Chapter 9: #FindingErion

2.1K 112 19
                                    


Thank you so much sa nagbabasa nito. Sana nageenjoy kayo at 'di maboring Hahaha. Last na muna ito, next year (2016) na ako mag-uupdate. So, Merry Christmas and happy new years guys. :)

para kay: grachiayen itong chapter na ito. Salamat sa pagtangkilik hehe

P.s. Dahil lahat tayo nagugwapuhan na kay Charles! Here's another photo of Charles portrayed by Ryo Yoshizawa (google for image) ang gwapo niya tologo! Haha

****

Lyna's POV

"Luto naaa!" tumigil ako sa pagpapatuyo ng aking buhok ng biglang sumulpot si Alpho na...uhmm.

Na nagkatawang tao. Muntik ko na siyang mabayagan kanina buti nakita ko ang dilaw niyang mga mata. Payakap-yakap pa ah.

He's a shapeshifter. Kaya niyang gayahin ang tao, bagay o hayop na nakikita niya. Psh, ginaya niya pala si Lee min ho na nakita niya sa C.D. na nasa kwarto ko. Akala ko talaga si Lee min ho! Sayang muntik na akong maniwala.

"Ano iyang niluto mo?" I asked. Nilapag niya ang bowl sa lamesa sa harap ko at pagkatapos ay inabutan niya ako ng kutsara't tinidor.

"Noodles! Kain ka, kain ka," aniya ng nakangiti ng malaki. Ewan ko ba sa kanya marunong daw siyang magluto. Magluto sa ulingan. Hindi ko alam kung saan siya kumuha ng kahoy upang magsiga.

"S-Salamat." Sa totoo lang na-awkwardan ako sa kanya. Hindi ako sanay na may nagluluto para sa akin at may kasama akong superstar! Nagpapalpitate ang puso ko. Pakiramdam ko ako si Geum Jan di.

Humigop ako ng soup at kinain ang mainit na noodles. Doon ko na naramdaman ang gutom at pagod na naipon ko sa buong araw.

"Kuha ako tubig! Tubig taga-likha!" High pitch na sabi ni Alpho. Napangiwi ako at natatawa sa boses bata niya. Hindi ko ma-imagine si Lee min ho ay boses bata.

Patayo na sana si Alpho ng biglang nagliwanag ang kanyang katawan. Napatayo ako sa pagkabigla hanggang sa unti-unting lumiit ang katawan ni Alpho at tuluyan na rin bumalik sa dati ang anyo niya.

"Alpho?" Shocks, ang galing lang. Nakita ko kung paano nag-shift ang katawan niya. Magic. Hashtag magic talaga.

Tumingin sa akin si Alpho at 'yung malalaki niyang mata ay naging malamlam at may tubig na palabas.

"Huwaaaahh! 'Di na ako taoooo! Huwaaah!"

Kumunot ang noo ko ng humiga siya sa sahig, nagpapadyak at umiiyak. Naalerto naman ako na baka makabulahaw siya ng iba.

"Alpho oo bumalik ka na sa dati. Alpho, huwag kang maingay. T-Tumayo ka na diyan." Pero patuloy pa rin siya sa pagngawa. Napasapo na lang ako sa aking noo at bumuntong-hininga.

It takes time bago ko pa siya mapatahan. Nalaman kong limitado lang ang kapangyarihan niya, isang bagay o tao lang ang pwede niyang gayahin sa isang araw at magtatagal lamang 'yun ng apat na oras. Pinatahan ko siya hanggang sa makatulog siya hayy, para akong nag-aalaga ng isang bata.

8:30 pm na ng matapos ko ang mga gawaing-bahay at nagpahinga na ako sa kwarto ko. Binuksan ko ang pocket wifi ko na pinaloadan ko kanina para makapag-internet hindi ko na kasi nabibisita ang accounts ko.

The Goldenhand's Pen #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon