Chapter 5 : #Bistado

2.3K 133 16
                                    


Enjoy reading. Vote. Shout out your thoughts and feedbacks :D

dedicated kay  XxPrinceV3SsTlamaXx

 ***

Ang soul reaper ay nagpapalit ng balat kada tatlong buwan sa ating kalendaryo pero kada isang taon sa mundo nila. Iyan ang katangian na sinulat ko sa kanila.

Right then 'di pa rin ako naniniwala o makapaniwala. Kaya sinabi ko kay Jolly na...

"Imposible iyang iniisip mo. Baka sa ahas ito nanggaling at isa pa dala lang iyan ng trauma. Mabuti pa at magpahinga ka muna."

Then I felt guilty. I'm a sinner, a lier. Lalo na't nakita ko kung paano lumungkot ang mga mata niya. Hindi pa ako sigurado sa mga bagay-bagay kaya iyan muna ang sinabi ko.

Past 2 ng madaling araw ako nakauwi sa apartment na inuupahan ko. Where's my parents? Nasa Korea ang mama ko nagtatrabaho doon at si Papa ay hindi ko na nakita mula ng isinilang ako. Sabi ni Mama kasi iniwan siya ni Papa ng mabuntis siya.

Hayy, mabuti at ala-una pa ng hapon ang pasok ko. Hindi kasi pare-pareho ang schedule ko oh yeah college life.

Nagluluto ako ng tocino ng may kumatok sa pinto ko. Binuksan ko ito at bumangad ang may-ari ng inuupahan kong apartment. Naniningil ng pambayad sa upa thanks God may natira sa pinadala ni Mama na pera kaya ayun ang pinangbayad ko.

"Next week naman magbabayad tayo ng tubig. Aba, ang laki ng tubig natin! Magtipid naman 'pag may time ha?" Kaasar ito si Aling Biring 'yung mga apo nga niya ang halos magtampisaw sa tubig.

"Sige po," sabi ko na lang para matapos na ang usapan. Naiinis lang ako sa mga bayarin! Ang daming dapat bayaran. Being an independent is so hard.

Sakto naman tumunog ang cellphone ko nang umalis si Aling Biring.

Mr. Meneses calling...

Gosh, ano kailangan ni Sir? Nagmamadali kong sinagot at tawag niya. This is important.

"Hello?"

{"Hi Miss Lyna."} malalim ang boses niya na parang sa mga kontrabida sa T.V. Little bit creepy.

"Yes, speaking..." pinatay ko muna ang apoy sa kalan at nag-focus sa ginagawa ko.

{"I called because I want to talk to you about my proposal..."} bahagya akong napapikit, isa pa itong pinoproblema ko.

Tumagal ng sampung minuto ang pag-uusap namin na ang laman ay tungkol sa book two. Nasend na raw nila ang revised copy sa email ko na sila ang gumawa ng plot. Gagawin ko lang ay palawakin at isulat. Of course I'm not agree with that, I am the original writer of book one so I have the rights to continue the second fresh from mine.

So nag-end siya sa isang deal...
{"Okay, okay. I'll let you to put a twist and change any parts that you think will make our story popular and interesting!"} Umarko ang kilay ko sa pagkakasabi niya ng our story. It is my story kaya kahit nasa kanila ang copyright.

I sighed as I ended our conversation. Wishing that everything will be okay.

***

World literature ang last subject ko ngayon at pakiramdam ko ang lungkot lungkot ko. Una, dahil 'di pumasok si Jolly kaya ang tahimik ng klase. Alam ng lahat ang nangyari sa pamilya niya kaya kaming lahat ay nakikisimpatya.

Isa pa wala rin si Charles. Wala akong inspirasyon charot! Pero nasaan kaya siya? Bakit 'di siya pumasok? May exam pa naman sa Mental health. Bitbit ang purple kong bag, pumasok ako sa room ng walang buhay or in short tinatamad.

The Goldenhand's Pen #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon