Inirapan ko lang siya, humarap ako kay Aadam at kinuha ko ang mga gamit ko na dala niya "Gati, bakit? Sino siya?" hindi ko siya sinagot.
"Bumalik ka nalang don, dito nalang din kasi ako," ngiti ko'ng sabi sa kanya "Sure ka bang okay ka lang?"
"Yeah, hinihintay na rin kasi ako, eh. Bye," tumalikod na ako at sinabayan ang tingin ni Kuya, nang makalapit na ako sa kanya ay agad niyang kinuha ang gamit ko na dala kanina ni Aadam pati ang bag ko.
"Ba't nandito ka sa labas?"
"Sino yon?" sapaw niya sa'kin "Friend, yong naghatid sa'kin," taas-noo kong sagot "Ah, yong nanlibre sayo ng burger?"
Tinignan ko ulit siya ng masama "Di pa umaalis oh," turo niya sa likod ko na sa di kalayuan ay nakatingin lang samin si Aadam.
Kumaway ako at ngumiti sa kanya, hinila ko si Kuya papasok sa loob ng bahay.
"Manliligaw mo yon, no?" hindi ko siya sinagot at naglakad lang papasok sa loob ng bahay "Hinayaan mo'ng manligaw yon sayo? Reject him!"
Hinarap ko siya "Quiet! He's just my friend, okay. Don't make your voice loud," nilagyan ko ng apple ang bunganga niya.
"If liligawan ka niya, kung sino man yang nagkagusto sayo dapat kami muna ang liligawa niya! Ako! Lalo na ako!" tinaasan ko siya ng kilay.
"Wow, ikaw jojowain? Self proclaimed ah, taas ng confidence mo, 'ya," sabi ko sa kanya.
"Just saying, what's the background of that guy anyway," inirapan ko siya.
"None of your business. What's up with your text anyway, kung ano man yang trip mo Kuya, no.. N-O, uuwi na ako. Baka maabutan ko pa sila eh," kinuha ko ang bag ko pero pinigilan niya ako.
"Sila nga nagsabi sa'kin na sasama ka sa'kin, there's an event. Birthday ni Gov. nauna na nga sila eh, susunod daw tayo."
"Eh, anong susuotin ko?" he showed me a green cocktail dress.
Sa sobrang layo ng venue ay nakatulog ako sa kotse habang nagmamaneho si Kuya, nagising lang ako ng makarating na kami. Hindi naman ako masyadong makarelate sa kanila, puro kasi politika ang mga pinag-uusapan kaya may sariling mundo kami ditong magpi-pinsan.
Kami lang ding mag-pipinsan ang nasa isang table kasama ang asawa ni Kuya Miguel na si Ate Perry at Kuya Jerson kasama ang asawa niyang si Ate Marelle, tumatayo lang kami kapag tinatawag kami para mag-picture.
Si Kuya Michael naman ay nag-aabang sa phone niya "Kuya, gusto ko nang umuwi kailangan ko pang mag-practice para sa contest," bulong ko sa kanya "Ako rin, gusto ko nang umuwi."
Tumayo si Kuya at lumapit sa table nila Uncle at Tatay, may binulong siya at tumango naman sila. Bumalik na siya sa table namin kaya tumayo na rin ako "Mga Kuya, mauna muna kaming umuwi ni Gati, kailangan niya pang mag-aral," tumango sa sinabi niya pati na rin sila.
"O sige, Gati don ka na sa bahay matulog," tumango lang ako "Susunod na rin kami mamaya sa inyo," tumalikod na kami ni Kuya at lumabas na.
Pagdating sa bahay ay agad akong nagbihis at nagsimula nang mag-aral.
Kinabukasan, paglabas ko ng gate ay nakita ko si Aadam na naka-hilig sa motor niya, kinawayan niya ako.
"Sumakay ka na sa motor ko, ang dami mo'ng dala oh tsaka halatang kulang ka sa tulog," pinan-liitan ko lang siya ng mata. Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa school, hinatid niya ako sa building namin.
"Gati, excuse daw tayo. Kailangan nating mag-practice, bukas na kasi yong contest, tara na."
Buong araw kami sa ComLab, I'm practicing my hand writing, malay niyo kahit last minute may improvement na magaganap. Hehe.
Maaga kaming pina-uwi ni Ma'am, paglabas ko sa ComLab ay nakita ko si Aadam sa gilid ng pintuan.
