Chapter 20

2 0 0
                                    

"Everyone, please sit down. I have an announcement to make so please, sit down and shut up," sabi ni Lindzy na kakarating lang sa room namin dahil sa meeting nila sa SSG.

"There will be an activity, it's for everyone. Buong school school will participate and good thing the teachers coordinate with us and the principal agreed."

"Anong activity?"

"So like I said the teacher coordinate with us. So yong activity is, two section pero different year level. Para fair siya, bumunot yong mga teachers kung anong section and grade level ang makakasalamuha ng mga students nila. Bumunot na si Ma'am Federica and ang nabunot niya ay Grade 11, yong nag-iisang grade 11 jan sa first floor."

Nagbulongan sila, bigla naman akong pinalo ng katabi ko "Bakit na naman?"

Parang gulat yong mukha niya pero mukha naman siyang masaya "Kina Aadam yon, classroom nila yon!" bulong niyang sabi kaya gulat ko rin siyang tinignan.

Oh my gosh! 

"Sa classroom nila guys, tayo ang pupunta don." Dagdag pa ni Lindzy.

"Ano naman ang gagawin don? Reading na naman? " tanong ni Charles.

"Bakit may reklamo ka?" taas-kilay na tanong ni Thia.

"Wala naman, alam ko naman that we are willing to help and I'm willing to help kaso sila, will they help theirselves ba? We'll cooperate the activity pero sila ko-cooperate rin ba sila? Mahihiyan sa'tin ang iba jan eh!"

Tama si Charles. Yong mga nasa lower section kasi sa year level ay nahihiya sa'min kaya walang cooperation ang magaganap.

"Don't worry, parang bonding lang ang gagawin natin. The purpose of this activity kasi is para maging friendly ang lahat, alam niyo yon? Para walang hiyaan, walang awayan ganon. Pareho naman tayo sa kanila na sana higher level so dapat we should cooperate to be a role model. Kaya dapat magkakaintindihan tayong lahat."

Napatango kami non. Yan lang pala, pero makikita ko ulit si crushicakes.

"Gati!" Tawag sa'kin ni Justine "Bakit?"

"Sorry kahapon ah, nakalimutan ko. Umuwi na kasi ako eh, tumawag na si Mama."

"Di'ba sports news ka? So hindi kana sasali ng journalism?" tanong ko.

"Sasali pa rin naman."

Tumango lang ako at tinalikuran na siya. Sumunod naman siya sa'kin.

"Gati, ako na ang magdala yang gitara mo," sabi niya kaya binigay ko na yon. Mabigat rin kasi yon kaya, siya nalang ang magdala.

Dito palang sa hagdan ay nakita na namin ang grade-11 students na nagwawalis, nakita nila kami kaya agad nilang niligpit yon at pumasok  na sa classroom nila.

"Hala, ba't kinakabahan ako?"

"Hoy ba't ako nauna dapat kayo!"

"Anong gagawin natin pagdating natin don?"

"Aba malay ko! Sila tanongin natin, senior sila eh!"

"Sige sige."

Sinout namin ang shoe-mop namin, nakakahiya kasi sa puting tiles nila. Halatang bagong walis at bagong mop, samin kailangan pa namin mang-wax at lampaso. Shene-ol nasa bagong building!

"Hi everyone, good afternoon." Mahinang bati namin pagpasok nila.

"Pasok kayo, pasok . Upo kayo jan," ani ni Rica kaya natawa ako sa kanya. Ang bait eh.

"Kayo? Sa'n kayp uupo?" tanong ni Lindzy sa kanila "Dito lang kamii," si Rica ulit ang sumagot.

"Iba kami ng upuan?" natahimik sila sa tanong at para bang nahihiya dahil don, mahina akong pinalo ni Lindzy.

"Bakit?" bulong ko "Natakot sila sayo," napanguso ako sa sinabi niya. Nilibot ko ang paningin ko sa classroom nila, hindi ko sinadya na titigil yon kay Aadam. Gulat ko siyang tinignan kaya napaiwas agad ako ng tingin.

"Anong unang gagawin natin?" awkward na tanong ni Lindzy "Siguro mas maganda kung magpakilala muna tayong lahat sa isa't-isa, kahit mag-kakilala na ang iba dito," sabi ng vp nila na kilala ko.

Tumingin sa'min si Lindzy bilang pagsang-ayon "I think it better at para hindi rin masyadong awkward, we should form a circle and introduce each other," suhestiyon ko kaya tumango naman sila.

