Chapter 15- #Tellthetruth
YAYY! HAPPY BIRTHDAY TO ME! (As of Mar.2) Hulaan niyo kung ilang taon na ako game? clue 'di pa ako senior citizen hahaha. Regalo ko po ito for TGP supporters :)
Thank you sa lahat Enjoy reading guys. Share your thoughts don't be shy. Salamat sa babati at magreregalo xD.
P.s. May mga picture jan na lalabas kada scene para maimagine pa natin. Isipin niyo na lang na ganu'n iyon.
for _khiaeunice21
***
"I am the Purpleface," sabi ko kay Gladys ng makuha ko na rin sa wakas ang atensyon niya. Sinabi ko na ang totoo, wala na akong pagpipilian dahil kasama na siya sa problema namin.Isa-isa niya kami tiningnan mula kay Charles, Alpho, Erion at sa akin. Bumuka ang bibig niya at 'di ko malaman kung magsasalita ba siya o hindi. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso.
"Aww!" napaigtad ako dahil kumirot ang sugat ko sa paraan ng paghawak niya. Amazona talaga.
"I-Ikaw ang sumulat ng Phantasm?!" gulat na gulat niyang tanong.
Tumango ako at lumunok, natatakot sa magiging reaksyon niya. Natatakot ako na baka sabihin niya sa iba ang totoong identity ni Purpleface. Baka siya pa ang dahilan ng downfall ko.
"OH. MY. GOD." bulalas niya at sabay takip ng bibig. Sari-saring emosyon ang nababasa ko sa mukha niya.
"You know what Gladys. Everything you heard is a secret. Don't dare to tell it to anyone or---" natigil ako sa pagsasalita ng bigla siyang tumili at dinambahan ako ng yakap.
What the eff!
"Oh my gosh! Sa wakas nakita ko rin ang sumulat ng favorite book ko! Oh my, oh my!" nanlaki ang mga mata ko at 'di makapaniwala sa nangyayari. Hindi na rin ako makahinga ng maayos sa higpit ng yakap ng babaeng ito at pakiramdam ko mababali na ang mga buto ko.
Napatingin ako sa tatlo, si Alpho, Charles at Erion na kanina pa pala ako pinagtatawanan. Mga loko natutuwa pa! Sinamaan ko sila ng tingin at agad silang huminto.
Laking pasalamat ko ng bitawan na ako ni Gladys pero nakadikit pa rin sa mukha niya ang abot-tengang ngiti niya at ang pagkamangha.
"Alam mo ba fan na fan ako ng libro mo and I was dying to meet you Purpleface. Ang saya-saya ko! Oh my gosh payakap ulit!" agad akong umatras ng akmang yayakap ulit siya. Hindi ko na ulit hahayaang mangyari iyon.
"Sandali lang Gladys. Oo, ako si Purpleface ang sumulat ng libro and it happens na lumabas du'n ang mga tauhan ko mahirap man paniwalaan..." kalmado kong sabi.
"Naniniwala ako Lyna! hehehe."
"Pero ipangako mo sa akin na mananatiling sikreto ang lahat. Walang lalabas sa mansion na ito. Everything will be remain secret okay?" seryoso kong sabi at tinitigan siyang maigi. More on pinandidilatan.
BINABASA MO ANG
The Goldenhand's Pen #Wattys2016
FantasiaThe Goldenhand's Pen by cindylyna (2015) - Best Fantasy Mega Watt Award (2017) - MEGA WINNER (2017) Synopsis: Sabi nila walang yumayaman sa pagsusulat. Wala kang mapapala sa pagsusulat ng kung anong nobela. Ngunit para kay Lyna na is...