Note: Mula po ito sa aking imahinasyon. Anuman pagkakatulad ng kwentong ito ay pawang insidente lamang o 'di sinasadya. Kaya enjoy yourselves!
"Imagination is more important than knowledge."- A. Einstein
***
#Prologue
Natatandaan pa ni Charles noong una siyang basahan ng kanyang ama ng isang story book bago matulog. Siyam na taon gulang siya nu'n pero natatandaan niya pa rin.
Natatandaan niya ang bilog na salaming pilak ng ama niya, ang hand gestures niya habang nagkukwento at ang papanot niyang buhok. Maski ang singkit nitong mga mata dahil sa may lahing japanese ang ama at tumira na sa Pilipinas.
"Isang maliit na aso na kasingputi ng nuwebe ang balahibo ang alaga ni Prinsipe Shan. May asul na mata ito at ang buntot nito ay putol kaya tinawag siyang Short-tail," malakas na pagbasa ng Papa niya sa kalagitnaan ng istorya habang siya'y nakikinig sa tabi ng ama. He still remembered the pictures in his story book. Gusto niya ang pictures sa libro.
Pagkalipat niya ng sunod na pahina ay siyang pagpasok ng malamig at malakas na hangin sa silid ni Charles na parang may dumating na ipo-ipo. Huminto ang mag-ama sa pagbabasa.
Bumukas-sara ang bintana, natumba ang angel figurines nila at malamig ang hangin na pumapasok sa kwarto. Napayakap ang batang Charles sa ama niya sa takot. Hindi nagtagal ang malakas na hangin ay naglaho at nakarinig sila ng pagtahol ng aso sa ilalim ng kama.
Doon nila napagtantong may aso nga sa kwarto na nakapagtataka. Una, wala silang alagang hayop pangalawa ay kapareho ito sa binasang libro!
"Arf, arf, arf!" Si Short-tail.
Mula noon 'di na nagbasa ng libro ang ama niya at maski si Charles ay pinagbawalang humawak ng aklat. Dahil sa bata pa siya hindi niya batid ang nangyari. Ang alam niya'y bigay ng mama niya ang aso at sinuprise lamang siya.
Kahit na ang totoo ay mula sa libro ang aso.
--After 11 years--
Lumaki si Charles na labis na nagtataka sa kilos ng mga magulang niya. Bawal siyang magbasa ng libro, kahit sa online reading sites bawal siyang magbasa. Wala rin libro sa bahay nila maliban sa textbooks na ginagamit sa school niya.
"Charles, sige papahiramin ko na lang sa iyo itong Phantasm. Kanina ka pa nakatitig e." Hanggang sa pinahiram ng kaibigan niyang si Coco ang best seller book sa Pilipinas ang Phantasm.
"No thanks." Tanggi niya kasi naisip ni Charles ang bilin ng magulang niya. Ang weird talaga ng magulang niya pero kahit ganu'n susundin niya na lamang ito.
"Charles naman! Ikaw lang sa buong school natin ang walang kopya ng sikat na libro na ito. Try mo dud. 'Di naman kabaklaan ang pagbabasa ng libro e. Dagdag points nga iyan sa girls!" Dahil sa pamimilit ni Coco hiniram niya ang hard bound na libro na may kakaibang disenyo. Ang Phantasm ay isang fantasy story na sinulat ni Purpleface ang pinakasikat na writer ngayon na hindi nagpapakita sa tao.
Patago niyang binasa ang libro nang sumapit ang alas-dose ng gabi kung saan tulog na ang lahat. Sinigurado niyang tulog ang mga tao sa bahay. Sa ilalim ng kumot, gamit ang flashlight sinimulan niyang basahin ang libro.
"Isang snow warlock at manlalakbay ang dumayo sa lupain ng Utopia. Dala ang mga binibenta niyang amulet at armas. At dala ang isang sikretong misyon na paslangin ang Hari ng Utopia. Siya'y mula sa hilagang parte ng kanilang mundo ang Icelleyum kingdom. Mala-pilak ang kulay ng buhok niya na tumatabing sa mata niya. Ang mata niya ay asul na asul at bilugan, maputla ang balat, matangkad, matipuno at matapang ang binata. Wala siyang sinasanto basta't matupad lang ang misyon niya. Siya si Erion the warlock." Natuwa siya dahil may picture sa baba nito.
BINABASA MO ANG
The Goldenhand's Pen #Wattys2016
FantasyThe Goldenhand's Pen by cindylyna (2015) - Best Fantasy Mega Watt Award (2017) - MEGA WINNER (2017) Synopsis: Sabi nila walang yumayaman sa pagsusulat. Wala kang mapapala sa pagsusulat ng kung anong nobela. Ngunit para kay Lyna na is...