"Bye.."
Paalam ko sa kanya ng dumating na kami sa campus. Nasa tapat na kasi siya sa building kung saan nandon ang classroom na papasukan niya.
"Ba-bye?" tanong niya kaya tumango ako "Magkikita naman tayo mamaya kaya wag kang magba-bye. Magkalapit lang yong building natin oh, pwede pa nga kitang ihatid sa room mo eh."
"Wag na, may gagawin ka pa. Cleaners ka oh," nguso ko sa mga kaklase niya na nasa pintuan na may dalang walis-tambo at mop sa sahig. Natawa ako sa reaksiyon niya ng ngumuso siya kaya tinalikuran ko na ito.
Pag-akyat ko ng hagdan papunta sa room ay si Justine ang nakita ko na naka-upo sa may hagdanan habang naka-patong ang dalawang braso sa tuhod at mukhang seryoso.
"Good morning." Bati ko sa kanya at tinalikuran siya pagkatapos mag-suot ng shoe-mop.
Rinig ko ang yapak niyang naka-sunod sa'kin "Hinatid ka ng Hadi na yon?"
"Hindi," sagot ko "Eh, ba't magkasama kayo papasok dito?"
"Kasi magkasabay kaming naglakad papunta dito sa campus."
"Ang layo ng bahay nila, talagang naglakad siya?"
"Nakasakay siya ng motor sa totoo lang, pero sabi niya pina-una niya ang motor niya dito sa school tas naglakad siya then ayon nagkasabay kami," ngumiti ako sa kanya kahit pa-sira na ang mood ko kaya tumalikod na ulit ako..
"Di'ba sabi ko sunduin kita?" tanong niya ulit "Wala kang sinabi na sunduin mo'ko pero, sabi mo ihahatid mo ako pauwi kahapon kaso ang nangyari ay nakalimutan mo yata kaya ayon."
I heard him hissed pero hinayaan ko lang siya hanggang sa makapsok na kami sa loob ng classroom "Gati!"
"Sorry, hayaan mo babawi ako--"
"You don't have to Justine. No pressure. Wala ka namang obligation towards sa'kin pero sana wag mo'kong paasahin, its a waste of time."
Bumaba na kaagad ako at pumunta ng YCAP area kung saan nandon ang mga classmates ko "Oy Gati, dapat daw may i-pass tayo na article mamaya sabi ni Ma'am," salubong nito sa'kin.
"May nagawa kana?"
"Wala pa nga eh, kaka-chat lang ni Ma'am kanina sa gc."
Tumango lang ako at nilibot ang paningin sa paligid. I saw a white flower, hindi ko napigilan na pitasin ito. Its so small but so attractive! Inamoy-amoy ko pa ito at sumayaw-sayaw pa.
"Hoy, maglilinis tayo hindi sasayaw lang. Kayo jan, mamaya na yong tsismis niyo ang ingay niyo sa gc tapos dito ang iingay niyo pa rin, mamaya niyo na pag-usapan yan tsaka yong mga lovelife niyo!"
Singhal ni Angel sa kanila kaya imbis na mainis ako ay natawa nalang sa sinabi niya.
Recess time na pero wala akong planong bumaba papuntang canteen, gagawa ako ng article para may i-pass mamaya.
"Asan si Gati?" rinig ko'ng tanong ni Jake "Hoy, bakit?"
Lumapit siya sa'kin at inabot sa'kin yong limang piraso ng pan de coco at minute maid "Wow, himala. Salamat sa libre ah, anong ispirito ang sumapi sayo ngayon?" naka-ngisi ko'ng tanong sa kanya.
"Haha, tanga! May nag-utos lang sa'kin, si Aadam. Bigay ko raw to sayo, di ka daw kasi bumaba," kumunot ang noo ko sa sinabi niya, may sasabihin na sana ako pero tumakbo na siya palabas.
Kakatayo ko lang sa upuan ko para lumabas pero nag-ring na yong bell, hudyat na magsisimula na ang third period at tapos na ang recess pero lumabas pa rin ako.
Pumunta ako sa railings at tumingin sa baba, nakita ko si Aadam at Jake na nag-uusap at nag-apir pa, nagtawanan pa sila at umalis na si Aadam kasama ang kambal niya. Nasa tapat na siya ng room nila ng makita niya ako.
YOU ARE READING
(IMPERIAL SERIES 1) Everything
RomanceGati Imperial beauty, brain, and popularity are all in her. A crush campus, but time came when she has a crush on a transferee boy who don't know who she is. What will she do? Will she do things to be recognize by him or just admire him from afar an...