Chapter 22: #Searching

1.7K 77 14
                                    

#Searching

Have fun reading! Thank you sa support guys.

***

Inabot ko sa kanya ang nag-iisang panyo ko at kinuha niya ito. Pinunasan niya ang kanyang luha at suminghot doon. Lihim akong napangiwi at tipid na ngumiti.

"Ayos na po ba kayo?" tanong ko pagkatapos niyang kumalma at tumigil sa pag-iyak.

"Huwag po kayong mag-alala gagawin ko ang lahat para matapos na ito. Itatakas ko kayo at pababalikin ko si Marga at ang kanyang kampon sa libro," matapang at puno ng determinasyon kong saad saka uminom ng tsaa.

"Teka, ikaw ba ang sumulat ng Phantasm?"

Sumilay ang ngiti ko sa mukha at proud na proud siyang sinagot. "Opo."

'Di tulad ng reaksyon ni Gladys at Charles naiiba ang kay Tita Vivian nang malaman nila na ako ang sumulat ng Phantasm. Akala ko matutuwa siya pero nagkamali ako. Dahan-dahan lumamlam ang kanyang mata at malungkot na tumingin sa tasa na nasa harapan namin.

"Ikaw ang tanging paraan para matigil ang kasamaan ni Marga. Maraming umaasa sa'yo hija," aniya.

Oo, alam ko iyon. I know that fact. Ang hirap ng aking sitwasyon maraming nadadamay at kailangan ko ng mahanap sina Charles.

Hindi ko alam kung paano pero unti-unting bumigat ang pakiramdam ko at yumuko na lang.

"Sorry. Sorry po Tita Vivian dahil kung hindi dahil sa akin... sa gawa ko ay hindi sana mangyayari ito. Hindi po sana kayo magkakahiwalay ni Gladys..." malungkot kong turan at ang mga mata ko ay nag-umpisa ng lumabo dahil sa luha.

"Ssshh... huwag mong sisihin ang sarili mo. Walang may gusto nito." Hindi ako sumagot dahil ang lungkot-lungkot ko. Kahit saan man tingnan ako ang may kasalanan at dapat lang na mamoblema ako dito.

Narinig ko siyang bumuntong-hininga at tumingin sa kisame na para bang may iniisip o inaaalala.

"Alam mo ba kung bakit kami nagkahiwalay ng anak ko?" doon ako napatitig sa mukha niya at kumunot ang noo ko at napaisip.

Naala ko ng minsan ng nabanggit sa akin ni Gladys na nag-iba ang ugali at pakikitungo ng mama niya matapos itong maaksidente. Pero gusto kong marinig ang nangyari mula sa kanya at kung paano niya naatim na makisalamuha ang mga weird na nilalang.

Dahan-dahan akong umiling at nagkibit-balikat bilang sagot. Bumuntong-hininga siya at nakita ko na naman sumilay ang luha sa gilid ng kanyang mata. Emotional person pala si Tita Vivian.

"Maraming buwan na ang nakakalipas mula ng maaksidente ako sa sasakyan ko at papunta ako sa Laguna. Natatandaan ko pa isang itim na kotse ang bumundol sa sasakyan ko at pareho kaming nahulog sa bangin. Maswerte ako dahil nakalabas ako sa kotse ko at pinuntahan ko 'yung driver ng nakabangga kong kotse. Natagpuan ko siyang wala ng buhay..." hindi ko mapigilang mapalunok habang nagkukuwento siya. Iniisip ko pa lang ay natatakot na ako. Grabe pala ang nangyari kay Tita Vivian.

"...Nagising na lang ako na wala na ako sa kotse ko at ni wala akong natamong sugat. Nagising na lang ako dito sa lugar na ito at nagawa ko na ang lahat para tumakas pero hindi ko nagawang umalis. Isa na akong katulong at alila sa Palasyo. H-Hindi ko na kaya. A-Ayoko na dito..." naging garalgal ang kanyang boses at hindi nagtagal tumulo na ang luha niya.

Ibig sabihin kinulong siya ni Marga dito at si Marga ang nagpanggap bilang ina ni Gladys para ano? Bakit niya iyon ginawa.

I knew it.

Ginawa niya ang pagpapanggap para mapadali ang paghahanap sa amin. Sa Goldenhand at Silvertongue. Pero ngayong nasa kamay na ako ni Marga ano na naman ang kanyang plano sa akin?

The Goldenhand's Pen #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon