Chapter 3
si charles po -->
Also like our Fb page: cindylyna
----..;
Sa kakatakbo namin ni Charles napunta kami sa isang makipot na daan na ang dulo ay mga nagtataasang pader na. Kaya nakarinig na naman ako ng malulutong na mura ni Charles at ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Sana hindi mabali ang mga buto ko sa kamay.
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Mga lumang silya, sampayan, daga, mga pusa at trash drums ang tanging nakikita ko. Saan ba kami pwedeng magtago? Pagod na ang mga paa ko sa kakatakbo 'di naman ako atleta.
"Doon tayo!" sabi ko at hinatak ko siya papunta sa drum na puno ng basura. Dalawa ang drum na iyon ang nabubulok at 'di nabubulok.
Pwede na siguro ito pagtaguan. Hindi na siya nakapagreklamo dahil pumasok na ako sa loob ng drum. "What are you doing?" he asked me.
Mabuti at kasinlaki ng tao ang drum na basurang ito kaya kasyang-kasya ako. Kinuha ko ang takip ng drum bago humarap sa kanya. "Dalian mo na. Magtago ka na!" ani ko at saka yumuko upang takpan ang drum na pinagtataguan ko. Buti na lang 'di nabubulok o recycled materials ang nasa loob ng drum.
Napilitang pumasok sa katabi kong drum si Charles. 'Wag na siyang umarte pa pasalamat siya tinulungan ko siya. Tinakpan ko ang aking ilong dahil may nalalanghap akong 'di maganda malamang basurahan ito Lyna. Tiis ganda muna ang peg ko hangga't 'di pa umaalis ang mga humahabol kay Charles.
Naririnig ko na ang mga yabag ng sapatos at mga tinig ng mga lalaki. Sumilip ako sa maliit na butas ng drum at mula dito nakikita ko sila.
"Nasaan na sila?" tanong ng isang matabang lalaki na may pulang jumper na suot. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod ito. Pero ang cute niya sa jumper niyang suot teka uso pa ba iyan?
"Wala, wala, wala, wala sila dito!" sagot naman ng mapayat na lalaki at naka-blue na jumper. Ito'y masyadong hyper at mukhang madaldal. Walang anu-ano'y binatukan siya ng matabang lalaki.
"Paulit-ulit ka naman!" aniya at tinalikuran niya ito. Pagkatapos ay luminga-linga siya sa paligid para hanapin kami. Muli kong tiningnan ang payat na lalaki at napansin ko sa puwetan niya ang isang mahabang itim na tali na gumagalaw o parang buntot. Tama nga ba itong nakikita ko? Nakausli ito sa pantalon niya at hindi nila ito namamalayan.
"Dos ang buntot mo!" sabi ng isa pang lalaki na matangkad, naka-berdeng jumper at tanging naka-leather jacket. Sumalubong ang mga kilay ko nang maalala ko ang tauhan sa kwento ko. Si Uno, Dos at Tres ang Naugthy Triplets na kontrabida sa libro kong Phantasm.
Napaka-imposible naman ng naiisip ko. Baka trip lang nila ipangalan sa kanya ang Dos. Dali-daling tinago ni Dos ang kanyang buntot sa loob ng pantalon niya at ngumiwi. Diyos ko buntot nga ba iyon? Ano ba iyon?
Biglang humarap ang naka-green na lalaki sa gawi ko kaya nakita ko ang hitsura niya. "Mukhang wala ang Silvertongue dito." Silvertongue? Kumunot ang noo ko.
"Tara baka nandoon sila!" sabi ng isa at kumaripas ng takbo ang tatlong weird na lalaki. Akala ko makikita kami dito buti na lang naisipan ko ito. Ang galing galing ko talaga!
But the heck they're weird. Si Uno na mataba at may shades, si Dos na may buntot daw at si Tres na naka-leather jacket. Ang lakas ng trip!
Nagpalipas ako ng ilang minuto bago ako nakahinga ng maluwag at nakapag-isip ng matino. Baka bumalik pa sila madamay pa ako sa isyu ni Charles. Napaigtad na lang ako nang kumalabog ang katabi kong drum. Si Charles! May kasama pa pala ako. Sinipa niya ang basurahan kung nasaan ako. "Hoy lumabas ka na diyan! Bwisit," sigaw niya at halata sa tinig niya ang pagka-inis.
BINABASA MO ANG
The Goldenhand's Pen #Wattys2016
FantasiThe Goldenhand's Pen by cindylyna (2015) - Best Fantasy Mega Watt Award (2017) - MEGA WINNER (2017) Synopsis: Sabi nila walang yumayaman sa pagsusulat. Wala kang mapapala sa pagsusulat ng kung anong nobela. Ngunit para kay Lyna na is...