"Siguro, bawas-bawasan natin ang pag-i-english no? Nasa ibang classroom tayo Gati, hindi sila sanay," mahinang sabi ni Jhazel kaya tinignan ko siya ng masama "Naintindihan  naman nila."

"Ako, di ko gets."

"Sige, mag-form na ng circle tapos, kapag hindi na kasya sa upuan nalang ang iba," sabi ng VP nila "Gati, tabi tayo." Ani Justine, tumango lang ako at ngumiti.

Naka-upo na kami at ang iba naman ay nasa upuan lang kagaya ng mga kaklase ko'ng lalake na nasa likuran namin ni Justine "Guys, guys, bawal ang bebetime. Respeto sa mga single," biiglang sabi ni Jesse sa tenga ko kaya hinampas ko siya nung plastic na bote.

Sinabayan pa siya ng iba naming kaklase kaya tinukso na kaming dalawa ni Justine. Hindi ko sinadyang tumingin kay Aadam na kaharap ko pala. Walang emosyon lang siyang nakatitig sa'kin kaya napa-iwas ako ng tingin.

"Shh! Magsisimula na tayo, tama na yan," sabi sa'min ni Lindzy kaya tumahimik na sila. Nagsimulang magpakilala ang lahat hanggang sa nagbigayan ng opinyon sa isa't-isa.

"Dati talaga, kayong mga first section galit ako sa inyo." Sabi nung isa na hindi ko kilala "Huh? Bakit?"

"Eh mga mayayaman kayo eh, mga kilalang matatalino sa paaralan na'to. Dati iniisip ko na, naging first section kayo dahil mayayaman kayo, na ginagamit iyo ang mga pera at connection niyo para lang mapunta kayo jan. Halos lahat kaya ng mga mayayaman ganyan yong mga ginagawa, tapos ang aarte at susungit niyo pa. Parang ang taas ng tingin niyo sa mga sarili niyo."

Mahabang paliwanag niya. Woah. I can't believe may ganyan pa lang mga impression sa'min.  "Ngayon? Ano na ang tingin mo sa'min?"

"Ewan." Kibit-balikat niya'ng sabi kaya nagsalita na ako.

"Hindi kita masisi kung ganyan ang iniisip mo, but just to let you know dati bago kami pumasok bilang high school, kailangan naming mag-take ng exam at dapat pumasa rin sa interview para lang maging first section. Marami kaming mga kaklase dati na elementary na nasa ibang section dahil hindi nakapasa non, swerte nga kami eh dahil nakapasa kami."

"Maganda maging first section pero nakakpagod din, high school students should enjoy their high school life kasi hindi na daw mauulit to. Kami.. ewan kung na-i-enjoy ba namin, maraming tambak na school works, maraming susulatin sa notebook dahil yon ang gusto ng teacher, may mga assingments at project na dapat ipasa kinabukasan at dapat mag-aral pa dahil may quiz si Ma'am bukas. Hindi lang isang subject ang magbibigay ng quiz sa isang araw, tatlo, apat, lima. Ang nakakapagod pa non, ang inaral mo ay hindi lumabas sa quiz kaya bagsak kahit nag-aral naman."

"Being a first section is a big advantage pero as a young students, palagi kaming stressed. May pre-cal kami, ang lower section wala, hindi naman lahat sa'min matalino sa math eh. May creative design pa kami which is robotics, invention. May research pa na akala mo okay na pero binalik at ang daming pula-pula, revise, revise. Wala naman kaming choice kundi gawin yon para rin sa grades namin."

"Dapat ang average na makukuha namin is 85 pataas, kapag bumaba ang grades namin, mapupunta kami sa ibang section.Magagalit sa'min ang mga magulang o kung sino man ang nagpapa-aral sa'min, ang iba pa nga sa'min pini-preassure pa nga eh. Tsaka hindi naman lahat sa'min mayaman eh, sila na nagpapa-aral samin siguro mayaman pero bilang isang estudyante hindi kami mayaman."

Mahabang paliwanag ko, pilit ko'ng pinipigilan ang pagtulo ng luha ko pero ang iba ko'ng kaklase ay naluluha na. Nahihiyang tumingin sa'kin ang lalake kaya nginitian ko siya.

"Try mo'ng mag-first section, para naman malaman mo kung gaano kami ka stressed at pagod. "

Pinalo ako ng katabi ko na si Jenny.

Napatingin ako kay Aadam, may munting ngiti sa labi niya, he nods and smiled sincerely at me.





(IMPERIAL SERIES 1) EverythingWhere stories live. Discover now