Like my page: Cindylyna and her stories
Thanks.****
"Last fall, I was able to buy a very expensive and rare cloth made by Atlanters. This kind of cloth can make the wearers invisible from visual and tactile detection."
Short but great. Pwede na ito. Pagkatapos kong basahin ang sinulat ko sa palad ko gamit ang golden pen, nagsimula ng lumiwanag ang bawat letra nito. My eyebrows raised high and I can't wait to see the real magic!
Hindi nagtagal mula sa sahig ng banyo lumitaw ang pulang tela kasabay ng paglaho ng liwanag. Phew, mabuti at hindi napansin ng mga bantay ko ang mga nangyayari dito.
Tinago at inipit ko ng mabuti ang golden pen sa gilid ng gown, bandang loob. Kinuha ko ang invisibility cloth at tuwang-tuwa sa nagawa ko. Hanggang ngayon nagugulat pa rin ako sa magic na meron ako. I can make things real by simply reading it.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa kailangan kong bilisan bago pa nila mapansin na halos mag-iisang oras na ako sa banyo. Tinalukbong ko ang tela sa sarili ko at unti-unting naglaho ang katawan ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin para i-check kung naging invisible na ako. Tama nga ako hindi ko na nakikita ang repleksyon ko.
Right then, I heard the clinking of chain links, footsteps of heavy boots against the stone floor and the voices coming. Napasinghap ako at nakaramdam ako ng pagpapanic. Paano kapag nakita nila ako?!
Oh, I forgot...may invisibility cloak pala ako.
Nagpunta ako sa tabi ng pintuan ng gumalaw ang doorknob. Kahit invisible ako kinakabahan pa rin ako. Pabalyang bumukas ang pinto na parang sinipa. Mabuti at 'di ako natamaan ng pinto.
"Anak ng tinapa natakasan tayo!" iyan agad ang bulalas ng sino pa...edi ng feelingerong maangas na si Damon na todo outfit ngayon. Kinacareer ang pagiging royal knight.
Nagpasukan sa loob ng banyo ang scary dolls kasama ang dalawa panng necropolis beast in knight outfit and in human size. Galit na humarap si Damon sa scary dolls kaya du'n ko napansin ang pamamawis ng noo niya at ang paglalabasan ng ugat niya sa leeg.
Uh-oh, the feelingerong knight is mad. For sure kinakabahan na iyan kay Reyna Marga niya.
Napahagihik ako sa naisip kong iyon at bago pa nila iyon narinig, tinakpan ko ang aking bibig at pinanuod silang nagkakagulo.
"Akala ko ba dudumi lang ang prinsesa? Bakit wala siya dito ha?! Sumagot kayo!" sigaw niya doon sa kaawa-awang mga manika. Pero ni hindi man lang kumibo ang mga manikang iyon kaya mas lalong nagalit si Damon at kung anong pagbabanta ang sinabi.
Doon na ako pumuslit at umalis sa banyong iyon habang pinipigilan kong tumawa. Hinanap ko ang daanan paalis ng lugar na iyon pero 'di pa ako nakakalayo ay narinig ko ang boses ni Damon.
"IPABALITA SA LAHAT NA NAWAWALA ANG PRINSESA! ANG HINDI MAGHANAP SA PRINSESA AY PUPUGUTAN NG ULO!"
Naku po, kailangan ko ng magmadali pero bago iyon may kailangan pa akong hanapin.
---
"Hanapin ang prinsesa, hanapin. Dalian niyo!"
Nagkubli ako sa likod ng pader nang dumaan ang mga kawal na aligaga sa paghahanap sa akin. Nagtulong-tulong na ang lahat ng katulong, hardinero at maski ang mga mamamayan sa paghahanap sa akin kaya doble-ingat ako ngayon. Kung pwede ko lang idikit ang telang ito sa katawan ko nagawa ko na.
BINABASA MO ANG
The Goldenhand's Pen #Wattys2016
FantasyThe Goldenhand's Pen by cindylyna (2015) - Best Fantasy Mega Watt Award (2017) - MEGA WINNER (2017) Synopsis: Sabi nila walang yumayaman sa pagsusulat. Wala kang mapapala sa pagsusulat ng kung anong nobela. Ngunit para kay Lyna na is...