Chapter 7 : #Silvertongue&Goldenhand
First of all, thank you very much sa lahat ng nagbabasa, nagvote, follow at comment nito. Lol, unti-unti ng dumadami ang ka-Magic <3
Dedicated to: @Facebook_Addict_Dawn
********
Sa isang iglap ang sugat ko sa aking braso ay tuluyan ng gumaling. Dahil iyon sa kapangyarihan taglay ni Alpho. Ang cute, adorable, huggable and playful Domentian.
"Hindi ko alam kung paano ko sisimulan," wika ni Charles na nakaupo sa tapat ko. Dinala niya kami sa kanyang library matapos ko siyang pilitin na ikwento ang lahat.
Taray talaga ng pamilya ni Charles! Mayaman. May library pa sa mansion nila. Pero hindi ko pa nakikita ang magulang niya sa ilang oras na pamamalagi ko dito. Balak ko sana magpakilala.
Umayos ako ng upo sa malambot na couch at tumalon pababa si Alpho sa kung saan.
"Simulan mo sa kung paano lumabas si Alpho, soul reapers o 'yung mga character ko sa Phantasm."
He took a deep sigh. "I'm the Silvertongue..."
Okay, he's getting worst. Fiction lang ang salitang Silvertongue. Hindi totoo bilang writer alam ko iyon.
"...And you are the Goldenhand," he continued and my mouth dropped.
"Ha? Ikaw? Papaano? Ano 'yung Goldenhand?" Sunod-sunod kong tanong.
Sinuklay niya buhok niya gamit ang kamay niya bago magsalita.
"Listen to me, I know it is hard to believe and don't think that I'm crazy. I am the Silvertongue. Kaya kong palabasin ang mga tauhan mula sa libro sa pamamagitan ng pagbasa ng malakas."
Things are getting clear but so complicated.
"Okay..." pilit kong tugon. Uggh sige lang, dina-digest ko pa lang.
"You are the Goldenhand. Nakakapagsulat ka ng kwento na kalaunan ay nagkakabuhay. Makapangyarihan ang iyong kamay dahil bukod sa nakakagawa ka ng kwentong may buhay ay maari mo rin palabasin ito gamit ang salita, boses o sa pagsulat mo. Lyna, mas makapangyarihan ka kaysa sa akin."
Aatakihin ako sa puso but stay calm Lyna. You need to know other informations. Tiningnan ko ng mabuti ang binata at hinayaan ko siyang magsalita.
"That's why hinanap kita, si Purpleface ang writer ng Phantasm. Then, I found you," he said like finding me looks like a relief for him. Parang isang tropeyo lang ang paghanap sa akin sa kislap ng kanyang mata.
"Okay...so, bakit naman ako nadamay sa pagiging Silvertongue mo? Dahil ba 'yun sa ako ang Goldenhand?"
Nag-smirk siya at umiiling-iling. "You know what, noon naman sumikat ang book mo ay wala naman akong pake sa'yo at kay Purpleface."
May kumirot sa bandang dibdib ko. Wala pala siyang pake sa akin? Kahit man bilang kaklase. So, dapat pala magpasalamat ako, na ako 'yung Goldenhand. Dahil doon napansin niya na ako. Pinilig ko ang ulo ko at pilit ngumiti.
Fudge, gusto kong bawiin ang sinabi niya!
Then, sumeryoso ang mukha niya. "...But four months ago, the unexpected events happened. Four months ago I had a happy family my mom and my dad. Hindi ko pa alam na isa pala akong Silvertongue hanggang sa isang gabi sinaway ko sila at nagbasa ako ng libro. Ang librong Phantasm..."
BINABASA MO ANG
The Goldenhand's Pen #Wattys2016
FantasíaThe Goldenhand's Pen by cindylyna (2015) - Best Fantasy Mega Watt Award (2017) - MEGA WINNER (2017) Synopsis: Sabi nila walang yumayaman sa pagsusulat. Wala kang mapapala sa pagsusulat ng kung anong nobela. Ngunit para kay Lyna na is...