Chapter 28: #AnAttack

1.6K 83 21
                                    

Chapter 28: #An Attack

Thank you for waiting. Enjoy reading! Don't forget to vote/comment. :)

dedicated to Cherry_bloosm


***

Everyone here in Marga's land slash kingdom is busy in doing their own business. Wala akong naririnig sa kanila kundi ang nalalapit na paghirang sa bagong prinsesa nila na walang iba kundi si Lyna, ang Goldenhand.

Kailangan na namin magmadali dahil ilang sandali na lang ay hihirangin siya bilang prinsesa. Kailangan namin mapigilan ito at the same time kailangan din namin makuha si Tita Vivian at si Yerah.

"Magpabango ka na!" Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang maliit na boses ni Alpho. Hawak niya ang binili niyang pabango sa bayan. Isang espesyal na pabango na kayang linlangin sinuman.

Nagpalit ng anyo si Alpho mula sa maliit na oso ay naging isang Soul reaper siya. Napatingin ako kay Gladys at muntik na akong matawa sa hitsura niya. Hindi maipinta ang kanyang mukha pati rin si Erion na halos masuka sa tindi ng amoy ng pabango.

Kinuha ko ang bote ng pabango at ini-spray ko ito sa katawan ko.  Tiniis ko ang nakakamatay na amoy nito. Kung hindi lang ito makakatulong sa amin ay hindi ko na ito gagamitin.

Ang pabangong ito ay magpapalinlang sa paningin at pang-amoy ng Necropolis beast at Soul reapers. Hindi kami mapapansin dahil sa pabangong ito. Ang magiging tingin nila sa amin ay parang katulad din nila.

Pagkatapos kong maglagay ng pabango ay sinuot na namin ang itim na cloak upang matakpan ang mukha namin. Dinala ko rin ang baril ni Coco at sinuksok sa gilid ko kahit alam kong walang lisensya ito.

"Handa na kami, Silvertongue," wika ni Erion sa akin. Nakatago ang espada niya sa ilalim ng cloak at mukhang handa na siya talaga.

"Go! para kay Mama at kay Lyna," sabi ni Gladys bago ngumiti at tinatagan ang sarili.

Napabuntong hininga na lamang ako at tahimik na umusal ng dasal upang magabayan kami ng Diyos sa gagawin namin.

Bumilang ako ng tatlo sa aking isip bago ako tumango sa kanila.

"Sundin lang ang plano maliwanag?" paulit-ulit kong bilin sa kanilang tatlo bago ako nangunang lumabas mula sa inookupa namin lumang bahay-kubo.

Patay malisya kaming naglakad at nakisabay sa kaguluhan ng mga Necropolis beast at iba pang nilalang sa bayan. Alam ko 'di lang ako ang kinakabahan dito pati rin sila basta't makisabay lang sa nangyayari. Salamat sa pabango dahil parang wala lang kami sa kanila.

They don't notice us.

Lahat ng nilalang ay aligaga at excited sa ika nga proclamation ng Prinsesa. Bawat isa ay iisa lang ang tinatahak na direksyon at iyon ay papunta sa Palasyo kaya sinundan na lang namin sila.

Ilang minuto ang nakakalipas ng marating namin ang malaki at lumang Palasyo ni Marga. Parang lumang palasyo ng England ang naalala ko dito. Matatayog ang bawat tore at gawa sila sa bato. May mga flag din nakasabit sa tuktok at may mga beast ang nakabantay sa bawat pasukan ng palasyo.

 May mga flag din nakasabit sa tuktok at may mga beast ang nakabantay sa bawat pasukan ng palasyo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Goldenhand's Pen #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon