Imbes na matulog ako para makapag-pahinga ay hindi ko nagawa yon, higa at ngiti lang ang ginawa ko. Pahinga pa rin naman yon no!
Hindi ko kasi makalimutan ang chinat niya kanina. Binasa ko pa yon ng paulit-ulit at kumuha pa ako ng screen shot para sure talaga at may maipakita ako kay Jenny bukas. Gosh!
'congratulations! proud of you:)
Damn. Ang saya ko!
Maaga ako'ng naghanda para sa dinner namin mamaya. Tamang over-sized t-shirt lang at shorts ang sout ko, binun ko rin ang buhok ko para maayos ako tignan kahit maayos naman na talaga.
"Congratulations, Gati! So proud of you!"
Bati ni Uncle sa'kin sabay yakap, he even give me a gift "Ano to?"
"Open it, kami ni Auntie mo ang pumili sa design niyan." Masayang ani ni Uncle at agad naman lumapit si Auntie sa'min matapos makipag-usap kina Nanay "Go on, Gati and please, don't ask for the price," sabi ni Auntie kaya binuksan ko na ang regalong dala nila.
It was a gold necklace at may pendant yon na pangalan ko ang nakasulat. Gati. I smiled.
"Thank you po, it's nice."
Agad akong tinulungan ni Auntie na soutin yon "Okay, let's take a picture before dinner!"
Dumating pa ang iba pero Imperial Family lang ang lahat.
"So kung aabot kayo sa national, sa Manila yon gaganapin?" tanong ni Tita Virgie "Opo, kung aabot," maikiling sagot ko.
"Manifesting na makaabot ka sa national." Ngumiti ako sa sinabi niya sabay inom ng wine ko.
"Ay, hi! Good evening everyone! Good evening Mayor!"
Bati nang kung sino.
"Ay ter! Buti nakarating ka, akala ko hindi na naman darating," ani ni Nanay ng salubungin niya ito. Bisita niya, at kapit bahay lang namin. Nakipag-beso siya kay Nanay at nakipag-kamay kay Uncle.
Tumingin ako kay Nanay at nahuli niya ako'ng nakatingin sa kanya, binaling ko ang tingin ko kay Tatay "Wala ako'ng alam niyan ah, hindi ako nag-invite," bulong niya sa'kin.
Umupo ito sa tabi ni Nanay at bumaling sa'kin "Hi, Gati! Good evening. Congratulations pala ah, nasabi sa'kin ni Dani. Nanalo daw kayo sa debate," sabi niya at tumango lang ako.
"Talagang magaling ka no? Siguradong marami na namang magkakagusto sayo niyan," aniya sabay tawa, kumunot ang noo nila at ako naman ay sumipsip lang sa baso ko dahil nagsimula ng uminit ang ulo ko.
"Sabi pa sa'kin ni Danica na marami raw nagkakagusto sayo, may nanliligaw nga daw eh! Ilan kaya? Ter, alam mo ba na maraming manliligaw at nagkakagusto kay Gati? Kayo Mayor, alam niyo po ba?"
Nakapatong ang mukha ko sa dalawang palad ko habang nakatingin sa kanya at may kunting ngiti sa labi.
"Actually, we normalize that na may at marami ang nagkakagusto kay Gati, I mean, look at her. She's too pretty and look so gorgeous, matalino pa kaya sino ang hndi magkakagusto niyan, she's even so talented, she can sing and dance. There's a lot of things on her kaya marami ang nagkakagusto sa kanya."
Sabi ni Ate Perry, I feel flattered kaya hindi ko napigilan ang pag-ngiti.
"Pero may manliligaw na siya, I'm sure you guys don't like na magkaka-boyfriend siya ng maaga di'ba lalo na't wala pa siya sa legal age niya."
"We also normalize that and we also normalize na nire-reject niya ang mga ito. She rejeted a lot of them," ani ni Tita Virgie.
"Just to let you know.. This is a family dinner and your not one of us. Inimbita ka dito and we're not expecting na ito ang sasabihin mo, we had this dinner to celebrate the victory of our beloved Gati Imperial, if your just going to ruin our moods, please eat properly and leave afterwards."
Kalmadong saad ni Auntie pero may diin yon, this is what I like about her. She can talk properly and calmly without rising her voice pero halatang hindi na masaya sa nangyayari.