"Hatid, kita. You look tired," ngumiti ako sa sinabi niya "Oh by the way, pan de coco and minute maid, for you. For sure gutom ka, hindi kita nakita sa canteen kanina tsaka ngayon ko lang nalaman na dito pala kayo nag-wo-workshop."
Kinuha ko yon at agad kinain, ngayon ko lang naramdaman ang gutom ko "Akin na gamit mo," nginitian ko siya at binigay yon sa kanya. Ngayon ay dala niya ang gamit ko habang ako naman ay nag-i-enjoy lang sa kinakain ko.
"Don muna tayo kina Ate Ivy, baka may gusto kang kainin," tumango lang ako sa kanya, hindi kasi ako makapag-salita dahil puno yong bibig ko ng pagkain, sarap talaga ng pan de coco.
Bumili siya ng cornetto, dalawa. Isa para sa'kin at sa kanya rin yong isa.
"Ubusin mo muna yan, tapos ihahatid na kita."
Tinignan ko siya, kaninang umaga wala siyang kibo ngayon naman parang ganon pa din. Ewan pero naalala ko yong nangyari kahapon nung hapon.
"Kuya ko yon kahapon, bahay yon ng Uncle ko. Kailangan ko'ng dumaan don kasi may pupuntahan kaming event," sabi ko sabay lamon sa ice cream na hawak ko.
"Kuya mo yon?" tanong niya, tumango ako sa tanong niya. Tumango lang din siya at humanga ng malalim, niyaya ko na siyang umuwi na kami at ngayon ay dala niya naman ang gamit ko.
"Gati, have you ever liked someone and get jealous?" tanong niya na ikina-kunot ng noo ko.
"Yeah, but I don't mind about it. Mawawala lang din naman yong nararamdaman ko sa taong yon, beside it's nothing serious anyway," kibit-balikat ko'ng saad.
"So... hindi ka pa nagka-boyfriend?"
"No, hindi naman sila seryoso eh."
"That's... good! You should find someone na seryoso sayo. Malay mo baka nandyan lang sa tabi-tabi di'ba.. yong para sayo," sabi niya, I refrain my self from smiling.
"Yeah, I should. May seryoso naman na lumalapit sa'kin, but it's just that their self confidence is.. Basta gusto ko may self confidence who know his boundaries at sana ma-i-intindihan niya ako especially sa mga pinsan ko'ng asungot," sabi ko sabay tingin ko sa kanya.
"Noted."
Napatingin ako sa kanya "Mhm?" umiling siya sa'kin sabay pigil sa ngiti niya.
"Ikaw? Ano'ng type mo sa babae?" tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya.
"Wala naman masyado.. basta ang sabi ko sa sarili ko dati ayoko sa maarte.."
Maarte ako, shet!
"Ayoko rin sa mayaman.."
Sila yong mayaman, ako estudyante pa lang.
"Ayoko rin sa masungit.."
Halos araw-araw ako'ng nagsusungit, ano ba yan?!
"Yan ang sabi ko dati sa sarili ko, pero ngayon okay lang," kibit-balikat niyang sabi kaya pinanliitan ko siya ng mata.
"Kahit maarte?" tanong ko, tumango siya "Oo."
"Kahit masungit?" tumango ulit siya.
"Eh, pa'no pag ako yon?" pabiro ko'ng tanong sabay tawa pa nang hindi tumitingin sa kanya.
Napahinto lang ako sa paglalakad ng napansin ko'ng hindi na pala siya sumabay sa'kin sa paglalakad "Oh, oy halika na," tinawanan ko siya.
Sumabay na siya sa'kin kaya nagpatuloy lang kami sa paglalakad "Pa'no pag ikaw yon....?" mahina niya'ng tanong kaya itinikom ko ang bibig ko at tumitingin nalang sa dinadaanan ko, baka isipin niya feeler ako, girl.
"Edi mas okay, yon nga yong gusto ko eh."
Napahinto ako sa sinabi niya at gulat siya'ng tinignan. Type niya ako?!
YOU ARE READING
(IMPERIAL SERIES 1) Everything
RomanceGati Imperial beauty, brain, and popularity are all in her. A crush campus, but time came when she has a crush on a transferee boy who don't know who she is. What will she do? Will she do things to be recognize by him or just admire him from afar an...