Chapter 16: #Letter

2.4K 96 41
                                    

Thank u sa mga naghihintay ng update ko. Nawa'y mag-enjoy kayo at di mabitin hahaha.

para kay AJ_chumz

***

"We're home!" masigla kong sigaw pagkapasok ko sa mansion ni Charles. Pasado alas-siyete na ng matapos ang klase namin ni Charles pero dumiretso ako sa grocery para bumili ng ingredients para sa lulutuin kong ulam.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko dahil naisipan kong magluto ng matinong ulam for our dinner. Siguro nagsawa na ako sa puro preservatives, noodles, microve at in-can foods. Marunong naman ako magluto dahil iyan ang natutunan ko for being independent. Ito na rin siguro ang paraan ko para magpasalamat kay Charles sa pagkupkop sa amin.

Muntik na akong napatili ng madulas ako sa pagtapak ko sa marmol na sahig ng bahay ni Charles. Kaya pala madulas dahil may nuwebe sa sahig at isa lang suspetsa ko.

Siya ang dahilan kung bakit may instant niyebe sa mansion ni Charles kahit tirik ang araw sa labas. Dahil sa kanya kinailangan namin na gumamit ng heater sa loob. Dahil sa kanya nagyeyelo na ang mga kagamitan at ang paligid.

Sinalubong ako sa pinto ni Erion at nagulat sa naabutan niya. Naabutan lang naman niya akong nakahiga sa sahig. Nakakahiya.

"Taga-likha?" agad niya akong tinulungan tumayo mula sa pagkakasalampak ko sa sahig. Sana pala nagsuot na ako ng blades na pang-yelo.

"Hehe, madulas pala ang yelo nu?" parang tanga kong wika para mapagtakpan ko ang kalampahan ko.

Hindi ko na siya pinagsalita pa, agad kong binigay sa kanya ang grocery na binili ko.
"Pakidala mo naman sa kusina. Mamaya magluluto ako."

Nagsimula na akong maglakad nang maalala ko si Alpho. Nakakapagtaka dahil walang maingay na bear o purple na unggoy ang lumambitin sa akin at bumabati ng taga-likha!

"Nasaan pala si Alpho?" tanong ko sa kanya.

"Nasa ikalawang palapag sa kwarto niya. Gumagawa ng tracking charm," sagot ni Erion at dumiretso na sa kusina.

Kumunot ang noo ko. "Hanggang ngayon?" biglang tanong ni Charles na kakapasok lang ng mansion. Bahagya pa siyang nagulat at napailing-iling sa hitsura ng bahay niya.

Hindi ko maiwasang maawa at mag-alala kay Alpho dahil limang araw na niyang ginagawa ang ritual sa paggawa ng tracking charm. Ang tracking charm na siyang makakahanap kay Yerah.

Isa-isang tinanggal ni Charles ang butones ng kanyang polo at hinubad ito. Nanlaki ang mga mata ko sa ginagawa niya. Tama ba namang maghubad siya sa harap ko mismo?!

Iyan tuloy 'di ko na matanggal ang titig ko sa biceps niya at sa maputi't mamula-mula niyang balat. Bumakat ang malapad niyang dibdib at abs niya sa ilalim ng sando niya. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko at ano ba ang nararamdaman ko? Masyado ko na bang hinahangaan ang lalaking ito at napunta na sa pagkagusto?

Gusto ko siya? Gusto ko na ba siya?

Ang ganda talaga ng nakikita ko ngayon to the point na 'di ko na maalis ang tingin ko sa kanya. Para akong na-hyponotize. Napaigtad ako ng dumilim ang paningin ko at may tumama sa mukha ko.

"What are you doing ha?!" narinig kong singhal ni Charles then I heard his footsteps.

Inalis ko ang nakaharang sa mukha ko, ang polo ni Charles! Kaya pala pamilyar sa akin ang amoy. Amoy ng pawis at pabango niya. Nakangiwi kong binato sa kanya ang damit niya at lumunok ng mariin.

"A-Ano ba!" Nahuli niya kaya akong nakatitig sa katawan niya? Oh noes...

He was about to speak when we heard a loud thud. Isang malakas na pagsabog ang pumaibabaw at yumanig sa buong mansion kasunod ng paggapang ng usok na mula sa second floor.

The Goldenhand's Pen #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon