Chapter 6

2 0 0
                                    

Maaga ako'ng nakarating sa school, agad ako'ng sumandal sa railings para makita siya.

Baka hindi pa dumating at may chance pa na makita ko siya at malaman kung saan ang classroom niya.

"Pst, good morning Gati." Bati sa'kin ni Justine ng makarating na siya at agad na tumabi sa'kin.

Binati ko rin siya.

"Kakarating mo lang?" he ask again "Yeah.." 

"I chat on you, sabi ko sunduin kita pero hindi mo ata nakita yon," kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at tinigyan yon. Meron nga pati na yong group chat namin kaso naka-silent mode kaya hindi ko alam.

"Silent mode," pinakita ko pa sa kanya yon kaya napatango siya "Did you eat breakfast?"

"Of course, bakit ililibre mo ako?"

"Kung magpapalibre ka," natawa ako sa kanya pero sa harap pa rin ako.

"This past few days, dito ka tumatambay lagi. Why don't you sit on the sofa, oh," turo niya kung saan naka-upo don "Okay lang, I just really like it here. I can see everyone."

"Are you looking for someone? Or expecting someone to see? Kinakausap mo ako ngayon pero wala sa'kin ang atensyon mo," naiinis na ako.

"Anong kailangan mo sa'kin, Justine? Or did you do something na alam mo'ng hindi ko magugustuhan, anong ganap don sa ipinapagawa ko sayo?"

" Okay lang, nagawa ko naman ng maayos tignan mo yon mamaya kung okay na ba yon or may gusto kang baguhin. Wala naman akong kailangan sayo, I just want to talk," sagot niya;

"Wala ka naman palang kailangan eh, you can go ahead inside na. I still want to stay here and please stop talking, your ruining my mood," tumahimik siya sa sinabi ko, maya-maya ay naramdaman kung umalis na siya at pumasok sa classroom.

"Okay ka lang?" tanong ni KC sa'kin.

"Yeah, I'm good."

"Ba't parang galit ka ay Justine?" 

"I'm not mad at him." Sagot ko kaya tumango lang siya at iniwan rin ako don.

Pinahaba ko ang pasensya ko at naghintay lang don. I'm standing here patiently, then I saw him with his twin.

Naglalakad silang dalawa, most girls turn their heads on them. They just walk straightly at lumiko don sa may railings then they went inside in classroom 11 section Venus.

So he's grade eleven and section venus. Kita lang pala yong  classroom nila eh, nasa first floor lang, easy. Nakatingin lang ako don, okay lang. Di naman nila makikita na nakangiti ako eh, I'm wearing my mask, so safe.

Agad ko'ng tinawag si Jenny ng makarating na siya. 

"I know their classroom na, 11 Venus. Don oh, first floor." 

Pinalo niya pa ang kamay ko, baka daw may makakita sa'min.

Days came, kapag may pagkakataon ay tinitigan ko siya o sa kanya lang ako nakatingin. Narinig ko na rin ang boses niya and also hindi ko pa alam ang FB account niya.

"Jen, do you know their Fb accounts?"

"Yeah, yong kay Aamon is Amon Hadi, kay Aadam naman ay Aadam Hadi then may open parenthesis then Adam then close parenthesis. Basta makikita mo kaagad kapag i search mo yan."

Napatango ako don. Mamaya ko nalang yon gawin, wala akong load.

"Mhm! Daan ka nalang sa bahay ipakita ko sa'yo," sumang-ayon ako sa sinabi niya.

Jenny is not talkative. Sobrang tahimik at ang liit ng boses, ako yong katabi niya kaya siguro dahil sa'kin ay naging talkative siya. Ako lang din ang palagi niyang kausap at nagkakaintindihan kaagad kami.

For short, dahil sa'kin naging talkative siya at lumalakas na rin ang boses niya.

"Here! Tignan natin mga highlights niya," excited pa siya at ako naman ay agad siyang nilapitan.

Una namin tinignan ang kay Aamon, may mga highlights siya kaso sobrang aesthetic non. Halos lahat ay naka mask siya or kahit saang parte ng mukha niya ay may takip. Estitik talaga.

Kay Aadam naman ang sunod. Na-excite ako ng konti but I just hide my exciteness kasi baka magduda si Jen, I don't know yet if I just find him attractive or something else na.

"Dalawa lang highlights niya, yong isa is pic niya lang yong dalawa naman ay school," pinakita niya sa'kin yon.

"Hindi kayo friend niyan?" tanong ko "Hindi ah, ba't ko naman siya i-friend? Si crush nga di ko friend siya pa kaya."

"No, what I mean is si Aamon, 'di ba kayo friends sa Fb?"

"Hindi, baka malaman niya na crush ko siya, katakot may gf pa naman," ang advance niyang mag-isip. 

Pagkatapos din non ay umuwi ako, I stalked his Fb kaso hindi ko makita mga shared post nila kasi private may public post naman siya kaso kunti lang. Then I hit the 'Add Friend' button. Silang dalawa.

Dumaan ulit ang ilang araw at ganon pa rin, sa Fb rin ay hindi pa nila ako kinom-firm. So sad. 

I also confirm my feelings already. I know that its not just and admiration. I have a crush on him and for the first time, I care.

"Jen, nitong mga nakaraang araw binabantayan ko ang sarili ko. I did a lot of things to confirm it. I think I have a crush," sabi ko habang naglalakad kami ng mabagal papuntang Ariosa Building.

"Talaga? As in?" kinikilig pa siya. Tumango ako bilang sagot at mahina niya ako'ng tinukso.

"Please wag kang mabibigla. His name is A-"

"Aadam Karman Hadi." 

Gulat ko siyang tinignan.

"Hoy! How do you know?! Wala pa ako sinabihan ah, ikaw palang tas sasabihin ko pa!"

Tinawanan niya ako.

"You know mahilig ako'ng mag-observe ng tao. Isa ka sa inobserbahan ko, nung mga nakaraang araw kasi naging interesado ka lalo na nung nalaman mo na magkambal sila. 'Kala mo iisa tayo ng crush no?"

Ngumuso at tumango ako bilang tugon sa kanya.

"Okay lang yan, magkaibigan tayo tapos target natin kambal."

Sabay kaming natawa.

"So ano plano mo?" Tanong niya sa'kin "Should I have?" 

"Oo, like i-chat mo," pagsul-sol niya sa'kin " Di pa nga ako inak-cept eh tapos icha-chat ko pa."

"Hala! Nag-send ka ng FR?" 

Tumango ako kaya kinilig ulit siya.

Nung gabi non ay naka-chat ko ang isa sa mga kaklase ni Aadam na kaibigan ko. Sinabihan ko siya na crush ko si Aadam. I trust her naman, she's a good friend who approach me here in my first year.

Rica: talaga! OMAYGAD! kaya pala tingin ka ng tingin sa classroom namin ah

Gati: pls wag mong sabihin

Rica: oo naman pero SINGLE SIYA!!!

Natawa ako sa huling chat niya.

Rica: hoy, i-chat mo siya help kita

Gati: takot ako, di pa kami friend sa Fb

Rica: okay lang yan, pwede lang try mo

Gati: tsaka na kapag i-accept niya na request ko para hindi obvious

Dapat lowkey lang.

(IMPERIAL SERIES 1) EverythingWhere stories live. Discover now