The Goldenhand's Pen
by cindylyna (2015)
- Best Fantasy Mega Watt Award (2017)
- MEGA WINNER (2017)
Synopsis:
Sabi nila walang yumayaman sa pagsusulat. Wala kang mapapala sa pagsusulat ng kung anong nobela. Ngunit para kay Lyna na is...
Updatenarinsawakas! Guys, mayquestionakokungsakalingmagingbookito (hardcopy) sino gusto bumili? :)sanamaypumansin.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
----
Charles'POV
Paulit-ulit kong naririnig ang boses ni Lyna sa aking isip. Gusto niyang basahin kong muli ang librong Phantasm. Ang librong naging dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ko.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kinuyom ko ang mga palad ko habang nasa loob nito ang libro. Natatakot ako na kung babasahin kong muli ito ay may mangyayari na naman masama. Maaring may mawala sa mga kaibigan ko. Maaring may lumabas na nilalang mula sa libro.
Hinanap ng mga mata ko si Lyna pero hindi ko na siya makita sa halip ay ang halimaw na si Enigma ang nakita ko. Tahimik na nakamasid mula sa itaas habang gumagalaw ang mga galamay niya.
"T-Tulong!" Napalingon ako sa taong pinagmulan ng sigaw na iyon.
Isang babaeng may kulay pink na peluka ang nakahiga at sugatan. Nababalot ng takot ang kaniyang mukha habang lumalapit sa kaniya ang isang soul reaper. Isa siya siguro sa fans ni Lyna.
Nagpalipat-lipat ang aking tingin sa hawak kong libro at sa kaniya. Nagtatalo ang isip ko kung ano ang uunahin ko hanggang sa pinuntahan ko ang babaeng nangangailangan ng tulong.
Kinuha ko ang aking baril at nilagyan ng bala. Itinutok ko ito sa soul reaper at walang pakundangan ko itong pinaputok. Lumusot ang bala sa katawan ng halimaw na dahilan kung bakit ito tumalsik.
"S-Salamat. Ako nga pala si Sylvi--"
"Umalis ka na rito," sagot ko at huminga nang malalim. Tinulungan ko siyang tumayo at mabuti ay hindi na siya nagsalita. Wala akong panahon para makipagkilala lalo na sa ganitong panahon.