Hindi kaagad umalis ang mga kaklase ko kanina, tsaka na sila umalis nong mag-alas singko na ng umaga. Pinakain sila ng Nanay ko ng budbod, ang iba naman ay pinaresan ng kape o di kaya ay milo.
Dumating rin si Uncle kanina kaya yong mga ingay nila ay naging mahina na "Good morning po, Mayor."
Yumuko pa sila kasabay ng pagbati "Good morning din, akala ko akong ang mauunang babati kay Gati," natatawang saad niya kaya nahihiyang tumawa ang mga kaklase ko.
Sabi nila nahihiya sila kay Mayor kaya ayon umalis na para rin daw makapag-handa na sa klase namin.
Bago ako nakarating sa school ay nakita ko na sa labas ng bahay nila sina Kuya Miguel, Jerson, Candi at Michael. Kausap nila ang mga tauhan nila at iba pang nagtatrabaho sa kanila, kung maglalakad ako don ay makikita nila ako tapos kakausapin tapos male-late ako neto.
Nakakita ako ng side-car na walang pasahero kaya agad ko 'tong pinara at sumakay, nagngi-ngiting aso ako ngayon. Alam ko naman na babatiin nila ako pero baka matagalan eh at baka lalabas na naman ang pagiging saltik ng mga yon.
Pagkababa ko pa lang sa side-car ay mukha kaagad ng mga kaklase ko'ng lalake ang nakita ko, nang makita nila ako ay agad silang umayos ng tayo na para bang nakakita ng amo nila.
"Anong trip niyo?" salubong na tanong ko.
Kinindatan ako ni Justine "Let's go birthday girl," aniya. Iniwan ko sila don, ang akala ko'ng hindi sila susunod ay nagkamali ako, sinundan sila ako at umasta na para bang mga security guard ko.
"Ano namang kagaguhan to?" hindi nila ako pinansin kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
"Excuse us, dadaan kami."
"Watch out, Gati. Maputuk jan baka madumihan ang sapatos mo."
"Give way please. Give way to the birthday girl."
Mariin akong pumikit para tigilan ang tawa ko. Ako yong nahihiya sa pinag-gagagawa nila! Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang estudyante.
May bumati sa'kin na mga nakasalubong ko kahit 'di ko sila kilala, ang iba na nasa second at third floor ay binati ako, sobrang lakas ng boses nila kaya maraming nakarinig non.
"Boys, hindi pa ba kayo titigil. Malapit na tayo sa classroom oh," paki-usap ko sa kanila "We have to make sure your safe, that's the order," sabi ni Jesse, natatwang pinalo ko siya pero napansin ko'ng hindi na namin kasabay si Justine.
"Nasaan si Justine?" tanong ko sa kanila "Let's go, he's waiting."
Kahit hindi ko sila naintindihan ay umakyat na ako. Kahit nasa baba pa lang ng hagdan ay napansin ko'ng sobrang tahimik sa taas kung saan classroom namin ang nandon na malapit lang sa hagdan.
Pag-akyat ko ay nakasunod pa rin ang mga damuho. Nang maka-akyat na talaga ako ay don na sila nagsilabasan at may paputok pa, parang kagaya lang ng kanina but still it made me surprise.
"Happy Birthday, Gati!"
May bitbit silang cake balloon at mga letters "Guys,hindi ba kayo naubusan ng pera? Pangalawa na'to," sabi ko sa kanila.
"Si Justine ang may pasimuno neto!" sabay nilang sabi at agad na lumapit siya sa'kin na may dalang black forest cake "Happy Birthday.." bati niya ng makalapit siya.
Nakangiti akong nakatingin sa kanya, hindi ko akalain na siya ang nagplano neto. Kanina kasi sa bahay ay sobrang behave niya pero nakatabi pa rin sa'kin "Make a wish then blow the candle.." nakangiting saad niya.
Pumikit ako.
Sana manalo ako sa debate at sana maka-abot ako sa national-
Kaso lang, 'di ko napigilan ang sarili ko at ibuka ang mga mata ko para tumingin sa baba. A lot of students we're looking at our direction, pati na rin yong mga nasa second, third, at fourth floor. Pero ang nahagip ng mata ko ay si Aadam, nasa second floor siya at kahit nasa pinaka-likod ng mga nanonood ay nakikita ko pa rin siya na nakatingin sa'kin.
YOU ARE READING
(IMPERIAL SERIES 1) Everything
RomanceGati Imperial beauty, brain, and popularity are all in her. A crush campus, but time came when she has a crush on a transferee boy who don't know who she is. What will she do? Will she do things to be recognize by him or just admire him from afar an...