Chapter 34: #HappilyEverAfter

1.1K 67 18
                                    

Chapter 34: #HappilyEverAfter

We almost there! Stay tune.
Pls. Don't forget to like our page: Cindylyna and her stories

--

Nilibot ko ang aking paningin para malamang nasa likuran ko ang bawat isa. Nasa kaliwa ko si Lyna at sa kanan ko ay si Erion na nakayakap kay Yerah.

Sa paanan ni Lyna ay si Alpho na siyang gumawa ng alambre ng may tinik. Sa tabi ni Lyna ay si Gladys na may hawak na palaso at pana. Sa gilid ni Erion ay seryosong nakamasid si Coco kasama si Jolly ang kaklase namin.

We are facing Marga and at her back is Enigma. Looking powerful and dangerous.

"Charles, basahin mo na," wika ni Lyna.

Tumango ako at humarap sa aklat na hindi na masyadong mabasa ang mga salita dahil nabasa na ito.

"Sa puntong iyon, hindi na nakapalag si Marga sa ilalim ng kapangyarihan ni Prinsesa Yerah. Nilapitan siya ni Enigma, ang sinaunang nilalang na sinasamba ng lahat..."

Gaya ng binasa ko ay lumapit si Enigma, binabaan niya ang kaniyang lipad at ang isa niyang galamay ay dumikit sa ulo ni Marga.

"H-Huwag..." Nanghihinakot na turan ni Marga. Halos lumuwa na ang kaniyang mga mata na puno ng luha. Marunong pala umiyak ang isang ito. Subalit kung pagmamasdan mo siya, maaawa ka rin sa kaniya.

Inalis ko ang nararamdaman kong awa dahil kung ikukumpara mo sa ginawa niyang kasamaan ay kulang pa iyan.

"Pinulupot ni Enigma ang kaniyang mga galamay sa katawan ni Marga. Pahigpit nang pahigpit, padiin nang padiin hanggang sa nawalan ng hininga ang babaeng mangkukulam."

Bumulwak ang dugo sa bibig ni Marga, naging kulay ube na ang kaniyang mukha at pumaibabaw ang nakakabinging sigaw niya. Sigaw ng isang taong nasasaktan, nahihirapan at puno ng kalungkutan na ayoko ng marinig.

Sa gilid ng aking mata ay tinakpan ni Lyna ang bibig niya habang lumuluha. Gumuhit ang hapdi as dibdib ko, pakiramdam ko'y isa akong murderer. Pumapaslang ako ngayon.

Mali, binabalik ko lang si Marga sa mundo niya, sabi ng isang bahagi ng utak ko.

"Aaaaahh!"

Kusang gumalaw ang isa kong kamay papunta kay Lyna. Maski ako nagulat sa ginawa ko. Pinatong ko ang kamay ko sa balikat niya at hinila ko siya palapit sa 'kin. Comforting her is not bad, its like feeling good.

The Goldenhand's Pen #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon