Tahimik lang ang lahat, no one talk. Ako naman ang nagsimula kaya....
"Jamming tayo, dala ko gitara ko," aya ko sa kanila. Nagkatinginan muna sila bago dahan-dahan tumango sabay ngiti. Nagtawanan sila, ewan di ko alam.
"Anong kanta ang gusto niyo?"
"Jopay!" sigaw ng isa kaya natawa ulit sila "Sige, kumanta kayo ah, close niyo yong door please."
Nagsimula na ako'ng mag-strum tsaka kumanta.
Jopay, kamusta ka na?
Palagi kita'ng pinapanood nakikita Jopay, pasensya ka na
Wala rin kasi akong makausap at kasamaHinayaan ko lang sila na ang kumanta.
'Wag ka ng mawala...
'Wag ka ng mawala...
'Wag ka ng mawala...
'Wag ka ng mawala...
NgayonNaging second voice pa ako. Nagpatuloy lang ang kantahan namin. Sumasayaw-sayaw pa sila sa gitna at kinunan ng video. Ganon lang ang ginawa namin hanggang sa matapos na ang kanta.
Nagkwentuhan lang kaming lahat, si Justine naman ay nasa tabi ko lang "Oy, time na! Maglinis na tayo guys," aya ni Jesica.
"Hala naku! Wag na! Kami na dito, maglilinis pa kayo ng room niyo, sige na. Pumunta na kayo don," sabi ng mga grade-11.
Wala na kaming magawa, may journalism pa rin kasi.
Pinasa namin yong output na hiningi ni Ma'am kahapon tapos pinagawa niya kami ng bago, dapat tapusin ngayon para ipass din ngayon tapos bukas ulit. My practice pa kami ng banda bukas. 'No ba yan!
"Alam ko'ng malayo pa ang sem-break pero excited na ako para don!" naiinis na sambit ni Gae paglabas namin sa room ni Ma'am.
"Okay lang yan, tsaka malapit na ang contest 'di ka na pwedeng mag-back out," sabi ko kaya bumagsak naman ang dalawang balikat niya sa sinabi ko.
"Uuwi na ako," naka-nguso niyang sabi "Matutulog na ako pagdating ng bahay tsaka magpupuyat na dahil may test pa bukas!" napipilitang saya na saad niya kaya natawa na ako.
"Nandyan na sundo ko, sabay ka nalang kaya sa'kin, nasaan ba kasi si Justine?! Dapat hinintay ka niya!"
"Okay lang, malay mo baka pinauwi ng maaga ng Mama niya."
"Gati!"
Napatingin ako sa likod ko ng may tumawag sa'kin "Oy, Aadam! Ba't di ka pa umuwi? May hinihintay ka?" mausisa tong babae'ng to ah.
Tumingin muna siya sa'kin bago sumagot kay Gae "Oo, may hinihintay ako, si Gati. Ako na ang maghahatid sa kanya," kunot noo ko siyang tinignan pero kinurot ni Gae ang tagiliran ko, pinandilatan niya ako ng mata.
"Go on! Ihatid mo siya sa bahay nila ah, ingatan mo yan ah, lagot ka pag may gasgas ang balat niyan. Baka boung Mahayag makalaban mo," pananakot niya kay Aadam kaya pinalo ko siya.
Naka-iwas siya don at agad na tumakbo at lumapit sa sundo niya, kumaway pa siya sa'kin "Ahm... let's go? Malapit na mag-six," aya niya sa'kin.
Tinignan ko siya ng maiigi, tinagilid ko pa ang ulo ko "Ahh, Gati. Kung pa'no mo ako tignan, di ko alam kung paano ko siya ipapaliwanag pero parang awkward sa pakiramdam," aniya sabay kamot sa batok.
"Bakit?" napatingin siya sa'kin "Anong bakit?" pabalik niyang tanong "Tuwing hapon, hinihintay mo ako, dati ko pa siya napapansin sa totoo lang pero ngayon-ngayon ka lang nag-aya na ihatid ako."
Napa-iwas siya ng tingin sa'kin "Natakot ba kita? Feeling close ba ako o ano?" natawa ako sa tanong niya "Hindi naman, malakas lang ang loob mo," inabot niya sa'kin ang kamay niya na ikinalito ko.
"Bigay mo sa'kin ang bag at mga gamit mo, hatid na kita," di pa ako nakapagsalita ng kunin niya ng gamit at bag ko, hinayaan ko lang siya at sumunod na.
"Malapit na contest niyo no?" tumango ako sa sinabi niya, sinout niya ang helmet niya at maya-maya ay may inabot siyang paper bag sa'kin "Ano to?"
"Kunin mo na, malalaman mo paghawak mo na yan," kinuha ko yon at tinignan ang laman "Kainin mo yan, baka nagutom ka. Nakakagutom kayang mag-aral, eat well. Sakay na," wala akong masabi kaya natawa nalang ako.
"Ikaw, kumain ka na neto?" tanong ko sa kanya habang nakasakay na "Oo, nagutom ako eh. Tapos na isip ko na bilhan kita," ngumiti ako sa sinabi niya. Thoughtful.
"Sa'n ako hihinto?"
"Jan lang sa may gilid ng kalsada," bumaba na ako sa motor niya ng ihinto niya na yon "You know, you don't need to ask kung saan ang bahay o saan ihinto ang motor. Alam mo na naman kung sa'n ako nakatira no," sabi ko bago tumalikod sa kanya. Kumaway ako nang hindi na lumingon sa kanya.
"Thank you sa burger and shake!"
Wala akong narinig na sagot sa kanya kaya tumigil ako sa paglakad at humarap para tignan siya. Kumunot ang noo ko ng makita ko siyang naka-yuko at ngumingiti, inangat niya pa ang ulo niya na para bang tumingin sa kalangitan pero nakapikit siya.
Tumingin siya sa'kin na ikinagulat ko.
"Thank you for making my day!"
Nakangiti niyang sabi. Pinaandar niya na ang motor niya at bumusina bago pumaharurot.
YOU ARE READING
(IMPERIAL SERIES 1) Everything
RomanceGati Imperial beauty, brain, and popularity are all in her. A crush campus, but time came when she has a crush on a transferee boy who don't know who she is. What will she do? Will she do things to be recognize by him or just admire him from afar an...