Chapter 10

2 0 0
                                    

"Ma, kailangan ba talaga naming lumipat ng ibang paaralan? Okay naman kami don sa MVTS ah," reklamo ni Aamon. Pinalipat kasi kami ni Mama para daw bago naman.

"Nak, maganda to. Simula pa lang to, pag-college na kayo pupunta na naman kayo sa ibang paaralan which is a new environment, kaya dapat ngayon palang na senior high na kayo, you should adopt a new environment," mahabang paliwanag niya.

Don kami pinalipat ni Mama sa MSAT, don din kasi siya nagtuturo "So, anong strand ang kukunin niyo? Di'ba gusto niyo maging doctor?" nakangiting tanong ni Mama na ngayon ay naka-upo sa dulo ng kama ko.

"HUMSS po," sagot ko, naguguluhan niya akong tinignan "Ha? Ba't HUMSS? Dapat STEM 'nak," ani ni Mama "Mahirap yon Ma, tsaka kailangan pang mag-take ng exam bago ka makapasok ng STEM kung papasa ka, eh pa'no kung hindi kami makapasa."

"Hindi pa nga kayo nag-take ng exam pinapangunahan niyo na, pero okay lang baka sa HUMSS magbago ang isip niyo di'ba tapos hindi na doctor ang gusto niyo tsaka hindi naman required yon talaga ang maging strand mo para sa college course na kukunin mo. Kaya kung ano man ang gusto niyo sa college pag-isipan niyo yan ng mabuti, ha?" 

Tumango kami ni Aamon kay Mama tsaka niya kami niyakap at lumabas na ng kwarto namin. Maya-maya rin ay lumabas na kami ng kwarto namin para kumain na, nagulat kami ng makita namin si Ate Aamira.

"Ate!" 

Agad kaming lumapit sa kanya at niyakap siya "Wow, parang ilang taon tayong hindi nagkita ah," tumawa kami pati na rin si Mama "Di'ba dapat nasa La Salle ka, wala ka bang klase?" 

"Tanga, sa August pa yong klase ko babalik din ako sa susunod na araw don para tignan ang result ng entrance exam," sagot niya at sinenyasan kami na umupo na. Sa La Salle kasi niya gustong mag-aral at med rin ang kinuha niya don sa Ozamiz.

"Nasaan si Papa, Ma?" tanong ni Ate "Tinawag yon ni Mayor kanina," sagot ni Mama. Si Papa kasi ang Barangay Captain dito samin at madalas ay umuuwi na siya pag-gabi, sinusundo niya naman si Mama sa Mahayag pagpumunta siya don dahil don nga siya nag-tuturo.

"For sure, magkaka-girlfriend ka na niyan sa bagong school na pupuntahan niyo," ngising aso'ng sabi ni Ate "Meron na akong sa'kin, and I'll stay loyal," sagot naman ni Aamon "Ikaw ba sinabihan ko? For sure naman hindi ikaw ang tinutukoy ko lalo na't may girlfriend ka nang.."

Hindi tinuloy ni Ate ang sinabi niya dahil masama na ang tingin ni Aamon sa kanya, nagkibit-balikat lang si Ate at sumubo na "Wag kayong mag-away ha, nasa harapan tayo ng pagkain. Kumain kana 'Mon." 

Hindi kasi gusto ni Ate ang girlfriend ni Aamon, pati na rin si Mama at Papa kaso pinakisamahan nalang nila kasi ayaw ni Mama na maging bastos kami sa grilfriend ni Aamon at ayaw rin ni Mama na mag-away kami dahil don.

Maarte kasi ang naging girlfriend ni Aamon na yon ang pinaka-ayaw ni Mama, Papa, at Ate. Ayaw ko rin sa naging girlfriend niya kaso hindi ko sinasabi sa kanila.

"Anong tipo mo sa isang babae, Aadam?" tanong ni Ate "Wala naman, basta hindi lang mayaman. Maarte kasi pagmayaman na babae, tapos OA pa, then mata pobre tsaka hihiingin sayo ang kahit na ano na alam mong hindi mo maibibigay at pang-huli, maldita." 

"Tsaka yong mga feeling mayaman din na hindi naman mayaman!" pagpaparinig niya "Pero, hindi naman siguro lahat ng mayaman ganyan ang ugali no, basta siguradduhin mo lang na magkakasundo kami para goods," natawa ako sa sinabi ni Ate.

Yon kasi talaga ang gusto ko, kahit kanino magkagusto ako basta wag lang sa mayaman. Nasubukan ko na magkagusto pero hindi nag-wo-work, ewan.

First day of school, di naman kami late ni Aamon, mabilis nga akong naligo dahil hindi ako ginising ng kambal ko'ng puro lang cellphone niya ang inaatupag, pero naka-line na lahat ng estudyante don para sa flag raising. Malaki ang MSAT ang dami ring estudyante ngayon.

(IMPERIAL SERIES 1) EverythingWhere stories live. Discover now