Chapter 17: #Hiddenmessage

2.1K 99 22
                                    

Enjoy reading thank you for supporting #Magic: The Goldenhand's Pen :) hulaan niyo ung message ah? Mahaba sya kaya bka matagalan ako mag-update.

NOTE: The name of place that you might encounter in this chapter is purely fictional.

***

"This is bad."

Nagkrus ang mga kilay ko sa inakto niya. He is standing fiercely with close fists and intense eyes. That makes him looked hot. Hayy, what I'm talking about?

Paulit-ulit kong binasa ang letter at kahit anong pagbasa ko wala naman akong makitang bad.

"Charles anong problema? Anong bad? Wala naman bad words ang sinulat ni Gladys dito."

"Seaweed brain talaga!" inis niyang singhal sa akin at manghang napatingin sa akin na para bang alien ang nakikita niya.

I pouted at napakamot ng ulo. Malapit na akong maniwala na utak lumot ako. He took a deep sighed as he calm himself thdo he gave me a dagger look.

"Read the first and last words in each paragraph and you will find the hidden message seaweed brain tsk!" asik niya at saka nagmamadaling tumalikod sa akin.

Hahabulin ko sana siya pero hinarangan ako ng dalawa at pinilit akong basahin ito at alamin ang hidden message. Ano bang hidden message dito sa sulat ni Gladys parang normal lang naman ito. O baka paranoid lang iyon sa kababata niya?

Binasa ko ng malakas ang sulat. When I finished reading the letter, Erion and Alpho looked at me with a doubtful face and Erion asked me to show it to him.

I handed it over to him, and he read it intently. Kumunot ang noo niya sabay kamot sa ulo niya.

"Ano?" Excited kong tanong umaasang alam niya ang sagot.

"Eh ingles hindi ako marunong magbasa ng ibang lengguwahe bukod sa tagalog, latin, iselamice at Utopiansee." Umikot ang mata ko at kinuha ulit ang papel. Sa dami ng langguage na nabanggit niya Filipino lang ang alam ko. Kaloka. Gandang lalaki 'di naman marunong mag-Ingles.

I read it again and find the first and last words on each paragraph.

To Charles and Lyna,

Please huwag kayong magalit dahil 'di ako nakapagpaalam ng maayos. But as for as getting use to live here, I could use some help.

Being a bit nostalgic but remember the secret base Charles? Nakita natin du'n si Pussy 'yung pusa. Remember all of the rats that cat killed?

By the way, sorry talaga ah? Okay lang ako and I'm happy. I'll write later but I need to go help my mom.

P.S. oh, I write this with my mom. I want to see you again.

From Gladys,

At kung ia-analyze mong mabuti. Ito ang lumabas na salita sa kada talata.

Sa first paragraph ay please at help ang nakuha ko. Sa ikalawa ay being at killed naman. Sa third paragraph ay
by at mom. To sum it up ang kalalabasang sentence ay...

"P-Please help being killed by mom..."

Nahigit ko ang aking hininga sa nabuo kong pangungusap. Hindi ako makapaniwala... Nagusot ko ang papel sa sobrang gulat at dala ng kilabot na nararamdaman ko ngayon. Tuluyan nanlambot ang mga tuhod ko mabuti ay nahawakan ako ni Erion bago ako mag-collapse.

The Goldenhand's Pen #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon