Chapter 12: #FactoryofBallpens

1.8K 98 18
                                    

Chapter 12 -
#FactoryofBallpens

FOR THUNDER-EMPEROR

Enjoy po :D

****

Lyna's POV

Fact about me, I like walking in the street when the night was came. 8:30 evening I was walking and trolling around the street.

Suot ang sweater na dilaw, rubber shoes at jeggings dumaan ako sa isang convenience store para bumili ng tinapay, pineapple juice at ang paboritong pagkain ni Alpho...ang Yakult.

Friday night kaya 'di nakapagtatakang maraming tao, traffic at rush hour mabuti't walking distance lang ang apartment ko.

Karaniwan lang sana ang gabing 'yon kung 'di lang may humintong pulang toyota sa harapan ko at bumusina ng pagkalakas-lakas. Bumababa ang bintana at bumungad sa akin ang mukha ni Gladys.

"Hi!" she greeted with a playful smile. Oh c'mon pati ba naman sa gabi makikita ko siya?

Hindi ko siya sinagot nanatili lamang akong nakatingin sa kanya. Tumikhim siya ng mapansin niyang tahimik akong nakatayo at pinahalata ko pang naiinip ako.

"Pwede ba kitang makausap?"

I'm bounded with my curiosity that's why I hop in inside her car. Usap lang naman siguro mga ilang minuto lang iyon. Nasa likod kami ng driver niya, mayaman nga.

"Anong pag-uusapan natin? Nagmamadali kasi ako," ani ko. Nangako ako kay Alpho na 20 minutes lang ako mawawala.

May sinenyas siya sa driver at nagtaka ako ng biglang umandar ang kotse.
"What's the meaning of this? Saan tayo pupunta?"

She laughed and leaned comfortable. "Kalma lang."
Masamang tingin ang pinukol ko sa kanya pero binalewala niya lang iyon.

"Ibaba mo ako," matigas kong utos.

"Not so fast." Damn this girl! 'Di ko mawari kung bakit niya ito ginagawa?

Humarap ako sa pintuan at pilit na binuksan ito. Pero kahit anong gawin ko hindi ito mabuksan. She locked the door!

"Ano ba Gladys 'di ka na nakakatawa! Open the door!" pagwawala ko at lalo pang bumilis ang takbo ng kotse. Masama talaga ang kutob ko sa nangyayari.

Pumiksi ako ng hawakan ako ni Gladys. "Lyna, listen to me!" She shouted right on my face and I gave her an evil glare.

"Ipaliwanag mo muna kung ano ang nangyayari!" singhal ko sa kanya.

Napanguso siya. "I need your help," diretso niyang sagot na kinahinto ko. Binaba ko ang mga kamay ko na pumupukpok sa bintana at tumingin sa kanya.

She looked down.
"Si mama kasi..." napapikit ako sa inis. Ang nanay na naman niya. Hindi ko alam kung ano na naman ang gagawin niya para lang mapansin siya ng mama niya. I have no idea until I found myself standing infront of tall, beautiful and glamorous buildings.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko kay Gladys na nakatayo sa tabi ko.

Dolphane Incorporation. Napasinghap ako ng mabasa ko ang nakasulat sa entrada ng gusali at ang logo. Dalawang oblong na may diamonds sa loob---teka! 'Yung symbol na iyan katulad ng sa pendant ni Gladys!

"Welcome to Dolphane!" masiglang wika ni Gladys. Dolphane is the famous brand of ballpen and art materials around the world. Sa sobrang sikat nito, mahal ang presyo. Akalain mo isang ballpen ay nagkakahalaga ng 100.00

Hinigit niya ako papunta sa likod ng puno nang huminto ang isang itim na Ferrari. Nakapagtataka kung bakit may tao pa eh sarado na ang gusali at wala ng nagaganap na operasyon sa loob.

The Goldenhand's Pen #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon