Chapter 11 - #Ice&Snow
Dedicated to: KhinLei
Erion sa multimedia.
Pls. Use your vast imagination haha. :D have fun reading.
****
Lyna's POV
Alpho did great. He used his magical cards to control the damage along the way. He used Freezing cards to stop the time and all living things.
He also used the reverse fantasy. These card remove the memories of people who saw the fight and those unbelievable scenes that might shock them. Before Alpho deactivate the freezing card he was able to delete the CCTV footages and any evidence.
Last card he used is the Reparo card that repairs the damages we've been done. I am proud and very thankful to Alpho, he did his part well although he came late.
Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa mansion ni Charles dahil buong biyahe yata nakatitig ako kay Erion. Hindi pa rin ako makapaniwala. Katabi at kasama ko ang likha ko, ang produkto ng malikot kong isip.
Nakaka-star struck! Ang gwapo niya at kisig. Kahit naka-poker face lang siya ang gwapo pa rin niya at sobrang puti niya. He's so amazing, he can turn things into an ice! Freeze them, solify it and build a snow.
A loud thud distracted me. Pagkatingin ko, nakita ko si Charles na nakasimangot at tama bang ibalibag ang pinto ng kotse?
"Labas na diyan!" he shouted outside. Lihim akong umirap at tinanggal ang seatbelt ko. Ewan ko ba diyan, akala ko okay na. Pero nag-iba na naman ang mood niya pagkatapos namin mahanap si Erion.
Labis ang tuwa at gulat ko ng pagbuksan ako ng pinto ni Erion take note inalalayan niya pa ako hanggang sa makaakyat kami sa isang pribadong kwarto. He's so gentleman.
"Ang swerte siguro ni Yerah sa'yo nu?" bigla kong nasabi habang inaalalayan niya akong umupo sa single sofa. Feeling close lang Lyna?
Pagkabanggit ko ng pangalan ni Yerah napangiti siya at tila nagningning ang blue eyes niya. Ayiee, ang cute.
"Hindi. Ako ang masuwerte sa kanya," aniya na kinakilig ko ng lihim. Grabe, nakakainggit si Yerah. Tipid ngunit matamis ang ngiti niya pero sa mga mata niya mapapansin mong may lungkot sa loob.
"Ehem!" Napaupo ako ng matuwid ng sumulpot sa harapan namin si Charles ng nmgakataas ang kilay. Ngumisi si Erion, pumunta sa tapat ng malaking bintana at doon sumandal.
Gumapang sa mga binti ko ang violet na aso, I mean si Alpho at humiga sa lap ko. Naglalambing na naman ang alaga ko. Minasahe ko ng banayad ang ulo niya hanggang sa makatulog na siya sa mga hita ko.
Wala naman aircon sa kwarto pero ang lamig-lamig pero dinaig pa ng dalawang ito ang temperatura sa lamig ng tinginan. Paano kasi ang lamig ng mga titig nina Erion at Charles. I think the tension was growing between them.
"Uhmm...So, Erion this is Charles the Silvertongue," I introduced, I think I should introduce Charles formally. As far as I remember, muntikan ng mapatay ni Erion si Charles. Sinisisi kasi ni Erion si Charles sa nangyari sa kanila.
Pero ni hindi man lang natinag, tumingin o kumibo si Erion pati si Charles! Okay, mukhang magkagalit sila which is bad. Paano na lang ang team namin kung magkagalit sila? I took a sighed and I carefully put Alpho on my couch. Pumagitna ako sa dalawa at tiningnan sila.
BINABASA MO ANG
The Goldenhand's Pen #Wattys2016
FantasyThe Goldenhand's Pen by cindylyna (2015) - Best Fantasy Mega Watt Award (2017) - MEGA WINNER (2017) Synopsis: Sabi nila walang yumayaman sa pagsusulat. Wala kang mapapala sa pagsusulat ng kung anong nobela. Ngunit para kay Lyna na is...