#TheWitch
Salamat ng marami sa mga mambabasa ng HM :* balak kong ipasa ito sa mga publishing company kpag natapos. Dream and believe lang guys maachieve rin natin ang dreams natin. :)
Later na lang ako pipili ng dedication. Uhhm, may picture na naman pong lilitaw sa pagbabasa nyo diyan :)
***
"GLADYS!"
Nanlaki ang mga mata ko at nabuhay ang pag-asa sa puso ko na malapit ng mawala pagkakita namin kay Gladys. Sumisigaw siya habang tumatakbo palabas ng kanyang mansion.
Muntik na akong matumba ng 'di sinasadyang masagi ako ni Charles. Para naman kasi akong tangang nakatayo lamang kaya ayan 'di na ako nakita ni Charles sa pagmamadaling lapitan si Gladys.
Pinilig ko ang ulo ko at sinundan na lamang sila papunta sa bahay na iyon. Pero wala pa kami sa kalahati ng biglang sumigaw si Gladys.
"HUWAG KAYONG LALAPIT!"
Awtomatikong huminto ang mga paa namin at ako ay nabunggo sa matigas at malamig na likod ni Erion. Malas ko yata ngayon? Asar.
Huminto rin si Gladys sa paglapit at tanging malaking gate lamang ang pumapagitna sa amin.
"Pumunta kayo! D-Diyan lamang kayo. Huwag kayong lalapit! Basta huwag!" nalilito niyang sigaw at takot na takot na tumingin sa likod niya na para bang may something sa likuran niya.
Napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang pag-aalala lalo ng tuluyan ng naging itim ang ulap sa kalangitan at umihip ang malakas na hangin. Marahil ay totoo nga ang sinasabi ni Alpho? Na dalikado dito.
"Gladys ano bang pinagsasabi mo? Halika na at liligtas ka namin!" matigas na wika ni Charles at tuluyan ng lumapit sa gate. Sumunod sa kanya si Erion at Coco, tinulungan siyang buksan ang gate. Nasa tabi ko lamang si Alpho at 'di mapakali. Samantalang ako ay nakatayo at kinakabahan nanunuod sa kanila sa gitna ng kalsada.
"Huwaag! Huwag kayong lumapit!" Napapikit ako, iniisip ko kung ano ba dapat ang gagawin ko. Masama talaga. Dapat na kaming umalis dito. Pero paano?!
I let myself gasped when I started to hear the screeching of metals. I looked the houses specifically the window blinds banging against the window. Okay anong nangyayari? And why the birds are flying and making a disturbing noise.
Nagsimula na akong kabahan lalo ng gumagalaw ng kusa ang paa ko. Hindi pala paa ko ang gumalaw kundi ang lupa na inaapakan ko. Yumayanig!
"C-Charles..." cracks were started to appear on walls down to the ground and they didn't notice it. Ako naman trying hard na nagpapansin sa kanila pero masyado silang abala sa pagbubukas ng gate. Samantalang ako takot na takot na nakatayo sa gitna ng kalsadang nahahati na sa gitna.
Bumaling ako sa kanila kasabay ng pagsigaw ni Gladys.
"ISA ITONG PATIBONG!" Sigaw ni Gladys.
Bakit ngayon lang niya sinabi?!
Napasinghap ako at akma sanang tatakbo nang isang nakakasilaw na liwanag ang bumulag sa paningin ko kasunod ng isang malakas na pagsabog na bumingi sa amin. Wala akong nagawa kundi ang sumigaw sa gulat at takot hanggang sa 'di ko na alam ang mga nangyayari.
And then darkness covered my sight...
Nagising ako ng parang may mainit na likido ang tumutulo sa pisngi ko tapos humahapdi ang noo ko. Ginalaw ko ang kamay at paa ko sunod ay ang unti-unti kong pagmulat. I smelled burning leaves as I tried to get up.
Napangiwi ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa katawan ko. Putek, ano bang nangyari sa akin? Para akong tanga kung humihingal na akala mo ay tumakbo ako, eh natulog lang naman ako at...
BINABASA MO ANG
The Goldenhand's Pen #Wattys2016
FantastikThe Goldenhand's Pen by cindylyna (2015) - Best Fantasy Mega Watt Award (2017) - MEGA WINNER (2017) Synopsis: Sabi nila walang yumayaman sa pagsusulat. Wala kang mapapala sa pagsusulat ng kung anong nobela. Ngunit para kay Lyna na is...