Tumayo siya at lumabas na, sinundan naman siya ni Uncle.
"Baka may gusto ka pang sabihin tungkol sa'kin," sabi ko sa kanya at umiwas lang siya ng tingin.
Napatingin ako kay Nanay na parang nahihiya ring tumingin sa'kin.
Nagpatuloy lang sila sa pagkain at pag-uusap. Maya-maya lang din ay bumalik na si Auntie kasama si Uncle.
"Nag-aral kayo?" rinig ko'ng tanong ni Jhazel pagkarating ko sa classroom "Nag-aral ako pero, p*ta! Niisa walang pumasok sa utak ko!" reklamo ni Angel.
"Ako din, madali lang sana kung enumeration lang di'ba? Pa'no nalang kung maghingi si Sir ng definition tapos yon pa yong malaking points!" ungot ni Trisha.
"Nag-aral ka Gati?"
"Basa konti tulog ng sobra." Kibit-balikat ko'ng sabi.
"Faraday will be unity today," saad ni Jake ng makarating siya, nagtawanan kami sa sinabi niya.
"Ikaw Chareese, nag-aral ka?" umiling siya.
"Weh! Alam niyo ba yong may kaklase kayong di daw nag-aral pero muntik ng i-perfect ang quiz," pabiro pa siya netong inirapan at tipid lang na ngumiti si Chareese.
Ang talino niya rin kasi, sobrang tahimik pero sobrang talino.
"Oy, wag niyo lakasan ang boses niyo ah, baka marinig kayo ni Sir."
Recess.
"Congratulations, Gati!" halos bati ng lahat sa'kin ng bumaba na ako. Ganon din ang sinabi nila kay Jake, pati na rin teachers sa tuwing may makakasalubong kami.
Tumambay kami don sa may railing malapit sa canteen may 13 minutes pa bago magsimula ulit ang klase.
"So gala na tayo mamaya?" aya ni Reyna.
"Sa'n tayo? Burger Hub?"
"Sige tapos, Buy The Way kaagad tayo. Punta kaagad tayo kina Gati tapos don tayo sa kwarto mo tambay."
Tumango lang ako bilang sang-ayon, tumingin ako kay Jenny na ngayon ay nakatingin kay Jake na parang bang natutulala siya neto. Siniko ko siya kaya napatingin siya sa'kin, pinanlakihan ko siya ng mata kaya kinunutan niya lang ako ng noo.
Tumingin ako sa may hagdanan ng bumaba ang Grade 8 Darwin, ang ingay rin kasi nila. Humihingi pa sila ng excuse kasi ang dami namin dito kaya napapatingin ang iba sa'min.
"Padaanin mo, oy!"
"Ay sorry, sige daan ka lang."
May iba pa na para bang kinikilig dahil nakita nila ang mga kaklase ko na lalake. "Pansinin niyo yon oh, halatang may gusto sa inyo eh," ani ko sa kanila kaya napatingin sila sa mga babaeng estudyante na nagkukumpulan.
"Nasaan ba si Justine?" biglang tanong ni Keith "Gati asan na yon?"
"Ewan, parang kanina nakita ko lang yon sa classroom eh."
Tumingin ako kina Jake, umiwas sila ng tingin.
Siniko ako ni Jenny at may tinuro siya. Sina Aadam at Aamon yon kasama ang iba nilang kaklase, nakita rin sila nina Jake.
"Oy bro, musta!" sabi ni Jake ng makalapit sila sa pwesto namin "Okay lang, congrats ah, sayo rin Gati."
Sabi ng iba niyang kaklase na hindi ko kilala, binati naman ako nina Rica at iba niyang kaklase na kilala ko, si Aamon ay bumili pa ng pagkain at si Aadam naman ay hinintay ko'ng batiin niya ako kahit alam ko na hindi niya gagawin yon.
Pero akala ko lang yon, lumapit siya sa'kin at binigyan niya ako ng pan de coco na paborito ko.
"Here, that's for you. Congratulations ulit."
YOU ARE READING
(IMPERIAL SERIES 1) Everything
RomanceGati Imperial beauty, brain, and popularity are all in her. A crush campus, but time came when she has a crush on a transferee boy who don't know who she is. What will she do? Will she do things to be recognize by him or just admire him from afar an...