng Cagayan next week?" umiling ako sa tanong niya bilang sagot "Now you know."
"Next week contest ko, journalism," saad ko "Sama ako!"
"Di pwede, di naman importante." Sabi ko at bigla niyang pinitik ang tenga ko "Aray! What the heck?!"
"Importante yon," salubong na kilay sa saad niya sakin "O sige importante nga kaso di naman kailangan na may kasama. Yong mga coach namin okay na, sapat na."
Tumango lang siya sa sinabi ko .
Kinabukasan ay naglalakad lang ako papunta sa paaralan ng may tumabi na motor sa'kin, naka-andar pa rin yon pero mahina nga lang, sapat na makasabay lang sakin.
"Hindi ko talaga alam kung anong oras ka pumapasok," napatingin ako at si Aadam pala yon na naka hoodie pa "Depende..." kibit-balikat ko'ng saad at pinipigilan lang ang pag-ngiti.
Sino ba naman kasi ang hindi ngingiti niyan kung andyan si crushie-cakes, ang aga-aga pa eh! Kompleto na araw ko! 'No ba yan!
"Chinat kasi kita, di mo yata nakita," kumunot ang noo ko at tinignan angb phone ko, napakamot ako ng buhok sa nakita "Naka- do not disturb eh, hehe.."
"Okay pero what if mag-chat ang mga kaklase mo sayo, pa'no mo sila masasagot kaagad kung naka-do not disturb ka?"
"Sa school ko na sila masasagot or mamaya," pormal ko'ng sagot at narinig ko ang pagtawa niya "Oh, anong nakakatawa?" tanong ko na ikina-iling niya.
"Wala, ibang klase ka rin eh," pinanliitan ko lang siya ng mata at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Nasa gilid ko pa rin siya at tahimik lang kami nang.. "Gatiiiiiiii......" pakanta niyang tawag sakin kaya mahina akong natawa.
"Bakit?" tanong ko sa kanya ng hindi pa rin tumitigil sa paglalakad "Sakay ka dito sa motor ko para sabay tayo."
Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Tinignan ko lang siya ng maigi habang siya naman ay naka-iwas ng tingin.
"Wag na, salamat nalang. Mauna kana, baka ma-late ka pa," sabi ko at iniwan lang siya don.
Patuloy lang ako sa paglalakad nang makita ko'ng mabilis niyang pinaharurot ang motor niya "Wow, I was expecting something else."
Tanga, Imperial!
Malapit na ako sa may simbahan nang makita ko siya sa may tindahan na malapit lang din don. Nang makita niya ako at sinalubong niya ako kaya naguguluhan ko siyang tinignan "Anong ginagawa mo dito? Tas, asan na yong motor mo?"
"Andon na sa school, nauna na," sagot niya.
"Ha?"
"Joke lang, may nakita akong kaklase ko, sinabihan ko na gamitin niya motor ko papunta sa paaralan kaya ayon, nauna na," paliwanag niya kaso di ko pari gets.
"Ha? Teka, bakit? Bakit mo pinauna yong motor mo?"
"Kasi gusto ko'ng maglakad."
"Alam mo naman na nakakapagod maglakad di'ba? Mas mabilis kung magmotor ka, hindi ka pa mapapagod," paliwanag ko sa kanya "Alam mo palang nakakapagod maglakad eh, ba't naglalakad ka?"
"Kasi gusto ko!"
"Edi gusto ko rin!"
Inirapan ko siya at nauna ng maglakad "Hoy, teka lang! Sabay na tayo, first time kung maglakad papuntang MSAT."
"'Langan naman, kakalipat mo lang eh," bulong ko pero halatang narinig niya pa rin, tumawa eh.
"Bakit gusto mo'ng maglakad, Gati kung pwede ka namang magpahatid, pumara ng motor or magpasundo sa boyfriend mo," pag-o-open niya ng topic pero pansin ko ang pag-hina ng boses niya sa huling sinabi niya.
"Exercise, tsaka kung magpapasundo ako kay Justine, mamaya pa darating yon tsaka 'di ko siya boyfriend no! Manliligaw, oo."
"Don rin naman ang punta non."
Kinunutan ko siya ng noo "Makapagsalita ka parang close na close tayo ah," sabi ko at siniko ko pa siya, pero tumabi at kinuha niya ang kamay ko sabay pinulupot niya yon sa braso niya at tumingin sa'kin.
"Eto, okay na ba 'to? Okay ba sayo na ganito tayo ka close?"
YOU ARE READING
(IMPERIAL SERIES 1) Everything
RomanceGati Imperial beauty, brain, and popularity are all in her. A crush campus, but time came when she has a crush on a transferee boy who don't know who she is. What will she do? Will she do things to be recognize by him or just admire him from afar an...